Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)

Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)

last updateLast Updated : 2026-07-20
By:  Depthless_ScrivenerUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
15Chapters
117views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

One unforgettable night, one mysterious man, and a secret that could change everything. Akala ni Karaella Viancé, a strong-willed and independent civil engineering student, na naiwan na niya sa nakaraan ang gabing iyon—at ang lalaking kumuha ng kanyang puso at pagkabirhen. Pero hindi pala gano’n kadaling takasan ang tadhana. Dahil sa kanyang dream internship, muli niyang makakaharap si Finnian Stewheinz—the irresistible playboy billionaire, ang lalaking hindi niya makalimutan… at ngayon, ang kanyang boss. Sa bawat nakaw na tingin at bawal na haplos, muling nag-aalab ang kanilang koneksyon. Pero kasabay nito ang pagdating ng mga komplikasyon—ang pagbabalik ng first love ni Finnian, mga lihim tungkol sa tunay na pinagmulan, at mga katotohanang kayang sirain ang lahat. Sa pagitan ng pag-ibig at pagtataksil, ng nakaraan at kasalukuyan, kakayanin kaya nina Kara at Finnian na ipaglaban ang nararamdaman nila? O tuluyan silang susuko sa isang rebelasyong magpapabago sa lahat?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

KARA'S POV

“Sumama ka sa’min, okay?” sabi ni Sancha pagkatapos kong matapos mag-empake ng gamit ko.

Katatapos lang ng huling subject namin for the afternoon session, at alas-sais na ng gabi. Isa-isang nagbubukas ang mga ilaw sa hallway at classroom, kita mula sa bintana sa tabi ng upuan ko.

“Clubbing?” tanong ko.

“Ano pa ba?” sagot ni Sancha. “Academic Break na next week, so hindi na tayo magkikita. Alam mo naman kung gaano ka-strict ang dad mo. Kahit walang pasok, hindi ka pa rin pinapalabas.”

Sumabat si Louisse habang inaayos ang gusot niyang buhok, maingat na tinatali. “Totoo. Para kang grounded kahit walang klase.”

“Hello, naka-uniform pa tayo, mga tanga,” sabi ko sabay scoff. “Hindi tayo papapasukin ng security at bouncers. Naka-ID pa tayo, oh.”

Papalayo na sana ako nang bigla akong hilahin ni Sancha sa braso. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pilyang ngiti sa labi niya.

“Sa tingin mo ba i-i-invite kita nang hindi ako prepared?” sabi niya habang binubuksan ang bag niya at inilalabas ang dalawang dress.

Napahiyaw kaming tatlo at nagyakapan. Sigurado kaming makakalusot kami sa security mamaya. Hindi na kami minor. Pwede na kaming mag-club. At sanay na rin naman akong magsinungaling kay Daddy kapag lalabas ako. Sinasabi ko lang na mag-o-overnight ako kina Sancha o Louisse dahil may tatapusin kami. Lagi naman siyang busy sa trabaho, kahit bantay-sarado pa rin ako.

Diretso kami sa dorm nina Sancha at Louisse. Pagpasok pa lang namin, nagkalat na agad ang mga gamit—sa kama, sa vanity, sa bawat sulok ng kwarto. Normal na ‘yon kapag sabay-sabay kaming nagre-ready. Parang mini fashion show na may kasamang makeup tutorial sa maliit nilang space.

“Bilisan niyo, girls! Late na!” sigaw ni Louisse habang sinisindi ang malaking ring light nila.

Lumapit ako sa salamin at kinuha ang napili kong dress mula sa bag ni Sancha. Itim, fitted, at sobrang ikli—halos kasing-ikli ng pasensya ni Daddy sa mga kalokohan ko. Pag-angat ko pa lang, napa-squeal si Louisse.

“Grabe, Kara. Papatayin ako ng mom ko kung magsusuot ako ng ganyan,” sabi niya, halatang bilib.

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti nang mayabang.

“Well, buti na lang hindi siya ang mom ko.”

Isinuot ko ang dress. Agad kong naramdaman ang lamig ng tela na kumakapit sa balat ko na parang pangalawang balat. Sakto ang fit sa baywang ko at tama lang ang bagsak sa balikat. Sa bawat malalim na hinga ko, mas lumalantad ang cleavage ko. Hindi ko alam kung excitement ba o kaba ang gumagapang sa balat ko, pero isang bagay ang sigurado—hindi ako uuwi ngayong gabi na walang nangyayari.

Tumayo ako at umikot sa harap ng salamin. Sobrang ikli nito na isang maling galaw lang, baka pati kaluluwa ko makita na. Pero perfect ito para sa gabing hindi para sa pagiging mahinhin.

Full glam ang peg ko sa makeup. Smokey eyes, winged liner na kayang pumatay ng kaluluwa, at overlined red lips—'yung tipong kayang magpa-uhaw sa lalaki sa isang ngiti lang. Saglit akong tumitig sa repleksyon ko.

