LOGIN
AMAYA'S POV
HINDI NA ako makahinga sa sobrang pag-iyak habang kausap ang nobyo kong si Anthony. Hindi ako makapaniwala na ang masayang date namin kagabi ay mauuwi sa isang bangungot at napakasakit na pangyayari. Habang papauwi na kami ay bigla kaming sinalubong at hinarangan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Tinangka nila akong gawan ng masama, pero hindi ako pinabayaan ni Anthony. Iniligtas niya ako sa kamay ng mga lalaking 'yon. At sa pagliligtas niya sa akin, napatay ni Anthony ang isa sa kanila at 'yon ang dahilan kung bakit ngayon ay nakakulong siya. "Sshh! Please, don't cry." Pag-aalo niya sa akin. Ngunit sa halip na tumigil, mas lalo lang akong napaiyak dahil wala man lang mababakas na pagsisisi sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila ba balewala sa kaniya kung ngayon ay nakakulong siya. "I'm sorry. I'm sorry, Anthony. Sana hinayaan mo na lang ako--" "Sshh." Pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo sa labi ko. "Huwag na huwag mo nang uuliting sabihin 'yan." Hindi 'yon pakiusap kundi isang utos. "Anthony..." "Hindi ko pinagsisisihang iniligtas kita sa mga hayup na 'yon. Mahal na mahal kita, Amaya, at hindi ako makapapayag na mapahamak ka lalo na kung kasama mo ako. Hindi ko pinagsisisihang nakapatay ako para sa 'yo." Mga salitang mas lalong nagpalakas ng iyak ko. Dahil na-realize ko kung gaano ako kamahal ng nobyo ko. Handa siyang pumatay at mamatay para sa akin. At napakasuwerte ko sa kaniya dahil doon. "Sshh, tahan na." Masuyong pinalis ni Anthony ang mga luha ko, saka sinapo ang mukha ko. Puno ng pagmamahal niya akong tiningnan sa aking mga mata. "Anthony..." "Mahal na mahal kita, Amaya. At palagi mong tatandaan na wala akong nararamdamang pagsisisi na nandito ako ngayon. Mas pagsisisihan ko kung hinayaan kitang mapahamak sa mga lalaking 'yon na wala man lang akong nagawa para iligtas ka." Napahikbi ako sa sinabi niya. "Huwag ka ng umiyak. Makakalabas din ako rito. Baka matagalan, pero makakalabas ako at kapag dumating ang araw na 'yon, magpapakasal na tayo. Okay?" Puno ng pag-asa niyang sabi. Hilam ng luha na tumango ako at mahigpit na yumakap sa kaniya. "Mahal na mahal kita, Amaya," sabi niya habang yakap-yakap ko siya. "Mahal din kita, Anthony. Mahal na mahal..." "Mag-iingat ka palagi habang wala ako sa tabi mo, ha?" Tumango ako at hindi na nakapagsalita pa. Yakap ko lang siya. At kagaya ko, umiiyak na rin siya dahil nabasa ang balikat ko. Ayoko pa sanang bumitaw sa kaniya, pero may lumapit na sa amin at sinabing tapos na ang oras ng dalaw. Na kailangan ko na raw umalis at bumalik na lamang bukas. Napilitan akong bumitaw kay Anthony. "Umuwi ka na, ha? Mag-iingat ka." Bilin ni Anthony at masuyo akong hinalikan sa noo. "Babalik ako bukas. Pangako, makakalabas ka rito. Ako mismo ang titistigo na wala kang kasalanan. Na iniligtas mo lang ako kaya mo siya napatay." Pangako ko. "Huwag mo 'kong mas'yadong alalahanin dito. Ang gusto ko, umuwi ka ng ligtas at magpahinga. Hindi ako makikipag-usap sa 'yo bukas kapag mugto pa rin ang mga mata mo, Amaya." Napalabi ako. "Sige na, lumabas ka na. Babalik na ako sa loob." Taboy niya. Wala akong nagawa kundi ang lumabas. Pero bago 