MasukYSABELLA
Hindi ako mapakali kaya walang tigil ang pagparito’t doon ko, habang ang kaibigan kong si Aki naman ay nakaupo pero pinapanood ako.
“Umupo ka muna kaya, Ysabella? Kanina pa ako nahihilo sa’yo!”
Hindi ako sumagot pero umupo ako sa tabi niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga sa ginawa ko.
“Sa tingin mo makukuha kaya nila si Celestine?” tanong ko sa kaibigan ko pagkalipas ng ilang sandali.
“Oo naman, magaling ang mga tauhan ni Gov, tsaka malay mo pauwi na sila niyan?”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi talaga ako mapakali dahil sobra-sobra ang pag-aalala ko sa anak ko.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Sabay kaming napatayo ni Aki nang marinig namin ang pagdating ng mga sasakyan dahil sa sala kami naghintay.
Nakatayo kaming dalawa nang makita ko si Ignacio na karga-karga ang anak ko.
Hindi ko na sila hinayaang makalapit pa, ako na mismo ang lumapit.
“Celestine, baby,” naiiyak kong tawag sa anak ko. Dahan-dahan itong lumingon sa akin.
Agad na lumabi ang anak ko at nagbadya ang luha sa mata niya.
“Come here, baby, nag-alala si mommy sa’yo.”
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Agad na bumuhos ang mga luha ko.
The governor and his men gave us the privacy we needed.
“Sinaktan ka ba nila, anak?”
Umiling lang ito at nanatili ang tingin niya sa likuran ko. Tiningnan ko ang tinitingnan niya, si Ignacio ang tinitingnan niya na nakatitig din sa amin.
Tumayo ako at pormal na humarap sa kanya habang mahigpit ang hawak ko sa anak ko.
“I wanna thank you for saving my daughter, Governor. Tutupad ako sa usapan, just tell me what you need in exchange for saving my daughter,” determinado kong sambit sa kanya.
Hindi alintana ang bakas ng luha na nasa pisngi ko.
Seryoso lang na nakatingin sa akin ang gobernador. Inaamin ko na gaga ako kung sasabihin kong wala akong nararamdaman na kung ano sa kanya.
Siya ang nakabuntis sa akin pero mukhang hindi niya ako maalala dahil ilang beses nang nagtagpo ang landas naming dalawa pero ni minsan ay hindi niya ako nilapitan.
“Anything, right?” He licked his lips. I nodded.
“Anything,” I echoed what he said.
“I will call you once I decide, I cannot think of something right now,” seryoso niyang sagot sa akin.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Nilingon ko ang anak ko.
“Let’s go home na, Celestine?” tanong ko sa aking anak.
Nagulat ako nang tumakbo ito kay Governor at yumakap sa hita nito.
“Dito lang ako kay papa, mama!”
Mas nagulat ako sa sinabi niya. Ni minsan, hindi ko sinasiwalat o sinabi sa kanya na si Ignacio ang kanyang ama.
“Anak, hindi siya ang daddy mo,” umiiling na sambit ko sa kanya.
Lalo lang akong nahirapan nang makita ko kung paano umiyak ang anak ko sa hita ng kanyang ama.
Hindi pwedeng malaman ni Ignacio na anak niya si Celestine! Alam kong kailangan ng anak ni Ignacio to secure his inheritance, natatakot akong kunin niya ang bata sa akin.
He doesn’t need the mother of his child, he just needs the child alone, and I won’t let him get my child from me.
“Celestine, come to mommy, please,” nahihirapang pakiusap ko sa kanya.
“Ysabella, your child might be traumatized from the kidnapping. Maybe she developed a severe attachment to Ignacio for her to act that way.”
Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Kasama siya ni Ignacio na pumasok dito. Kung hindi siya nagsalita ay hindi ko siya mapapansin.
Awang-awa ako sa anak ko habang umiiyak pa ring nakakapit kay Ignacio, ayaw bumitaw.
“Sorry, kukunin ko na siya,” umiiyak kong sambit kay Ignacio, na agad niya namang inilingan.
“No need, I understand, Ysabella.”
Nakagat ko ang labi ko lalo na noong binuhat niya si Celestine.
I know I am being unfair to my daughter right now and to Ignacio also, but I don’t care.
“Can I give you first to tito Red? I need to talk to your mom.” Napatingin ako kay Ignacio at sa anak ko. Agad naman itong tumango kaya kinuha ito ni Red.
Napabuntong-hininga ako nang makalayo na kami sa mga kasama namin.
“Pasensya na,” pagbungad ko.
“It’s fine, I understand her situation. Regarding your offer, I will offer you something,” naningkit ang mata niya sa akin kaya agad akong kinabahan.
