Share

Chapter 2

Penulis: ysovel
last update Tanggal publikasi: 2026-07-06 06:06:12

Cassandra Louise’s point of view

“Nobody warned me na ganito pala kakapagod ang maging personal maid.” Halos nakahandusay na ako sa kama habang kausap si Reed sa video call. Gabi na, at ngayon lang siya nagkaroon ng oras para kumustahin ako at ibalita kina Mamita at Dadi Lo na buhay pa rin ako matapos ang halos isang buwang pakikipagsagupaan sa mansion ng mga Sandejas.

Napabuntong-hininga ako.

God... I already miss them. I miss the warmth of home. I miss Mamita's cooking. I even miss Dadi Lo's endless reminders.

At higit sa lahat... Miss ko na ang buhay na walang isang Amadeo Vicente Sandejas.

Sa kabilang linya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Reed.

“Bakit?” natatawang tanong niya. “Papasundo ka na ba?”

Napairap ako kahit alam kong hindi niya naman makikita.

“Of course not.”

“Sure ka?”

“Yes!”

Bahagya akong umupo sa kama bago nagsimulang magreklamo.

“Pero bwisit ka talaga.”

“Ano na naman ginawa ko?”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na personal maid pala ako rito?”

Bahagya siyang natigilan ng ilang segundo.

“Oh…” Narinig ko pa ang mahinang paghinga niya. “I forgot to tell you.” Sabay tawa ng malakas.

“Reed!” Inis kong singhal.

“Ayos ba?” tanong pa niya habang halatang pigil na pigil ang tawa.

Napapikit ako sa inis.

“Kapag ikaw talaga kinarma…”

“Nope.” Natatawa pa rin siya. “Hindi gumagana sa akin ang karma.”

“Ang kapal mo.”

“Thank you.”

Napailing na lang ako.

Seriously, minsan gusto ko na lang talaga siyang sapakin.

“Sige na,” ani Reed matapos humupa ang tawa niya. “Magpahinga ka na.”

“Isang buwan ka pa lang diyan.”

“Behave.”

Napanguso ako.

“Behave? Ako?”

“Yes.”

“Impossible.”

“Exactly.”

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago tuluyang naputol ang tawag.

Nanatili ako sa ilalim ng kama ng nakatitig sa screen ng cellphone ko.

"Magpakabait."

Mapang-asar akong natawa, at sinabing, “Very funny.” Inaaway ko na nga si Vicente halos araw-araw.

Mag-iisang buwan pa lang ako sa mansion ng mga Sandejas. At sa loob ng halos tatlumpung araw na pananatili ko rito... Nagawa ko nang sagut-sagutin si Vicente nang hindi mabilang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang naging normal na lang iyon sa aming dalawa. Every single day, may bagong dahilan kami para magbangayan.

Kapag umaga, nag-aaway. Kapag tanghali, nagtatalo. Kapag gabi... Nag-aasaran.

At kinabukasan, uulit na naman. But despite that, naging close naman ako sa buong pamilya niya. Lalo na kay Agnes.

She's literally a sunshine. Napakabubbly, sweet, at sobrang gaan niyang kasama. Complete opposite ng kuya niyang walking stress.

Kung si Agnes ay parang anghel... Si Vicente naman ay certified demonyo.

Walking red flag. Walking headache. Walking high blood.

“Where the hell is Cassandra?”

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Vicente mula sa labas ng kwarto ko.

Napakunot-noo ako. Sinilip ko ang wall clock.

12:00 AM.

Napabuntong-hininga ako bago lumabas ng kwarto. Naabutan kong pinapagalitan niya ang kasambahay na sumalubong sa kanya.

Sinenyasan ko agad ang maid. “Ako na.”

Tumango ito bago tuluyang umalis.

Nakahalukipkip akong humarap kay Vicente. “Ano na naman ang problema mo?”

Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Paglingon niya sa akin, halatang iritado ang mukha niya. “Why are you not answering my calls and texts?”

Napakurap ako.

“Excuse me?”

“Mukha bang allowed akong mag-cellphone habang nagtatrabaho, Vicente?”

Kapag kaming dalawa lang ang magkasama, first name basis lang kami. Hindi ko siya tinatawag na Sir o Señor. At surprisingly... Hindi rin naman siya nagrereklamo.

Lumapit ako sa kanya habang nananatiling nakataas ang isang kilay.

