LOGINKora's POV
Parang lumaktaw ang tibok ng puso ko nang marinig ang kaniyang boses mula sa intercom! Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang hawakan ng pinto. Sa bawat hakbang ko pumasok sa loob ng opisina ni Leon, ramdam ko ang muling pag-aalab ng init sa aking katawan. Handa na akong akitin siya, handa ko nang ibaba ang aking propesyonal na pader para tuluyang salubungin ang kaniyang pagnanasa! Ngunit agad akong napahinto nang makitang abala ito sa pagpirma ng tambak na paper works sa kaniyang lamesa. Dahil doon, bahagyang namatay ang tension sa katawan ko, napalitan ng pormal na tindig habang lumalapit sa kaniyang harapan. Nang makatayo ako sa harap ng kaniyang dambuhalang desk, nag-angat ng tingin si Mr. Villarreal. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mamahaling ballpen sa ibabaw ng lamesa bago ako tinitigan nang diretso sa mga mata. "Kora... What kind of flowers do you women prefer?" seryoso niyang tanong. Sa isang segundo, tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Bulaklak? Tinatanong niya ako kung anong bulaklak ang gusto ko?! Halos magwala ang isip ko sa sobrang delusyon. Gusto ba niyang malaman ang paborito ko para iyon ang iregalo niya sa akin bilang panimula ng aming seryosong relasyon? Sinasabi ko na nga ba, in love talaga siya sa akin! Pilit kong pinigilan ang malawak na ngiti sa aking mga labi. "Red roses po... Sir. You know how romantic red roses are..." may halong pambihirang lambing kong sagot. Tumango-tango si Mr. Villarreal, tila sinasaulo ang sinabi ko, bago nilingon si Lance na nasa sulok pala ng silid—isang bagay na hindi ko man lang napansin dahil sa labis na pokus ko sa aking boss. "Lance, go buy me a bouquet of red roses. Same store," utos ni Leon dito. "Yes, Sir!" masiglang sagot ni Lance. Bago ito lumabas ng opisina ay nagawa pa nitong kumindat nang bahagya sa akin na lalong nagpataba ng puso ko. Sa buong maghapon na iyon, hindi na ako mapakali sa aking lamesa. Lumulutang ako sa kilig at pananabik. Hindi ko na napigilang kunin ang cellphone ko at mabilis na minessage si Reina: *'Hoy, ihanda mo ang pinakamagandang vase diyan sa apartment! Bibigyan ako ng bulaklak ng future nobyo ko ngayon!'* Dumating ang hapon, at kasabay ng dahan-dahan na pagkulimlim ng kalangitan ay ang pagdating ni Lance bitbit ang isang napakalaki at napakagandang bouquet ng mga pulang rosas. Agad ko siyang sinalubong sa hallway at hinarangan. "Ako na ang maghahatid sa loob, Lance. May naiwan ka pa yata sa baba, paki-check muna," utos ko sa kaniya para lang masolo ko ang pagkakataon. "Sige, Kora, salamat!" aniya bago nagmamadaling umalis. Naiwan akong hawak ang naglalakihang bulaklak. Hindi ko napigilang isubsob ang aking mukha roon at sininghot nang malalim ang mabangong amoy ng mga rosas. Ang bango. Amoy ng pag-ibig ni Leon. Dire-diretso akong naglakad at pumasok sa loob ng opisina niya nang hindi na nag-abalang kumatok. Nakatalikod si Mr. Villarreal sa akin, nakatitig sa malaking glass window habang may kausap sa kaniyang cellphone. Balak ko sana siyang gulanitin sa isang mapang-akit na paraan, kaya nanatili akong tahimik sa gilid upang hintayin siyang matapos. Ngunit para akong pinagtaksilan ng aking sariling pandinig, at tila nanigas ang buong katawan ko sa aking kinatatayuan nang marinig ang malamig ngunit malambing niyang boses sa kabilang linya. "I don't really know what you're scared of… But I respect your decision. Okay, see you later, honey… I love you… Where's my ‘I love you too’?" Bahagya pa siyang tumawa—isang tawa na kailanman ay hindi ko narinig sa loob ng limang taon ko sa kumpanyang ito. Isang tawang puno ng totoong saya at lambing. Nang hinarap na ako ni Mr. Villarreal, agad na napatingin ang kaniyang mga mata sa hawak kong bouquet. Isang pambihira at totoong ngiti ang gumuhit sa kaniyang gwapong mukha. "So beautiful," anito, bago humakbang papalapit sa akin upang kunin ang bulaklak. Ngunit imbes na bitawan, kusang humigpit ang hawak ng aking mga daliri sa bouquet. Tinitigan ako siya, habang ang mga mata ko ay nagsisimula nang mangilid ang luha sa umaapaw na selos. "You... have a girlfriend, S-Sir?" nanginginig kong