'yon, minsan ko pang niyakap si Anthony at nangakong gagawa ako ng paraan para makalaya siya agad. PALABAS na ako ng presinto kung saan nakapiit si Anthony nang makasalubong ko ang kapatid niyang babae. Ang ate niya na simula nang maging kami ni Anthony ay ramdam ko na ang disgusto niya sa akin. "Ate Verly--" "Huwag mo akong ma-ate-ate, Amaya. Hindi kita gusto para sa kapatid ko." Nagulat ako. Dahil ito ang unang pagkakataon na diretsa niyang sinabi ang bagay na 'yon sa akin. Dati hanggang paramdam lamang siya, pero ngayon diretsahan na. "I'm sorry. Hindi ko gustong mangyari ang lahat ng ito, Ate. Alam mong mahal ko ang kapatid mo--" She cut me off. "Letsing pagmamahal mo 'yan. Dahil sa 'yo palagi na lang inaabot ng malas ang kapatid ko. Hindi mo pa ba nahahalata na ikaw ang malas sa buhay ni Anthony?" "Ate!" Nabigla ako. "Hindi totoo 'yan. "Hindi totoo? Kaya pala simula nang maging kayo, hindi na siya nawalan ng problema! At ikaw ang malas sa buhay niya. Kung hindi dahil sa 'yo, wala siya dito ngayon sa kulungan! Hindi sana inatake sa puso ang papa namin." Tahasang paninisi sa akin ng ate Verlyn ni Anthony. "I-Inatake sa puso si Tito Benson?" tukoy ko sa ama nila. "Oo! At kasalanan mong lahat 'to. Kung hindi mo isinama sa letsing date na 'yan ang kapatid ko, sana hindi siya nakapatay! Sana hindi siya nakulong! Sana hindi nalagay sa peligro ang buhay ng papa namin!" "Wala akong kasalana--" lagapak ng palad ni Ate Verlyn ang nagpatigil sa pagsasalita ko. Natigalgal ako. Hindi agad nakahuma dahil sa pamamanhid ng pisngi ko na dalawang beses niyang sinampal. Hindi pa siya nasiyahan, pinagmumura niya ako sa harap ng mga tao. At paulit-ulit na sinabing malas ako sa buhay ng kapatid niya. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang pamamahiyang ginagawa niya dahil nang subukan kong ipagtanggol ang sarili ko, binantaan niya ako na hindi na makababalik dito para madalaw ang kapatid niya. Sa loob ng tatlong taong relasyon kay Anthony, ngayon ko lang nakitang ganito kagalit sa akin ang kapatid niya. At hindi lang pala ang kapatid niya dahil nang araw ding 'yon, pinuntahan ko sa hospital ang mga magulang niya. Ngunit kagaya ni Ate Verlyn, sampal at mura ang napala ko sa mama ni Anthony. "Tita Flor, I'm sorry--" "Hindi ko kailangan ang sorry mo, Amaya! Ang gusto ko, gumawa ka ng paraan para makalaya ang anak ko! Kung kinakailangang akuin mo ang nagawa niya, gawin mo!" Galit na galit niyang sabi sa akin. "Tutal, ikaw naman ang dahilan kung bakit siya nando'n, hindi ba? Gawan mo ng paraan na makalaya ang anak ko dahil kung hindi, hindi ka na makakalapit sa kaniya kahit kailan! Buwisit ka! Malas ka talaga sa buhay ng anak ko!" Umiiling-iling ako. Pinabulaanan ang mga paratang niya, pero pinagmumura ako ni Tita Flor. Hiyang-hiya ako sa mga taong nakakarinig ng mga pinagsasabi niya. Kung hindi pa dumating ang bunsong kapatid na lalaki ni Anthony ay hindi ako titigilan ng mama niya. "Ma, ano ba 'to? Bakit kayo nag-iiskandalo dito? Hospital ito at hindi palengke." Awat ni Frank sa sariling ina. At pagkuwa'y humingi ng paumanhin sa akin. "Bakit ka humihingi ng paumanhin sa babaeng 'yan?" Angil ni Tita Flor sa anak. "Ma, nakakahiya. Ang daming