“Baka nakakalimutan mong ikaw mismo ang sumita sa akin noon kasi nakita mong tumitingin ako sa phone habang naglilinis.”

Humalukipkip ako.

“You literally scolded me in front of everyone.”

“At ikaw pa mismo ang nagbawal na gumamit ng gadgets habang nasa trabaho.”

Saglit akong tumigil bago siya masamang tiningnan.

“Tapos ngayon mag-iinarte ka kasi hindi kita nire-replyan?”

Napailing ako.

“Iumpog ko kaya yang ulo mo.”

Sunod-sunod kong sambit habang unti-unting umiinit ang ulo ko.

Bwisit talaga.

“Saka…” Sinipat ko ang suot niya.

“Alas-dose na ng madaling-araw.”

“Ngayon ka lang umuwi?”

Hindi man lang siya kumurap.

“Hindi.” Saglit siyang tumingin sa sarili niyang suot.

“Hindi naman halata sa suot ko, 'di ba?”

Napapikit ako.

Lord... Bigyan Mo pa ako ng mahabang pasensya at baka sa kulungan ako mapadpad kapag pinatulan ko ang lalaking 'to.

Bigla siyang lumapit sa akin.

Napaatras tuloy ako ng bahagya.

“Amoy alak…” Napangiwi ako. “Tsk.”

Halos nasa mukha ko na siya.

“You're drunk.”

Ngumiti siya nang bahagya. Then he stared at me.

“You're pretty.”

Bahagyang kumunot ang noo ko.

“Bagay pala sa'yo kapag wala kang salamin.”

Napakurap ako.

Lasing nga. Totally drunk.

“Halika na nga.” Napabuntong-hininga ako. “Ihahatid na kita sa kwarto mo.”

Maingat kong inalalayan ang braso niya. Halos pareho kaming pagewang-gewang habang naglalakad sa hallway.

Grabe, hindi ko akalaing ganito siya kabigat.

“Business meeting?” tanong ko habang tinutulungan siyang maupo sa kama.

Mahina lang siyang tumango. Mukhang pagod na pagod din.

Tatalikod na sana ako, kaso… Bigla niyang hinila ang braso ko.

“Ah!”

Nawalan ako ng balanse.

Diretso akong bumagsak... Sa ibabaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko. “G-gago!”

Hindi agad ako nakagalaw. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Pero mas lalo akong natigilan nang maramdaman kong... Mahigpit na pumulupot ang isang braso niya sa baywang ko. Parang ayaw niya akong pakawalan.

“Vicente.”

Hindi siya sumagot. Bahagya lang siyang napapikit.

Napaismid ako.

“Ang baho mo.” Napangiwi ako habang pilit siyang itinutulak.

“Umayos ka nga.”

“Maligo ka muna.”

Pagkabitaw ng braso niya, mabilis akong tumayo. Inayos ko ang nagusot kong damit bago lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ay naabutan ko agad si Agnes na nakasandal sa pader sa labas. Parang kanina pa naghihintay.

“Kakauwi lang?”

Tumango ako.

Ngumiti siya. “Can we talk?”

“May ikukuwento ako.”

Hindi na ako nakatanggi. Hinila na niya ako papunta sa balcony.

Tahimik ang paligid at tanging malamig na hangin at liwanag ng buwan ang kasama namin.

“Lasing si Kuya?”

“Oo.”

Napatingin ako sa kanya. “Bakit? Alam mo?”

“Syempre.” Napanguso siya. “Kami yata dahilan.”

Napakunot-noo ako. “Bakit?”

Huminga muna siya nang malalim.

“Kasi ate…”

“Napapansin naming palagi kayong nag-aaway.”

"Sa lahat ng naging personal maid ni kuya, sayo kami humanga. Ikaw lang ang may lakas ng loob na sagut sagutin ‘yon."

"Yung iba, nanginginig na kapag nakita siya."

"Ikaw? Ikaw pa ang nakikipagtalo."

Tumango ako, “kapikon kuya mo e”.

“Well… Normal na yata 'yon. ”

Napatawa siya.

“You know Kuya.”

“Kapag badtrip siya… Damay-damay lahat ”

“So we tried talking to him.”

Napataas ang kilay ko. “Tungkol saan?”

“Sinabi ko na you know, instead na ikaw ang personal maid niya… ”

“Sa akin ka na lang ilagay.”

Nanlaki ang mata ko. “Ha?”

“Para hindi na kayo laging nag-aaway.”

Napangiti siya.

