Share

Desired by the Billionaire
Desired by the Billionaire
Penulis: ysovel

Chapter 1

Penulis: ysovel
last update Tanggal publikasi: 2026-07-06 06:05:51

Cassandra Louise’s point of view

“Mamitaaaaa! Dadi Lo!” Malakas kong sigaw ang agad na umalingawngaw sa buong dining area pagkapasok na pagkapasok ko. Halos kasabay pa niyon ang mahihinang yabag ng paa ko habang nagmamadaling tumakbo papunta sa hapag. Kakagising ko pa lang, pero parang bigla akong binuhusan ng isang timba ng energy nang maisip ko ang plano kong matagal ko nang gustong gawin.

I already knew they wouldn't agree. Actually, sigurado akong kokontrahin nila ako.

Pero wala akong balak umatras. Kahit gaano pa katagal ang kulitan at lambingan na kailangan kong gawin, mapapa-oo ko rin sila.

“Good morning, iha,” malambing na bati ni Mamita nang makita niya ako.

“Let's eat first,” dagdag naman ni Dadi Lo habang inilalapag ang tasa ng kape.

“Good morning po.”

Ngumiti ako bago umupo sa harap nila. Tahimik muna kaming kumain, tanging tunog ng kubyertos at mahinang usapan ng mga kasambahay ang pumupuno sa paligid. Pero habang tumatagal, lalo lang akong kinakabahan.

This is it.

Huminga ako nang malalim at dahan dahang ibinaba ang kutsara.

Napatingin sa akin si Dadi Lo, tila agad nabasa ang ekspresyon ko. “May gusto ka bang sabihin, iha?”

Pareho silang tumingin sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

“I want to live like a normal person.”

Nanatiling tahimik ang dalawa kaya ipinagpatuloy ko.

“I know tinatago niyo po ako because of my safety. Alam ko rin kung bakit. And don't worry, hindi naman ako magpapakilala sa kahit kanino. I won't tell anyone who I really am.”

Saglit akong napayuko bago muling tumingin sa kanila. “I just... want to explore.”

Bahagyang nanghina ang boses ko habang unti unting lumalabas ang totoong nararamdaman ko.

“Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong mabuhay nang hindi umaasa sa pangalan ng pamilya natin. I want to know if I can stand on my own feet without being the Ledesma heiress.”

Naging tahimik ang buong dining room. Ramdam ko ang mabigat na titig nila sa akin.

“Iha...” mahinang tawag ni Mamita.

“Please po?” mabilis kong putol habang nakanguso. Tumayo pa ako at lumapit sa kanila, saka marahang yumakap kay Mamita.

“Just let me experience life. Please? Hindi naman po ako habang buhay magtatago. I want to see the world with my own eyes.”

Huminga nang malalim si Dadi Lo. “You don't know how dangerous the outside world is.”

“I know... pero gusto kong matuto.”

Muli nanaman silang natahimik at mukhang hindi talaga sila matitinag.

Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang lumingon sa taong kanina pa tahimik na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Si Reed, ang matagal nang secretary nina Mamita at Dadi Lo.

“Reed...” halos pabulong kong tawag habang nakikiusap ang tingin ko.

One look was enough. Alam na niya agad ang gusto kong sabihin.

Ngumiti lang siya nang bahagya bago umayos sa pagkakaupo. “Let her be.”

Agad napalingon sa kanya sina Mamita at Dadi Lo.

“She isn't a minor anymore. She deserves to experience the real world.”

Tumigil siya sandali bago ako tinapik sa balikat. “And don't worry. I got her.”

Hindi ko napigilang mapangiti.

This is exactly why I love having Reed beside me. No matter how impossible things seemed, lagi siyang nasa likod ko. Lagi niya akong sinasalba sa mga sitwasyong alam niyang hindi ko kakayaning harapin mag isa.

Tahimik na nagkatinginan sina Mamita at Dadi Lo. Halatang nag uusap sila gamit lang ang mga mata.

Pagkaraan ng ilang segundo, napabuntong hininga si Dadi Lo.

“Alright.”

Bigla akong napatayo.

“Really?”

“You'll do this under one condition.”

Mabilis akong tumango. “Anything!” Sagot ko.

“Reed will be in charge.”

Napangiti si Reed habang nakahalukipkip.

“Aayusin niya ang lahat ng kailangan mong documents,” pagpapatuloy ni Dadi Lo. “Whatever you want to do... Reed will make sure you’re protected.” Seryosong sambit ni Dadi Lo.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Mamita!” Mahigpit ko siyang niyakap bago ko hinalikan sa pisngi. “Thank you po!”