tao, oh. Nakakaiskandalo na kayo sa ibang pasyente dito--" "Wala akong pakialam, Frank! Gusto ko lang malaman ng babaeng 'yan na ayoko sa kaniya dahil malas siya sa buhay nating lahat! Lalo na sa buhay ng kuya Anthony mo." "Ma, girlfriend ni Kuya 'yang sinasaktan at ipinapahiya n'yo. Sa tingin n'yo ba, matutuwa siya kapag nalaman niya ito?" ani ni Frank. Matalim akong tiningnan ni Tita Flor bago nagbanta. "Subukan mong magsumbong sa anak ko, Amaya." "Ma, tama na nga 'yan." Awat ni Frank sa ina at inilayo na ito sa akin. Habang sinusundan sila ng tingin, nakaramdam ako ng panliliit dahil wala man lang akong nakuhang simpatya mula sa pamilya ni Anthony. Sa halip ay puro galit at paninisi sa nangyari. Sa tatlong taon namin ni Anthony, hindi lingid sa akin na hindi ako gusto ng pamilya niya para sa kan'ya. Ibang babae ang gusto nila para kay Anthony, pero dahil mahal namin ang isa't isa, hindi nila kami napigilan. Akala ko nga, unti-unti na nila akong natatanggap dahil kahit papa'no maayos na ang pakikitungo nila sa akin kapag nasa bahay nila ako. Pero ngayon ko napatunayan na hindi pa rin pala. Na hanggang ngayon, ayaw pa rin nila sa akin para kay Anthony. At dalawa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit ayaw nila sa akin. Una, dahil may ibang babae silang gusto para kay Anthony. At pangalawa, dahil alam nilang hindi ako tunay na anak ng mga kinilala kong magulang. Mapait akong napangiti. Kasalanan ko bang naging ampon ako? Kasalanan ko bang iniwan ako ng tunay kong pamilya at ipinaampon ako? Mabigat ang loob na nilisan ko ang hospital. Nasasaktan ako. Hindi naman ako bato para hindi maapektuhan sa mga sinasabi nila sa akin. "Ate Amaya!" Napahinto ako sa pagtawid sa kabilang side ng kalsada nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Frank, patakbong lumapit sa akin. "Frank." "Ate, mabuti naabutan kita." Panimula niya, habol pa ang paghinga dahil sa pagtakbo. "Bakit?" Malungkot kong tanong. "Gusto kong humingi ng pasensya sa ginawa ni Mama sa 'yo kanina. Hindi niya dapat ginawa sa 'yo 'yon. Kapag nalaman 'yon ni Kuya Anthony, magagalit siya kay Mama." Bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Hindi niya malalaman, Frank. Hindi na 'yon kailangang malaman ng kapatid mo. Hindi naman makakatulong 'yon." "Salamat, Ate Amaya. Pasensya ka na talaga sa ginawa at nasabi ni Mama, ha? Sana 'wag mo nang mas'yadong damdamin 'yon." "Oo naman." Maikling sagot ko. Hinawakan ni Frank ang kamay ko at sinabing kakampi niya ako. Na hindi siya galit sa akin. Na hindi niya ako sinisisi sa nangyari sa kapatid niya. Napaiyak ako. Dahil sa wakas, nakuha ko 'yong simpatyang kailangan ko para kahit papa'no ay lumawag ang dibdib ko. Niyakap ako ni Frank. "Malalampasan n'yo 'to ni Kuya, Ate. Kayo pa ba? Mahal na mahal n'yo ang isa't isa." Napangiti ako. "Salamat, Frank. Salamat sa simpatya. At pangako, gagawin ko ang lahat para makalaya ang kapatid mo." Naghiwalay kami ni Frank nang araw na 'yon na dala-dala ko ang pangako kong gagawin ang lahat para kay Anthony. Oo, lahat. PAG-UWI KO SA bahay, eksaktong naroon ang kaibigan kong si Pat. Sa kaniya ko inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa pamilya ni