“Kaso…”

“Badtrip na badtrip si Kuya.”

“Hindi raw pwede.”

Mas lalo akong nagtaka.

“Eh bakit siya naglasing?” Tanong ko.

Napangisi si Agnes. “Kasi napagtripan siya.”

“Sige ate.”

“Matutulog na ako.”

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tumakbo na siya pabalik sa kwarto niya at naiwan akong mag-isa sa balcony. Still trying to process everything she said.

What did she mean?

Nahuli ang kahinaan niya?

Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas muli ang pinto.

Paglingon ko... Si Vicente.

Mukhang bagong ligo na. Basang-basa pa ang buhok niya habang nakasuot ng simpleng shirt at sweatpants. Mukhang nahimasmasan na rin.

“Bakit nandito ka?”

“Nagpapahangin lang.” Simple kong sagot. Hindi ko na binanggit na kasama ko rito kanina si Agnes, at lalong hindi ko sasabihing pinag-uusapan namin siya.

Tumango lang siya. “Matulog ka na.”

“Mayamaya.”

Tinitigan ko siya.

“Bakit lumabas ka pa?”

Bahagya siyang nanahimik bago muling nagsalita. “If Agnes tells you na sa kanya ka na lang as personal maid…”

Bahagya siyang huminga.

“Say no.”

Napataas ang kilay ko. “At bakit?”

“Basta.”

Napangiti ako nang mapanukso.

“Mas okay kaya kay Agnes.”

“Close kami.”

“Hindi niya ako inaaway.”

Sinadya kong asarin siya. Wala naman talaga akong balak lumipat.

Sa totoo lang... Naeenjoy ko na rin ang pang-aasar sa kanya. Lalo na kapag nakikita kong tila natataranta siya.

His jaw tightened.

“Never mind.” Wala nang emosyon ang mukha niya. “Do whatever you want.”

Pagkasabi niyon... Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto niya..

Naiwan nanaman akong nakatingin sa likod niya habang unti-unting lumalalim ang kunot ng noo ko.

What was that?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Desired by the Billionaire    Chapter 11

    Cassandra Louise’s point of view“Good evening, ladies and gentlemen!” Umalingawngaw sa buong auction hall ang masiglang boses ng host nang tuluyan na itong pumasok sa stage, hawak ang mikropono at suot ang malapad na ngiti ng isang taong sanay manghikayat ng atensyon. Kasabay no’n ay bahagyang humina ang usapan sa paligid, at unti-unting napunta sa harapan ang tingin ng lahat. Magsisimula na ang pinaka-main event ng charity night. Ang auction. Ito ang pinakahihintay ng karamihan sa mga bisita. Halata naman sa mga mukha nila. Iyong iba ay nakaupo nang mas tuwid sa kani-kanilang upuan, ang iba nama’y nakasandal ngunit mas naging matalas ang tingin sa stage, at ang ilan ay tahimik lang na pinaglalaruan ang hawak na wine glass habang hinihintay kung anong unang ilalabas ng pamilya Sandejas. Hindi lang kasi ito basta-bastang paandar sa charity event. Lahat ng item na ilalabas sa auction ay may katumbas na prestige, influence, or value, at siyempre, lahat ng perang malilikom at mga kon

  • Desired by the Billionaire    Chapter 10

    Cassandra Louise’s point of view“Breathe,” mahinang sabi ni Agnes sa tabi ko, tila napansin ang paninigas ko. “Hindi ka kakainin ng mga tao rito.” Tiningnan ko siya. “Easy for you to say. Kabisado mo na silang lahat.” “Not all of them,” she muttered, then leaned closer with a grin. “Pero kung may umepal, itutulak ko.” Napatawa ako nang mahina. “Very comforting.” Pagpasok namin sa loob, people in expensive gowns and tailored suits moved around the venue with practiced ease, exchanging greetings and business smiles as if they had all been trained to do exactly that. Nakakasilaw, nakakabingi, at medyo nakakaubos ng energy. Sa dami ng tao, si Reed pa talaga ang unang namukhaan ko. Nakatayo siya sa may gilid ng hall, may hawak na baso at kausap ang dalawang lalaking naka-formal suit. Pero nang mapadako ang tingin niya sa direksyon namin, agad siyang natahimik. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang makita ako, at maya-maya ay sumilay ang pamilyar na ngisi sa labi niya na para bang may

