Share

Chapter 059

Author: Michellara
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-27 22:22:21

“Uhm...” Hindi siya agad makasagot. Marahan kong tinanggal ang pagkakawak niya sa kamay ko.

“Eh, iyong first love mo na si Hanna. Alam niya ba ang sekreto mo?” Napansin ko ang bahagyang gulat sa kanyang mukha.

“Hindi. Hindi niya alam. Paano mo nalaman na may nakaraan kami ni Hanna? Our relationship before... we kept it a secret from the public.”

“Nakwento sa akin ni Yshmael,” sagot ko.

Agad na nagngalit ang kanyang panga sa pagbanggit ko sa pangalan ng kanyang pamangkin.

“Hindi ko gusto na mak
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 190

    EVORIE EVENasa isang bakanteng lote kami sa labas ng maingay na lungsod. Tanging ilang abandonadong container, matataas na damo, at mga nakaparadang lumang sasakyan ang makikita sa paligid. Nakatayo kami ni Ginger sa gitna ng lugar habang nakabantay sa amin ang tatlong armadong tauhan ni Yshmael.Hinihintay nila ang pagdating ng asawa ko. At hinihintay ko ang pagkakataong tuluyan kaming makalaya ng kaawa-awa kong anak.Pagod na ako sa sitwasyon namin. Sino ba namang hindi mapapagod? Naiipit lang naman kami ng anak ko dahil sa agawan ng posisyon at kapangyarihan.Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng batang nasa tabi ko.“Mommy, darating kaya si Daddy Uncle para iligtas tayo?” tanong ng bata habang napapatingala sa akin.Isang matamis na ngiti ang ipinasilay ko para kahit paano ay maibsan ang takot at kaba niya.“Oo, darating siya. Hindi titigil ang Daddy Uncle mo hangga't hindi niya tayo nakukuha,” nakangiting sagot ko.“Kapag nakasama na natin si Daddy Uncle, puwede po bang Daddy na l

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 189

    YDRAEL ALISTAIRHindi na nakasagot ang asawa ko dahil marahas nang binawi ng lalaki ang phone mula sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang daing ni Evorie bago muling umalingawngaw ang boses ng demonyo.“So? Narinig mo na ang boses niya, Alistair. Anong desisyon mo?” tanong ng lalaki, bakas ang tawa sa kaniyang tinig.“Gagawin ko ang gusto mo,” sagot ko sa kaniya, buong-buo at malamig ang tono ng boses ko. “Basta ibalik mo lang sa akin nang buhay ang asawa ko at si Ginger.”“Good. Mas maganda siguro kung hindi na natin paabutin ng isang linggo ang larong ito. Bumaba ka agad sa puwesto mo... bukas na bukas din,” litanya niya, halatang hindi na makapaghintay at desperado nang mawalan ako ng kapangyarihan sa kumpanya.“Sige. Gagawin ko iyon. Maghanda ka na bukas,” tugon ko. At bago pa siya makasagot, tuluyan ko nang pinutol ang usapan.Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone. Mabilis kong pinahid ang mga luhang namuo sa aking mga mata. Ang kaninang nanghihinang bilyonaryo ay biglang naglaho

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 188

    Nagtagis ang bagang ko. Ang kapal ng mukha ng tarantado.“Hindi mo na siya mabubuhay pa. Pinatay mo na nga siya, hindi ba? Huwag mo akong gawing gagò.”Muli, isang mababa at nakakarinding tawa ang pinakawalan niya.“Kayang-kaya ko siyang buhayin. At hindi kabaliwan ang sinasabi ko sa 'yo. Bibigyan lang kita ng isang linggo para bumaba sa pwesto mo at makakasama mo uli ang asawa mo. Buhay na buhay at buo... kasama si Ginger,” anunsyo niya, bawat salita ay may diin.Hindi na ako nakapagsalita. Nakatulala kong naibaba ang phone nang tuluyan na niyang putulin ang linya.Isang mapaklang tawa ang kumawala sa bibig ko. Ginamit ko ang isa kong kamay para hilutin ang sentido ko.“Kalokohan. Kung puwede lang sanang buhayin ang patay, noon ko pa ginawa sa kaniya. Pero hindi. Patay na siya at hinding-hindi na siya maibabalik pa,” usal ko sa hangin bago ibinaling ang tingin kay Marco. May bitbit na itong tray na may lamang isang basong whiskey at ang bote nito.Inabot ko ang baso at isahang nilago