Anthony. "Mga tanga sila. Bakit ikaw ang sisisihin nila sa nangyari? Ginusto mo ba 'yon?!" Galit na sabi niya. "Sobrang makikitid ang mga utak! Naturingang may mga pinag-aralan, pero mga ungas! Hmmp! Nanggigigil ako sa mga 'yan." Gigil niyang dagdag. "Kailangang malaman ni Anthony ang ginawa sa 'yo ng ate at nanay niya! Sino sila para pagbuhatan ka ng kamay?! Mga animal!" Sa kabila ng sakit, natawa ako. Para kasing gusto nang pumatay ng kaibigan ko. "Kuhang-kuha talaga ng mag-inang 'yan ang gigil ko. Matagal na nilang ayaw sa 'yo, pero makulit ka. Isinisiksik mo pa rin ang sarili mo sa pamilyang iyon." "Mahal ko si Anthony, Pat." "Alam ko. Pero ang hirap pakisamahan ng pamilya niya. Paano na lang kapag nagkatuluyan kayo?" "Ayoko na munang intindihin 'yan. Ang kailangan ko, magaling na abogado para kay Anthony." "Kung magaling na abogado din lang naman ang kailangan mo, isang tao lang ang kilala ko na puwede mong lapitan." Mula sa pagkakahiga, napabangon ako bigla. "Talaga? May kilala ka?" "Kilala mo rin siya." Kumunot ang noo ko. "Kilala ko?" Tumango siya. "Sino?" "Si Atty. Nicholas." Puno ng pagmamalaki na sagot ni Pat. "Atty. Nicholas?" "Ay, gaga! Nakalimutan mo na ba? 'Yong anak ni Donya Martina San Martin! 'Yong guwapong lalaki na sinilipan natin dati doon sa batis." "Sinilipan sa batis?" Hindi ko pa rin ma-recall sa isip ko. "Oo, gaga. Natatandaan mo ba 'yong umakyat tayo sa puno ng santol? Tapos habang nasa taas tayo, biglang may tumalon sa batis. Iyong biglang naghubo, at kitang-kita natin ang puwet kaya ka nahulog, 'di ba?" Sa pag-alala ni Pat sa eksenang 'yon. Unti-unting luminaw sa akin ang nakaraan. Natatandaan ko na. Dahil 'yon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng hotdog ng lalaki. I was fifteen back then. "Abogado na siya?" Wala sa loob na tanong ko. "Yep. Hindi lang basta abogado, magaling na abogado, Amaya. Mag-research ka tungkol sa kaniya at masa-shock ka sa mga achievement niya. Malalaking kaso ang mga naipanalo niya. Palibhasa focus ka kay Anthony, hindi ka na aware sa mga ganap dito sa lugar natin." "Kailangan ko siyang makita, Pat. Tulungan mo ako." Hiling ko. "Sure, besty. Balita ko kay Nanay, may gaganaping selebrasyon sa mansyon ng mga San Martin. At uuwi ang mga anak ni Donya Martina. Mga anak, meaning ando'n si Atty." Sa sinabing 'yon ni Pat, agad akong nagdesisyon. "Pupunta ako do'n. Kailangan ko ang tulong niya."Ngumiti lang si Nick at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. "Hindi ko yata kayang tapatan iyong mga sinabi mo. Mamaya ko na lang siguro sasabihinkapag tayong dalawa na lang." Natawa ang lahat, maging si Father. "Ayusin mo kasi." Udyok niya. "Mas gusto kong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal kaysa ang sabihin word by word." Namayani ang katahimikan. Tila naghihintay ang lahat kay Nick, na hindi papayag na walang sabihin. Tumikhim ito bago nagsalita. "Sana alam mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ngayon, habang nakatayo tayong dalawa dito, hindi mo lang tinupad ang pangarap kong maikasal sa 'yo, tinupad mo rin iyong pangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya. Pangarap na akala ko, hindi na matutupad dahil nasaktan kita nang sobra."Pinuno nito ng hangin ang dibdib bago nagpatuloy."And thank you for still choosing me. Thank you dahil pinili mong magpatawad kasya ang magalit sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan iyong sinabi mo. During that