tanong. Ang boses ko ay halos magmakaawa na sabihin niyang mali ang narinig ko! If he has a girlfriend… Ano iyong sa amin kung ganoon? Wala lang ba iyon sa kaniya? Nakita ko kung paano biglang pumula ang mga tenga ni Mr. Villarreal, tila naiinis dahil nakialam ako sa kaniyang personal na buhay. Sapilitan niyang hinila ang bulaklak mula sa aking mga kamay, kaya wala akong nagawa kundi ang mabitawan ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nabaliw na yata ako sa sakit at matinding selos, kaya hinarap ko siya nang walang takot. "What about us? What about that night?!" bahagyang tumaas ang boses ko, kasabay ng pagpatak ng aking luha. Kumunot nang matindi ang noo ni Mr. Villarreal, bakas ang labis na kalituhan at pagkairita sa kaniyang mukha. "What are you talking about, Ms. Santos?" Napasinghap ako. Ang puso ko ay tila pinipiga sa tindi ng sakit. *Ms. Santos?* Bumalik siya sa pormal na tawag sa akin? At higit sa lahat... wala ba talaga siyang maalala? No, I refused to believe it! He even called me “secretary” that night! "Hindi... Hindi mo naalala? No, you can't do this to me—" “The reservation is ready now, Sir." Ni-hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kay Lance! Damn him! Isang malamig at naiinis na tingin ang ipinatama sa akin ni Leon. Hindi man lang niya sinagot ang mga tanong ko. Nilampasan niya ako na para bang wala akong halaga, bitbit ang mga pulang rosas na ako ang pumili, bago tuluyang lumabas ng opisina at iniwan akong mag-isa sa gitna ng aking gumuguhong mundo. “Hoy, Kora! Ayos ka lang ba?” Si Lance, hindi pa rin lumalabas. Kaagad ko siyang hinarap at lumapit sa kaniya. Galit na galit. Hindi ko alam kung bakit! Basta galit ako ngayon! Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ngayong hapon! “May girlfriend si Sir, Lance?! Sino?!” Tumikhim si Lance at ngumisi pa talaga ang mokong! “‘Yan kase, absent nang absent—” “May girlfriend ba siya o wala?!” “Oo, meron! Iyong chismis na greatest love ni Sir… ‘Yon! Nagkabalikan sila! True love talaga, no?” tanong niya at halatang kinikilig sa lovelife ng amo namin. Bumuhos ang luha ko at umalis na roon bago ko pa masampal ang mukha niya! Leon… He cheated on me! He fucking cheated on me!Kora's POV"Let's get to know each other properly this time, Ms. Santos."Naiwan akong nakatayo at tulala sa gitna ng marangyang opisina habang paulit-ulit na umuugong sa utak ko ang huling sinabi ni Erik. Sobra akong nalito at natakot sa ibig niyang sabihin kaya pilit kong hinanap ang boses ko."Anong... anong ibig ninyong sabihin, Mr. Villarreal?"Imbes na sumagot agad, kaswal siyang naglakad pabalik sa kanyang swivel chair at nagbuhos ng isang baso ng tubig mula sa dispenser. Prente siyang sumandal sa upuan niya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa."Maupo ka muna kaya, Ms. Santos? You look so tense. Oh, come on as if we didn't have sex.""H-Huwag na po, Sir. Mas gusto ko pong tumayo," nanginginig kong sagot habang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag ko.Ibinaba niya ang baso sa lamesa at dire-diretso akong tinitigan. “Okay, whatever. Let’s lay down the facts. Alam nating pareho na hawak ko ang buong buhay mo ngayon, Kora. I have the CCTV footage of you drugging the drink, th
Kora's POVPumasok ako sa loob ng opisina na parang ihahatid sa firing squad. Marahang sumara ang pinto sa likod ko, at kasabay niyon ang unti-unting pagkawala ng lakas ng loob ko.Nakatayo lang ako sa gitna ng silid habang si Erik naman ay prenteng nakaupo sa kaniyang swivel chair. Hawak niya ang resignation letter ko gamit ang dalawang daliri, binabasa iyon nang may blangkong mukha na tila bored na bored. May pag-ikot pa siyang ginagawa sa kaniyang mamahaling ballpen habang binabagtas ng tingin ang mga linyang pinagpuyatan kong i-type kanina.Habang pinapanood ko ang bawat galaw niya, hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Leon.Lean and Erik are indeed identical twins. Mula sa hulma ng mukha, sa kilay, sa ilong at kulay ng mga mata… mag-kambal nga sila. Alam ko dahil kabisadong-kabisado ng utak ko ang bawat detalye ng mukha ni Leon. Ngunit kahit ganoon, alam kong may malaking pagkakaiba pa rin sa kanilang dalawa bukod sa peklat ni Erik sa mata.Si Leon kasi, kapag kaharap mo, alam mo