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 187

    YDRAEL ALISTAIR“Welcome back, Sir Ydrael!”Maligayang bati sa akin ng limang babae. Sabay-sabay silang nakangiti habang nakatayo sa tapat ng pinto ng penthouse namin ni Evorie. Mukhang kanina pa nila hinihintay ang pagdating ko mula sa California.Isang pilit at tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanila.“Kumusta po, Sir? Gutom na po ba kayo? May inihanda na si Lindsey na hapunan para sa inyo,” masayang saad ni Ness, sinusubukang buhayin ang matamlay na paligid.Tahimik lamang akong nakatayo sa harapan nila, nakatitig sa kawalan.Sa katunayan, kung puwede lang, ayaw ko nang bumalik sa penthouse na ito. Narito ang lahat ng masasayang alaala namin ng asawa ko. Mas lalo lang nadudurog ang puso ko kapag naaalala kong hindi na siya babalik sa mga bisig ko... kasama ang magiging anak sana namin. Ang bawat sulok ng lugar na ito ay parang multo ng nakaraan na patuloy na sumasariwa sa sugat ko.Napansin yata ng lima ang biglang pagdaan ng matinding lungkot sa mukha ko kaya unti-unti sil

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 186

    Pumasok ang isang tauhan, bitbit sa kaniyang mga bisig si Evorie na wala pa ring malay, habang karga naman ng isa pang lalaki ang umiiyak na si Ginger. Nang makita ni Violet ang mukha ni Evorie, lalo pang nag-init ang kaniyang dugo. Akma na niyang susugurin at sasaktan ang walang kalaban-labang babae nang mabilis siyang harangan at hawakan sa magkabilang braso ng mga tauhan ni Yshmael.“Bitawan ninyo ako! Papatayin ko ang babaeng 'yan!” hiyaw ni Violet, nanginginig sa inis ang kanyang katawan.“Hindi mo 'yan puwedeng galawin o saktan, Violet!” seryoso at malamig na saway ni Yshmael. Lumapit siya at hinarap ang babae. “Pera ang habol mo, 'di ba? Kaya huwag mong tatangkain na saktan si Evorie. Kailangan malinis at maayos siya bago natin ipadala ang mga litrato kay Uncle Ydrael. Kailangan natin si Evorie para pilitin siyang bumaba sa puwesto niya bilang CEO at Chairman ng dalawang malalaking kumpanyang hawak niya.”Napatigil si Violet. Unti-unting humupa ang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 185

    Habang unti-unting bumabagal ang takbo ng itim na SUV ni Rafael papalapit sa tollgate palabas ng Metropolis, agad na napasingkit ang kaniyang mga mata. May kakaiba sa senaryo. Hindi ordinaryo ang dagsa ng mga armadong lalaki na nakapuwesto sa gilid ng kalsada, at bawat sasakyang dumaraan ay isa-isang maingat na sinusuri ng mga ito.Mabilis na kinabig ni Rafael ang manibela para umatras at humanap ng ibang malulusutan, pero huli na ang lahat. Sa isang iglap, dalawang magkasunod na sasakyan ang humarurot at marahas na humarang sa mismong likuran ng kaniyang kotse. Doon nagsimulang gumapang ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Mabilis na nagsibabaan ang mga tauhang binayaran ni Yshmael. Galit at marahas nilang pinalibutan ang kaniyang SUV, habang paulit-ulit na pinupukpok ng isang tauhan ang salamin ng bintana gamit ang dulo ng baril nito upang pilitin siyang lumabas. Wala nang nagawa si Rafael kundi buksan ang pinto, pero pagkatapak pa lamang ng kaniyang paa sa sem

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 168

    EVORIE EVE“Mommy, where have you been?” agad na salubong sa amin ni Ginger pagkarating namin sa pool area ng billionaire yacht.Napadako ang tingin ng limang babae sa amin na kanina ay abala at maingay na nagkukuwentuhan sa gilid ng pool. They are all wearing their bikinis at may kanya-kanyang haw

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 167 (Spg)

    EVORIE EVEIdiniin ko ang mga daliri ko sa makapal niyang buhok, hinila siya pababa habang ang dila ko ay pumapasok sa bibig niya nang walang pasubali. Sinabayan niya ang mapusok kong galaw. Ang kaniyang malalaking palad ay bumaba sa baywang ko, binuhat ako nang bahagya para isandal ang likod sa co

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 161

    EVORIE EVELimang araw.Limang araw na ang nakalipas mula noong gabing bumigay ako sa pagsusumamo ni Alistair sa loob ng VIP room. Kaibigan niya pala ang may-ari ng Korean restaurant na iyon, at hindi lang ang restaurant sa ibaba ang pagmamay-ari ng kaibigan niya kundi ang buong building.Napabunto

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 155

    EVORIE EVETahimik akong nakatanaw sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na playground ng Cloudtop Park, isang sikat na parke sa syudad na ito. Nakakaramdam ako ng kapayapaan dito, lalo na’t kaharap lamang nito ang isang lumang malaking Catholic cathedral.Katatapos ko lan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status