EVERY STEP Aya took, para siyang hindi makahinga. Hindi siya makahinga hindi dahil nasu-suffocate siya kundi dahil sa samu't saring emosyon na nakapaloob sa dibdib niya ngayon habang mabagal na naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya sa harapan. Tumigil si Aya sa gitna. Hindi dahil ayaw niyang magpatuloy sa paglalakad kundi dahil gusto niyang pagmasdan ang paligid. Today is her wedding day to the best man she love. Her husband to be. Nick. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang wedding bouquet nang makita ang kabuuan ng paligid. Naluluha siya sa sobrang ganda. It's far from her wedding dream before. Ang pangarap niyang kasal noon, sa simbahan, maraming bisita, mga kaibigan, katrabaho, kamag-anak, at maraming iba't ibang kulay ng mga bulaklak. At ang kasal nilang ito ni Nick ngayon, sobrang kakaiba sa dream wedding niya noon. Malayong-malayo. Dahil ngayon habang pinagmamasdan ang paligid, pakiramdam niya ay nasa isang napakagandang paraiso niya. Puting yate sa gitn
"K-Kuya, bakit dito?" kaagad niyang tanong sa kapatid nang ma-realize na sa reception sila pumunta. "Kuya, iuwi mo muna ako sa bahay, please?" Pakiusap niya. "Hindi puwede." "K-Kuya." "I'm sorry." Nagtaka siya. "Sorry? Sorry saan?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay inalalayan siyang bumaba ng sasakyan nito. "Kuya, uwi na lang tayo--" Kusang natigilan si Aya nang makita ang loob ng pinasukan nila ng kapatid. It's not a wedding reception. Kundi isang madilim na lugar na tanging mga kandila ang nagsisilbing liwanag. "K-Kuya, ano 'to?" Napasinghap siya nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Doon niya nakita ang napakaraming bulaklak na kulay pula lahat. Pero hindi iyon ang nagpabilis sa tib0k ng puso niya kundi ang lalaking gusto ng makipaghiwalay sa kaniya kanina. Si Nick. Nasa gitna siya ng pahugis pusong mga bulaklak, karga sa magkabilang bisig ang kanilang kambal. "A-Anong meron?" Mahina niyang sambit, dahil naroon ang lahat ng dumalo sa kasal ng ate niya. In
SPEECHLESS si Aya habang nakaharap sa malaking salamin. Katatapos lamang niyang ayusan ng make up artist na kinuha ng mommy Viona niya para sa kanila. Ngayon kasi ang silver wedding anniversary ng Ate Rosie at Kuya Nicholai niya kaya nakaayos siya. Hindi lamang siya kundi silang lahat. Maliban sa Ate Rosie niya na iba ang make up artist. Siyempre, given na iyon dahil ito ang bride. Yes, bride. Dahil ngayong silver wedding anniversary nila ay muli itong pakakasalan ni Kuya Nicholai. At isa siya sa bridesmaids ng Ate Rosie niya. Kaya ayos na ayos rin siya. "Ako ba 'to?" Hindi napigilang tanong ni Aya sa sarili habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Hindi niya ugaling puruhin ang sarili kahit noon pa, pero ngayon, hindi niya mapigilang mapahanga sa sarili. Ang ganda-ganda kasi niya ngayon. Grabe 'yong glow up niya sa make up niya. Natakpan talaga ang dark spots sa gilid ng mga mata niya dahil sa gabi-gabing puyat sa kaniyang kambal. Iyong mga mata niya, k