Pagkatapos ay lumapit naman ako kay Dadi Lo at niyakap din siya. “You won't regret this.”

Napailing na lang silang pareho habang natatawa.

Nang mapalingon ako kay Reed, kumindat lang siya sa akin.

Napailing ako habang nakangiti.

Matagal na naming napag usapan ang planong ito. We already prepared everything. Hinintay lang namin ang tamang timing para sabihin kina Mamita at Dadi Lo. .. At mukhang gumana nga.

Instead of living comfortably as the Ledesma heiress, gusto kong magsimula sa pinakababa.

I wanted to become... a maid.

I wanted the experience.

Sanay naman akong gumawa ng gawaing bahay dahil madalas akong turuan ni Reed kapag wala sina Mamita. Natuto akong maglinis, maglaba, magplantsa, magluto ng simpleng pagkain, at mag ayos ng buong bahay.

“Ayan na.” Iniabot ni Reed ang isang brown envelope habang abala naman akong naglalagay ng mga gamit sa maliit kong luggage.

“Complete na lahat ng documents mo.”

Agad ko iyong kinuha at binuksan ang envelope.

Cassandra Louise Ledesma was gone.

Tanging Cassandra Ledesma na lamang ang nakalagay sa lahat ng dokumento.

“Your identity is ready. Nakapasa ka na rin sa interview sa Sandejas.”

Lalo pang lumawak ang ngiti ko. “Seriously?”

Tumango siya. “Naipasok na kita. Ihahatid na lang kita ngayon.”

Napatalon ako sa sobrang saya.

“Finally!”

“Easy.” Napatawa si Reed.

Hindi ko na halos mapigilan ang excitement ko. Pakiramdam ko, ngayon pa lang talaga magsisimula ang totoong buhay ko.

“Mag iingat ka,” seryoso niyang sabi habang inaayos ang buhok kong nagulo.

“As much as possible, magparamdam ka pa rin kina Mamita. You know how worried they can get.”

Tumango ako. “I will.”

“At isa pa.”

“Kapag hindi ka nag update, don't be surprised kung isang araw nasa harap na ng mansion ng mga Sandejas sina Mamita para sunduin ka.”

Napairap ako. “Don't let them.”

“As if may laban ako sa dalawang 'yon.”

Napatawa na rin ako.

Fair enough. Matapang lang siya kasi nandoon ako.

Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng napakalawak na mansyon.

This is really happening.

Mas lalo akong kinabahan.

Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa napakalaking gate.

Ito na ang simula ng buhay na matagal ko nang gustong maranasan.

"Good luck on your first day, Louise," nakangiting sabi ni Reed.

Napalingon ako sa kaniya. Marahan niya akong niyakap.

"Go make your own story."

Napangiti rin ako habang yumakap pabalik. "I will."

Pagkatapos niyang bitawan ang yakap ay kinuha ko ang maliit kong maleta at tuluyan nang naglakad papasok sa Sandejas Mansion.

Pagkapasok ko pa lamang ay agad akong sinalubong ng head housekeeper ng mansyon. "Ikaw ba ang bagong katulong?"

"Opo."

Tumango siya. "Halika. Marami tayong kailangang pag-usapan."

Tahimik akong sumunod habang ipinakikita niya sa akin ang iba't ibang bahagi ng napakalawak na mansyon. Hindi nagtagal ay ipinakilala niya ako sa iba pang mga kasambahay bago niya isa-isang ipinaliwanag ang mga patakaran.

"Walang pwedeng ma-late."

"Laging malinis ang buong mansyon."

"Bawal sumagot sa amo."

"At kapag may ipinagawang trabaho, tapusin agad."

Tahimik akong nakikinig.

"Isa pa." Tumigil siya sandali bago seryosong tumingin sa akin. "Ikaw ang magiging personal maid ni Señor Vicente,"

"Ikaw ang unang tutugon sa lahat ng kailangan niya. Kasabay niyan, magiging all-around na alalay ka rin ng buong pamilya."

Bahagya akong natigilan.

"Ako po?"

Tumango siya.

Hindi ko inaasahang ganoon kabigat ang trabahong naghihintay sa akin. Mukhang naisahan ako ni Reed sa pag aasikaso ng paers ko.

Hindi nagtagal ay iniabot niya sa akin ang uniporme.

"Magpalit ka na."