  • Desired by the Billionaire    Chapter 9

    Cassandra Louise’s point of viewMuling bumalik ang braso niya sa bewang ko at mas lalo pa niya akong idinikit sa katawan niya, habang ang mga kamay ko naman ay unti unting humahawak sa buhok niya. Patuloy lang kaming nagpalitan ng halik, at tila wala ni isa sa amin ni Vicente ang gustong huminto o kumawala.“Uhm.” Mahina akong napasinghap nang maramdaman ko ang kamay ni Vicente na dahan dahang inaangat ang isa kong binti papunta sa gilid ng balakang niya. We continued kissing until he suddenly lifted me into his arms.Wala na akong pakialam kung masira man ang makeup o buhok ko. All I could think about was him and the way he was kissing me. Nahinto lang kami sa ginagawa namin nang biglang umugong sa buong kwarto ang boses ni Agnes mula sa labas ng pinto, kasabay ng sunod-sunod at malalakas nitong katok. “Kuya! Open the door!” Para akong biglang nabuhusan ng malamig na tubig. “P-put me down,” mahinang bulong ko, sabay tapik nang madiin sa balikat ni Vicente. “Now.” Napasinghal

  • Desired by the Billionaire    Chapter 8

    Cassandra Louise’s point of view“H-hands off.” nauutal kong sambit, dala ng gulat na hindi ko agad naitago.Nanatili ang isang kamay ni Vicente sa gilid ng kanyang closet, sapat para ikulong ako sa pagitan ng katawan niya at ng malamig na kahoy. Tumaas ang kanang kilay niya habang titig na titig sa akin, para bang may kung anong aliw siyang nakukuha sa naging reaction ko.I was caught off guard. Masyado. Isang segundo lang ang pagitan mula sa pag-alis ko sa tabi niya hanggang sa bigla niya akong ikulong sa bisig niya, at sa maikling sandaling iyon, parang nawala ako sa aking sarilil. Hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko nagawang mag salita o mag reklamo. Ang mas nakakairita, hindi ko agad mahanap ang tiyempo para makaalis sa bisig niya. “V-vicente,” inis kong singhal nang sa wakas ay makabawi ako, saka agad na nagpumilit kumawala sa pagitan ng mga braso niya. Hinayaan naman niya ako, pero hindi siya tuluyang umurong. Nandoon pa rin ang ngiti sa sulok ng mga labi niya, seryoso, mapanu

  • Desired by the Billionaire    Chapter 7

    Cassandra Louise’s point of viewFor a second, I just stood there, staring at them while trying to process the slip. Then I awkwardly scratched the back of my head, half-amused and half-nervous. “S-sorry,” mabilis na sabi ng make-up artist, si Pat, bago bahagyang kumindat sa akin na para bang sinasabing gets niya agad ang sitwasyon. Napahinga ako nang kaunti. At least she understood what I was trying to hide. Matagal ko na silang kakilala. Sila ang madalas na nag-aayos sa akin sa halos lahat ng events ko noon, noong nasa puder pa ako ng mga Ledesma at hindi pa magulo ang lahat. They had seen me at my best, in designer gowns and expensive heels, smiling for cameras and pretending everything in my life was perfectly in place. Seeing them here, in this room, while I stood in a life that was far from what I used to have, felt strangely unreal. “Kumusta?” tanong ni Aki habang inaayos niya ang hair kit niya sa harap ng vanity na nasa kwarto ko. “Buhay pa,” sagot ko, napangiti nang kau

  • Desired by the Billionaire    Chapter 6

    Cassandra Louise’s point of viewNgayon ang araw ng charity event ng mga Sandejas. Nasa kwarto ako ni Vicente, abala sa pag-aayos ng isusuot niya habang siya naman ay parang walang balak tumulong sa sarili niya. Nakakainis, honestly. Ilang beses na akong sinabihan ni Agnes at maging ng mga magulang nila na huwag ko nang asikasuhin si Vicente para makapag-ayos din ako nang maaga, pero heto pa rin ako, nakatayo sa harap ng closet niya at pinipili ang susuotin ng lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Siguro dahil nasanay na lang ako. O baka sadyang mahina lang ako pagdating sa taong ito. Pinisil ko ang tela ng isang charcoal gray suit bago iyon inilabas at inilapag sa kama kasama ang puting long sleeves at necktie na babagay roon. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, saka ako bumaling sa kinaroroonan niya. “Akala ko ba wala kang balak sumama sa charity event n’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay habang inaayos ang c

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status