At dahil mas'yado siyang masaya, wala siyang panahon para isipin ang hidwaan sa pagitan nila. Ukopado ng mag-iina niya ang buong pagkatao niya hanggang sa wakas, makarating sila sa harap ng mansiyon ng mga Imperial. Natawa si Nicholai nang sa pagmamadali niyang makababa ng sasakyan, muntik na siyang madapa. "Relax, bro. Madidisgrasya ka kapag hindi ka kumalma." Napabuntong hininga si Nick at hinimas ang sariling dibdib para ikalma ang sarili. "Right timing ang dating natin. Mom messaged me, nasa kuwarto raw ang mag-iina mo." Tumango lang si Nick at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng mansiyon kasama ang kapatid. Awtomatikong umawang ang bibig ni Nick nang makita ang malaking banner pagpasok pa lang ng main door. "Welcome Home, Daddy Nick! WE LOVE YOU!" iyon ang nakasulat sa malaking banner. Hindi lang iyon. Mayro'ng iba't ibang kulay ng mga lobo. Mayro'n sa kisame, sa sahig. Nilapitan niya ang mga lobong may tali. Halos hindi siya makahinga nang makitang mga
ABALA ANG mga tao sa mansiyon ng mga Imperial dahil sa inihahandang pa-welcome party ni Aya para kay Nick. Bukas pa ang discharge ni Nick, pero sa sobrang excited ni Aya at gustong gawing isang espesyal na araw ang paglabas ni Nick mula sa hospital ay talagang naghanda siya isang araw bago pa makauwi si Nick. Tulog ang kambal niya kaya malaya siyang tumulong sa mga ito sa pagdi-decorate. "Ate Sara, medyo hindi pantay 'yong welcome daddy. Mas mataas sa left side." Komento niya na ang kausap ay ang isa sa kasambahay ng pamilya Imperial. Inayos ni Sara ang banner. "Okay na po, Señorita?" "Yes. Pantay na. Thank you." "Walang anuman po, Señorita." Nakangiting sabi ng kasambahay na si Sara at pagkuwa'y nagpalobo na ng mga balloons. Abalang-abala si Aya nang lapitan siya ng kapatid na si Joana. Kanina pa ito sa mansiyon ng mga Imperial dahil nang malaman nito na may inihahanda siya para kay Nick, nagpresinta itong tumulong. At inaamin niya na medyo ikinagulat niya iyon. Hindi na
AMAYA'S POV "ANG LIKOT MO." Hindi na nakatiis na reklamo ni Pat sa tabi ko nang hindi pa rin ako tumigil sa kapapabaling-baling sa higaan. May dalawang oras na yata kaming nakahiga, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Anthony. Alam kong hindi siya kum
AMAYA'S POV "BESTY, pagkakataon mo na 'to para masabi sa kan'ya ang kailangan mo." Bulong ni Pat sa akin habang nagtitimpla ng hot choco ng lalaking 'yon. Nang hindi ako sumagot, dinunggol ni Pat ang braso ko. "Hoy, kinakausap kita." "Narinig ko.""E, ba't hindi ka sumasagot?" "Iniisi
AMAYA'S POV "ANONG BILIN KO SA INYONG dalawa? Lalo na sa 'yo, Patricia?" tanong ni Tita Paula sa amin ni Pat pagbaba pa lamang namin ng dyip dito sa harap ng gate ng hacienda. Ngayon ko lang nalaman na sa Hacienda Martina pala nagtatrabaho ang ina ni Patricia. At ngayon ko lang din nalaman n
AMAYA'S POV "Walang piyansa?" Halos gumuho ang mundo ko nang sa muli kong pagbisita kay Anthony sa kulungan ay sumalubong sa akin ang masaklap na balita. "Oo, Amaya. H-Hindi nila ako pinayagang makapagpiyansa para pansamantalang makalaya habang hinaharap ang kaso ko." Kuwento ni Anthony haban