“What is it?”
“You will be my pretend wife. My lolo wants me to get married and have my kids first so I can secure my inheritance. We are hitting two birds with one stone here, I will father your child.”
Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya.
“Since your daughter thinks that I am her father, and that’s the price I want in exchange for me saving your daughter.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang anak ko na nakatingin sa amin, to her father to be specific, kahit na kinakausap siya ni Aki at ni Red.
“Sure, let’s do it,” napapaos kong zagot sa kanya.
I looked at Ignacio. He looked satisfied with my decision pero pilit niyang itinago iyon.
“You will live here with me.”
I nodded. I already expected that, especially since I will be his pretend wife.
Pretend wife… does this mean we need to get married?!
“We will get married, too, if my grandfather requires us to.”
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya sa akin.
“Where’s your husband?”
“Wala akong asawa,” seryosong sagot ko sa kanya. Hindi naman na siya nag-usisa pa.
“You will pretend that you are the woman I met eight years ago and I slept with, and Celestine is the product of our night.”
Nanahimik ako sa sinabi niya.
“You’re finding the woman?” I asked curiously. He nodded, but he didn’t say anything anymore.
Do I need to pretend? I was that woman years ago, dammit.
Maybe the reason he wants to find me is to find out if we had a child because of our one-night stand.
Ang laki naman ata ng tiwala niya na nakabuo kami agad sa isang gabing pagsisiping naming dalawa?!
“What happened earlier?” “It’s just a little misunderstanding, Red,” Umupo ako sa tabi niya at sabay naming pinanood si Celestine na abala sa paglalaro rito sa hardin. “Ignacio was shouting at you,” he said seriously. I smirked at him. “It’s fine, I understand him, simpleng away bata lang naman,” I shrugged. Hindi na dapat palakihin pa. Nag kibit ng balikat si Red sa sinabi ko at bahagya nalang na umiling. “Why are you still staying here? She’s keeping Serene and you?” “He is just avoiding some rumors, ako ang pinakilala niyang fiance, especially to his lolo,” “The don will understand your situation, hindi mo kailangang magtiis dito, Bella,” Natigilan ako sa sinabi niya sa akin. Ngumuso ako, bakit nga ba naman ako nag titiis pa rito? I am clearly unwelcome here. “It’s fine, besides Celestine is pretty attached to Ignacio right now,” sagot ko naman. Pareho kaming nakatingin kay Celestine na abala ngayon sa paglalaro kahit na mag isa lang siya. “You’re hurting yourself, Bell
“That’s enough, Ysabelle!” sigaw sa akin ni Ignacio kaya sakanya dumako ang paningin ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Seriously, sinigawan niya ako?“What? I am explaining my side!” “You’re teaching me how to raise my own child, Ysabella!” I smirked menacingly. “I am suggesting because she suddenly grabbed the toy and claiming it as her?! That’s very alarming!” Hinilot ni Ignacio ang noo niya. This is absurd! “It’s still wrong, Ysabelle. It’s our child, wala kang karapatan na pag sabihan si Serene kung paano niya palalakihin ang anak namin,” Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Ignacio pero kalaunan ay tumango ako. Kaya naman pala. “Then you should watch your own child, Ignacio. The least thing I want right now is getting in trouble just because I am defending my own child, we’re all grown ups here, may mga anak na tayo, kaya dapat alam naman na natin ang tama’t mali?” I said while raising my eyebrows. I don’t care if they will get offended! Hindi nga ako na o
Living in a house with Ignacio and Serene is the least thing that I expected for myself. Maaga palang ay gumising na ako para magluto ng umagahan. “Hi, what are you cooking?” Hindi ko sinagot ang tanong ni Serene. Hindi ba niya nakikita ang niluluto ko? Bulag ba siya?“You don’t wanna answer me, I see,” Tinignan ko siya at naka abang na ang ngisi sa labi niya nang mag tama ang tingin naming dalawa. “You have your eyes, Serene. Hindi ko na dapat sagutin ang tanong mo, unless you don’t know what an egg is? Hotdog perhaps?” I said sarcastically. She smiled at me. “I know, I am just trying to be.. You know, A little friendly?” Muli akong hindi sumagot. Hindi niya kailangang maging friendly sa akin, halos isang buwan na rin nang dumating siya sa bahay na ‘to, and it’s hell with them. Saktong pagkatapos kong magluto ay pumasok na sa loob ng dining room si Ignacio kasama si Sheila. “Where’s Celestine, Ignacio?” tanong ko sa kanya nang makita kong hindi niya kasama si Celestine. “She