Kora's POV“You're so wet, Kora…”Nagising ako ng madaling-araw na hingal na hingal, as in basang-basa ng pawis ang noo ko habang ang bilis ng tibok ng dibdib ko.Nagka-wet dream ako! At ang malala, sa loob ng limang taon, si Leon lang ang laging bida sa mga wild fantasies ko, pero bakit ngayon... si Erik na?! Sa panaginip na 'to, ramdam na ramdam ko pa rin 'yung bigat ng katawan niya, 'yung init ng balat niya, at 'yung nakakalokong ngisi niya habang binubulong ang pangalan niya sa tenga ko.Napaupo ako sa kama at sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang frustration at kalituhan. My dreams were still vivid and clear… Erik's face between my legs, drying me out of the core, his lips were shiny as if he was using my wetness as his gloss. The way he thrust slowly, making it excruciatingly painful for my femininity at kung paano umuumbok ang puson ko sa tuwing—“What the hell, Kora?!” naiinis kong bulong at pinagsasampal ang sarili. Bakit si Erik na? Bakit ang lalaking 'yun na isang gabi k
Kora's POVNagising ako kinaumagahan na may matinding sakit sa ulo… hindi dahil sa alak, kundi dahil sa walang humpay na pag-iisip.Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang boses ng lalaki noong gabing iyon sa penthouse. Kasabay niyon ang mukha ng kakambal ni Leon na si Erik Villarreal habang nasa ibabaw ng stage kahapon.“Erik is my name, secretary.”Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at malakas na dumaing. “Putangina... hindi pala si Leon… Ang tanga mo, Kora! Ang tanga mo!”Narinig ko ang mahinang tawa ni Reina mula sa may pintuan ng kwarto ko. “Congratulations, baks! Hindi ka pala kabit ng pamilyadong tao. Single ang nakakuha sa ’yo.”Agad ko siyang sinamaan ng tingin at binato siya ng unan, pero mabilis niyang naiwasan iyon. “Hindi nakakatawa, Reina! Hindi ka ba naaawa sa akin? Sa best friend mo?! Iyong plano ko... iyong limang taon kong pagpantasya... napunta sa maling tao!”Ngumiwi lang siya at sumimsim sa kape niya. Reina can do anything except comforting her friend! “Teka nga
Kora's POV"He cheated on me! Manloloko siya!"Humahagulgol kong isinubsob ang mukha ko sa unan dito sa sala ng apartment namin habang si Bettina naman ay abala sa paghaplos sa likod ko, sinusubukang aluhin ang nagwawala kong puso. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay pinigtasan ako ng hininga ngayong gabi."Meron pa siyang sinasabi noong gabi kung gaano ako ka-sarap sa kama habang pumapasok siya sa akin! Tapos ngayon... iba ang bibigyan niya ng bulaklak?! At paborito kong bulaklak pa talaga ang ipinabili niya! Cheater! I hate him!" muling pagwawala ko habang sinasabunutan ang sarili ko sa labis na frustrasyon.Si Reina naman, na nakasandal sa may pintuan ng kusina, ay binalingan ako ng isang matalim na tingin."Anong cheater, baks? Umayos ka nga! Mag-isip ka nang tama... wala namang kayo!"“Shut up, Reina!”Agad ko siyang inirapan habang patuloy na umaagos ang luha ko. Hindi niya naiintindihan! May nangyari sa amin! Ibinigay ko sa kaniya ang tanging yaman
Kora's POVParang lumaktaw ang tibok ng puso ko nang marinig ang kaniyang boses mula sa intercom!Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang hawakan ng pinto. Sa bawat hakbang ko pumasok sa loob ng opisina ni Leon, ramdam ko ang muling pag-aalab ng init sa aking katawan. Handa na akong akitin siya, handa ko nang ibaba ang aking propesyonal na pader para tuluyang salubungin ang kaniyang pagnanasa! Ngunit agad akong napahinto nang makitang abala ito sa pagpirma ng tambak na paper works sa kaniyang lamesa. Dahil doon, bahagyang namatay ang tension sa katawan ko, napalitan ng pormal na tindig habang lumalapit sa kaniyang harapan.Nang makatayo ako sa harap ng kaniyang dambuhalang desk, nag-angat ng tingin si Mr. Villarreal. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mamahaling ballpen sa ibabaw ng lamesa bago ako tinitigan nang diretso sa mga mata."Kora... What kind of flowers do you women prefer?" seryoso niyang tanong.Sa isang segundo, tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Bulaklak?