Tahimik akong tumango.

Nang maisuot ko ang uniporme at makita ang sarili ko sa salamin, hindi ko napigilang mapangiti. Hindi na ako si Cassandra Louise Ledesma. Isa na lamang akong ordinaryong katulong.

Hindi pa man ako tuluyang nakakahinga ay nagsimula na agad ang trabaho.

"Cassandra."

"Pakilinisan ang grand staircase."

"Opo." Sagot ko.

Pagkatapos noon ay pinapunta naman ako sa silid-aklatan upang magpunas ng mga estante. Hindi pa ako tapos ay inutusan naman akong tumulong sa kusina sa paghahanda ng tanghalian. Maya-maya pa ay ipinadala naman ako sa hardin upang magdala ng mga gamit. Halos hindi ako makapaniwalang sunod-sunod ang gawain.

Habang abala kaming lahat ay biglang tumahimik ang buong mansyon. Lahat ng kasambahay ay sabay-sabay na tumigil sa ginagawa.

Napatingin ako sa head housekeeper.

"Dumating na si Señor Vicente."

Agad niyang inayos ang aking postura.

"Straight."

"Walang maingay."

"Walang magkakamali."

Unti-unti akong kinabahan.

Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang malaking pinto. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay abong suit.

Dere-diretso ang lakad nito habang tahimik na sinusundan ng kaniyang secretary at bodyguards.

Huminto siya sa gitna ng hallway.

"Ako ang bago mong personal maid, Señor," mahina kong bati habang yumuyuko.

Saglit niya lamang akong tiningnan bago ibinalik ang atensyon sa harap.

"Do your job well." Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang naglakad paakyat ng hagdan.

Napabuntong-hininga ako nang mawala siya sa aking paningin.

Hindi pa man natatapos ang unang araw ko ay pakiramdam ko ay ilang buwan na akong nagtatrabaho sa dami ng utos at responsibilidad. Ngunit kahit pagod na pagod ako, hindi ko alam na ang simpleng trabahong pinili ko upang maranasan ang ordinaryong buhay ang magiging simula ng pinakamalaking pagbabago sa buong buhay ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Desired by the Billionaire    Chapter 11

    Cassandra Louise’s point of view“Good evening, ladies and gentlemen!” Umalingawngaw sa buong auction hall ang masiglang boses ng host nang tuluyan na itong pumasok sa stage, hawak ang mikropono at suot ang malapad na ngiti ng isang taong sanay manghikayat ng atensyon. Kasabay no’n ay bahagyang humina ang usapan sa paligid, at unti-unting napunta sa harapan ang tingin ng lahat. Magsisimula na ang pinaka-main event ng charity night. Ang auction. Ito ang pinakahihintay ng karamihan sa mga bisita. Halata naman sa mga mukha nila. Iyong iba ay nakaupo nang mas tuwid sa kani-kanilang upuan, ang iba nama’y nakasandal ngunit mas naging matalas ang tingin sa stage, at ang ilan ay tahimik lang na pinaglalaruan ang hawak na wine glass habang hinihintay kung anong unang ilalabas ng pamilya Sandejas. Hindi lang kasi ito basta-bastang paandar sa charity event. Lahat ng item na ilalabas sa auction ay may katumbas na prestige, influence, or value, at siyempre, lahat ng perang malilikom at mga kon

  • Desired by the Billionaire    Chapter 10

    Cassandra Louise’s point of view“Breathe,” mahinang sabi ni Agnes sa tabi ko, tila napansin ang paninigas ko. “Hindi ka kakainin ng mga tao rito.” Tiningnan ko siya. “Easy for you to say. Kabisado mo na silang lahat.” “Not all of them,” she muttered, then leaned closer with a grin. “Pero kung may umepal, itutulak ko.” Napatawa ako nang mahina. “Very comforting.” Pagpasok namin sa loob, people in expensive gowns and tailored suits moved around the venue with practiced ease, exchanging greetings and business smiles as if they had all been trained to do exactly that. Nakakasilaw, nakakabingi, at medyo nakakaubos ng energy. Sa dami ng tao, si Reed pa talaga ang unang namukhaan ko. Nakatayo siya sa may gilid ng hall, may hawak na baso at kausap ang dalawang lalaking naka-formal suit. Pero nang mapadako ang tingin niya sa direksyon namin, agad siyang natahimik. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang makita ako, at maya-maya ay sumilay ang pamilyar na ngisi sa labi niya na para bang may