Gabi na nang makauwi ako, hinatid ako ni Red. Gusto ko pa sana siyang pumasok pero tumanggi siya dahil kailangan na raw niyang umuwi. Tumango nalang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay. “Mama!” agad na tumakbo sa akin si Celestine para yumakap. Pinikit ko ang mga mata ko at mahigpit siyang niyakap. “Kumain kana ba, Celestine?” “Opo, sabay po kami ni daddy, and may kasama po siya,” Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. “Tara na sa kwarto mo?” Hinawakan ni Celestine ang kamay ko at siya na mismo ang humila sa akin patungo sa kwarto niya. Pinahiga ko na si Celestine sa kama niya at pinanood ko siya. “Mama, sino po ‘yung mga kasama ni daddy?” Natutop ko ang labi ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. “Siya ‘yung babaeng hinahanap ng daddy mo, matagal na. The kid with her is his child, Celestine,” pinanood ko ang magiging reaksyon niya pero wala akong nakitang kung ano mang nasa mata niya. “Ganon po ba?” ngumiti si Celestine sa akin. “Edi may magiging kapati
“Boss,” Nilingon ko si Red nang pumasok ito sa opisina ni Ignacio, isang linggo makalipas ang chismis na kumalat ay nandito na naman si Red. Bakit sa tuwing lumilitaw siya ay may biglang problemang lumilitaw sa amin? “What is it, Red?” tanong ni Ignacio pero hindi nito inaalis ang tingin niya sa mga papeles na hawak niya. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang babaeng kasama niya. Isang magandang babae ang nasa likuran niya. I traced her line of vision at nakita kong si Ignacio ang tinitignan niya. What is this? Is this some kind of meeting or what? “I found the girl from eight years ago,” Kusang nanigas ang katawan ko sa sinabi ni Red. I am the woman from eight years ago, anong pinagsasabi niya? But of course I won’t tell Ignacio. Kusang tumaas ang paningin ni Ignacio sa sinabi ni Red. Agad na bumaling ang tingin niya sa babaeng nakatitig sakanya ngayon. “Hi, I heard you’re looking for me..” Pinag papawisan na ako nang malamig dahil sa nangyayari, tang ina talaga. Saan naman
Hindi na masama ang pakiramdam ko kaya nakapag trabaho na si Ignacio sa office niya. Sumama rin ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay. “Sobrang dami mong trabaho tapos dalawang araw mo pa akong inalagaan,” sambit ko nang mapansin ko ang nakatambak na trabaho ni Ignacio ngayon sa lamesa niya. “It’s nothing, I will just sign these,” Sign? Hindi ba dapat babasahin niya muna ang mga ‘yan bago niya pirmahan? “I already read the soft copies when I was taking care of you, Ysabelle,” sagot niya. Siguro ay napansin niya ang bahagyang pag kunot ng noo ko. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya sa akin. Akala ko naman ay wala siyang nagawang trabaho. “I won’t let myself not do any work while taking care of you, Ysabelle,” he assured me. I smiled at him. “That’s a relief then,” Umupo ako sa sofa nasa bandang gilid ito tabi ng book shelves ni Ignacio, pinalagyan niya ito dahil ayokong umupo sa harapan ng lamesa niya dahil para sa mga bisita niya ito. Kumuha ako nang isang libro a
Nagising ako dahil sa sobrang bigat ng ulo ko, ang pamilyar na kisame ang bumungad sa akin pagka dilat ng mga mata ko. Nakahinga ako nang maluwag nang napagtanto kong nasa kwarto pa rin ako. Hindi pa muna ako kumilos dahil mabigat pa ang ulo ko. Wala na siguro si Ignacio sa bahay dahil ang huli n
“Mommy!” agad kong niyakap si Celestine nang tumakbo ito palapit sa akin. “How’s my baby hmm?” “I am very fine mommy! Where is daddy?” lumingon lingon pa ito sa mya likuran ko habang hinahanap si Ignacio sa likuran ko. Agad ko itong tinuro sa sasakyan na pinanggalingan ko. Tinakbo ni Celestine a
YSABELLE MONTEVERDENgumiti ako nang makita ko si Ignacio sa may sala. He is holding a news paper pero ang atensyon niya ay nasa anak namin. “Tita, kumain kana?” binalingan ko si Nicky nang lumapit ito sa akin. Marahan akong ngumiti at tumango. “Kakatapos ko lang Nicky, how about you?” hinaplos k
GOVERNOR IGNACIO “Red,” tinawag ko ang pangalan ng kanang kamay ko. Agad itong lumapit sa akin nang may malapad na ngisi. “Yo bossing, anong atin?” masiglang tanong niya. Tahimik ko siyang nilingon. Nasa opisina ako ngayon kung saan isinasagawa ang transaksyon ng mga ibang negosyo ko. “I want y