Damn, ang ganda ko! Napangiti ako sa sarili ko.

Hell, gusto kong makipag-make out tonight. Walang pangalan, walang introductions, at pure init lang.

Pagkatapos naming mag-ready, inayos namin ang “proof” namin. Umupo kami sa sahig na parang mga kriminal na gumagawa ng alibi.

“Ayan. Kunwari may ginagawa tayong project,” sabi ni Louisse habang nagpapanggap sa video na gumagawa kami ng scrapbook.

Kumuha ako ng pictures ng mga papel, laptop, at ballpen na nakakalat sa mesa. Pinili ko pa ang best angle para mukhang legit.

“Paano yung outfits natin?” tanong ni Louisse.

“I-edit ko na,” sagot ni Sancha.

Pagkatapos niyang mag-edit, sinend ko lahat kay Daddy.

Dad, nasa bahay ako ni Sancha. May kailangan kaming tapusin for tomorrow.

Hindi pa rin ako kontento, kaya nag-send pa ako ng video ni Sancha na kunwari nagre-recite.

“Ang galing mo umarte. Pwede ka nang mag-movie,” biro ko.

“Hindi ‘to N*****x, girl,” sagot niya sabay tawa.

Makalipas ang ilang segundo, nag-reply si Daddy.

Okay. Don’t go home late.

Napatigil ako.

Humiga ako sa kama nila habang nagta-type.

Late? Hindi nga ako uuwi.

Nagkatinginan kaming tatlo, tapos sabay-sabay kaming sumigaw.

Mabilis ulit nag-reply si Daddy.

Just be safe.

Pagdating namin sa club, parang gumaan ang dibdib ko. Malakas ang music, mabigat ang bass, at parang sumasabay ang tibok ng puso ko sa bawat beat. Kumikislap ang neon lights, halos parang buhay. Kahit nasa entrance pa lang kami, ramdam ko na agad ang vibe.

Pagpasok namin, halos hindi pa ako nakakahinga nang iniwan na ako agad ng dalawa. Nakahanap na sila ng mga lalaking type nila at kumapit na doon.

Ako? Diretso sa bar.

Umorder ako ng drink, at habang naghihintay, may konting hilo na akong nararamdaman. Hindi ko alam kung sa alak ba o sa anticipation. Iba ang pakiramdam, parang may paparating, parang may mangyayari.

Ilang sandali pa, may lalaking umupo sa tabi ko—walang paalam at walang salita.

Sumulyap ako sa kanya at ang unang napansin ko ay ang leeg niya. Puno ng tattoo. Hindi lang basta tattoo—yung tipong sinadyang ilagay para painitin ang dugo mo. Napansin ko rin ang piercing sa kaliwang tenga niya na kumikislap sa ilaw ng bar. Naka-white long sleeves siya, medyo bukas sa itaas, kita ang collarbone.

Malinis, maputi, at nakakaakit.

At ang relo niya?

Sobrang mahal. Yung tipong hindi ko mabibili kahit ibenta ko pa ang sarili ko at kaluluwa ko. May kuwintas din siyang suot, hindi lang pang-design—signature piece talaga.

Rich bad boy energy. Favourite ko ‘yan!

“One shot of tequila, please,” sabi niya sa bartender, firm at sobrang sexy ang English.

Napatingin ako sa kanya. Nahuli niya akong nakatitig at dahan-dahang tinaasan ng kilay, parang nang-aasar.

Doon ko siya nakita nang maayos.

Damn! Ang gwapo niya.

Hindi ‘yung campus crush lang—’yung rich boy with daddy issues na kayang sirain ang emosyon mo pero worth it pa rin.

Matangos ang ilong, mapupulang labi, at makakapal na kilay. Mahahabang pilikmata at mas makinis pa ang balat kaysa sa akin, kahit may twelve-step Korean skincare routine pa ako.

“Why are you staring at me, hm?” tanong niya.

Damn.

Muntik na akong mabulunan. Ang boses niya—malalim, may accent, at delikadong nakakaakit.

God, bakit mo ako tine-test?

Hindi ko na alam kung paano nangyari, pero pagkamulat ko, nasa dance floor na kami. Magkadikit ang katawan namin, mainit ang hininga niya sa leeg ko, at naghahalikan na kami—halik na may halong alak, pagnanasa, at kawalang-ingat.

Magkakasalikop ang dila; sinisipsip ang labi. Walang pakialam kung may nakakakita. Mas nagiging matapang ang mga kamay niya, gumagala sa bewang ko, sa kurba ng katawan ko, sa pwet ko, minsan umaakyat sa dibdib ko o bumababa sa tiyan ko. Wala akong pakialam. Hindi ko siya kilala, pero gusto ko ang ginagawa niya, at gusto ko siya ngayong gabi.

“Let’s get a room,” bulong niya sa tenga ko.

Paos ang boses niya, pagod at gutom.

Tumingin ako sa kanya.

Damn.

Mukhang mag-e-enjoy ako sa gabing ‘to.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
15 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status