  • Desired by the Billionaire    Chapter 9

    Cassandra Louise’s point of viewMuling bumalik ang braso niya sa bewang ko at mas lalo pa niya akong idinikit sa katawan niya, habang ang mga kamay ko naman ay unti unting humahawak sa buhok niya. Patuloy lang kaming nagpalitan ng halik, at tila wala ni isa sa amin ni Vicente ang gustong huminto o kumawala.“Uhm.” Mahina akong napasinghap nang maramdaman ko ang kamay ni Vicente na dahan dahang inaangat ang isa kong binti papunta sa gilid ng balakang niya. We continued kissing until he suddenly lifted me into his arms.Wala na akong pakialam kung masira man ang makeup o buhok ko. All I could think about was him and the way he was kissing me. Nahinto lang kami sa ginagawa namin nang biglang umugong sa buong kwarto ang boses ni Agnes mula sa labas ng pinto, kasabay ng sunod-sunod at malalakas nitong katok. “Kuya! Open the door!” Para akong biglang nabuhusan ng malamig na tubig. “P-put me down,” mahinang bulong ko, sabay tapik nang madiin sa balikat ni Vicente. “Now.” Napasinghal

  • Desired by the Billionaire    Chapter 8

    Cassandra Louise’s point of view“H-hands off.” nauutal kong sambit, dala ng gulat na hindi ko agad naitago.Nanatili ang isang kamay ni Vicente sa gilid ng kanyang closet, sapat para ikulong ako sa pagitan ng katawan niya at ng malamig na kahoy. Tumaas ang kanang kilay niya habang titig na titig sa akin, para bang may kung anong aliw siyang nakukuha sa naging reaction ko.I was caught off guard. Masyado. Isang segundo lang ang pagitan mula sa pag-alis ko sa tabi niya hanggang sa bigla niya akong ikulong sa bisig niya, at sa maikling sandaling iyon, parang nawala ako sa aking sarilil. Hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko nagawang mag salita o mag reklamo. Ang mas nakakairita, hindi ko agad mahanap ang tiyempo para makaalis sa bisig niya. “V-vicente,” inis kong singhal nang sa wakas ay makabawi ako, saka agad na nagpumilit kumawala sa pagitan ng mga braso niya. Hinayaan naman niya ako, pero hindi siya tuluyang umurong. Nandoon pa rin ang ngiti sa sulok ng mga labi niya, seryoso, mapanu

  • Desired by the Billionaire    Chapter 7

    Cassandra Louise’s point of viewFor a second, I just stood there, staring at them while trying to process the slip. Then I awkwardly scratched the back of my head, half-amused and half-nervous. “S-sorry,” mabilis na sabi ng make-up artist, si Pat, bago bahagyang kumindat sa akin na para bang sinasabing gets niya agad ang sitwasyon. Napahinga ako nang kaunti. At least she understood what I was trying to hide. Matagal ko na silang kakilala. Sila ang madalas na nag-aayos sa akin sa halos lahat ng events ko noon, noong nasa puder pa ako ng mga Ledesma at hindi pa magulo ang lahat. They had seen me at my best, in designer gowns and expensive heels, smiling for cameras and pretending everything in my life was perfectly in place. Seeing them here, in this room, while I stood in a life that was far from what I used to have, felt strangely unreal. “Kumusta?” tanong ni Aki habang inaayos niya ang hair kit niya sa harap ng vanity na nasa kwarto ko. “Buhay pa,” sagot ko, napangiti nang kau

  • Desired by the Billionaire    Chapter 6

    Cassandra Louise’s point of viewNgayon ang araw ng charity event ng mga Sandejas. Nasa kwarto ako ni Vicente, abala sa pag-aayos ng isusuot niya habang siya naman ay parang walang balak tumulong sa sarili niya. Nakakainis, honestly. Ilang beses na akong sinabihan ni Agnes at maging ng mga magulang nila na huwag ko nang asikasuhin si Vicente para makapag-ayos din ako nang maaga, pero heto pa rin ako, nakatayo sa harap ng closet niya at pinipili ang susuotin ng lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Siguro dahil nasanay na lang ako. O baka sadyang mahina lang ako pagdating sa taong ito. Pinisil ko ang tela ng isang charcoal gray suit bago iyon inilabas at inilapag sa kama kasama ang puting long sleeves at necktie na babagay roon. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, saka ako bumaling sa kinaroroonan niya. “Akala ko ba wala kang balak sumama sa charity event n’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay habang inaayos ang c

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status