Share

Chapter 131

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-05-22 20:44:46
Bradley

“Kuya.”

Paglingon ko ay nakita ko sina Nathan at Calvin na papalapit sa amin ni Matthew. Nasa gilid lang kami ng main hall habang hinihintay magsimula nang tuluyan ang program proper ng launching ng Salazar Media.

At kagaya ng inaasahan ko, hindi pa rin ako tinigilan ni Matthew sa pang-aasar. Nakasunod ito sa akin kahit saan ako magpunta kaya mas pinili ko na lang ang manatili sa isang lugar.

“Kasama mo si Jen?” agad na tanong ni Nathan habang nililibot ng tingin ang paligid na tila hina
MysterRyght

May nang-aaway sa future wife mo!

| 30
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Manang Beb
ay sus may extra
goodnovel comment avatar
Jacqueline Tabag
ang cute ng magkakapatid sobrang natawa ako sa asaran nila thanks ms.A
goodnovel comment avatar
Jhie Glean Celedon
wala pa rin update?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 200

    JenelynNasa BGC na kami ngayon para sa grand opening ng pinakaunang flagship store ng Salazar Jewelry.Pagpasok pa lamang namin sa boutique ay agad nang bumungad ang elegante at marangyang interior nito. Malinis ang disenyo ng buong store, habang ang mga warm lights na nakapuwesto sa kisame ay nagbibigay ng mas matingkad na kinang sa bawat alahas na nasa loob ng mga glass display cases.Diamond necklaces, emerald rings, sapphire earrings, at iba't ibang luxury jewelry pieces ang maayos na nakaayos sa bawat seksyon. Kitang-kita ang pagiging metikuloso sa bawat detalye, na para bang hindi lamang basta mga alahas ang mga iyon kundi maliliit na obra maestrang ginawa ng mahuhusay na alagad ng sining.Hindi ko maiwasang humanga. Alam kong malaking bahagi ng tagumpay ng store na ito ay dahil kay Bradley. Mula sa konsepto ng brand hanggang sa pagpili ng mga designers na gagawa ng collections, alam kong personal niya iyong tinutukan.Hindi siya iyong tipong umaasa lang sa mga empleyado. Kapag

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 199

    Jenelyn"I think you're crazy," hindi ko napigilang sabihin habang nakatitig nang diretso sa kanya. Halos hindi ako makapaniwalang seryoso siyang binabanggit ang mga bagay na iyon.Nanatili siyang kalmado, parang wala lang sa kanya ang mabigat na usapan."Iniisip mo bang hindi ka tunay na anak ni Tita Mildred?" dagdag ko, pilit hinahanap sa mukha niya ang kahit katiting na senyales na biro lang ang lahat.Ngunit sa halip na sumagot agad, bahagya lamang siyang ngumiti."Ano sa tingin mo?" balik niyang tanong.Napairap ako sa inis."Seriously? Ako pa talaga ang tatanungin mo?" Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "Magkakamukha kayong magkakapatid. Halos pare-pareho pa nga kayo ng mga mata at facial features. Kitang-kita ring marami kayong namana kay Tito Alfonso. May mga pagkakataon na nakikita ko rin ang ilagn feature ni Tita Mildred sayo. So, anong dahilan para isipin mong hindi ka nila tunay na anak?"Tahimik lang siyang nakatingin sa akin sa loob ng ilang segundo, na para

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 198

    JenelynTahimik kaming naglakad ni Bradley palabas ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa unit niya.Karaniwan ay agad kong napapansin ang komportableng ambiance ng lugar na iyon. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa pagpunta roon. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari sa ospital.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Mildred.Pakiramdam ko ay may isang malaking piyesa ng palaisipan ang nawawala, at kahit anong pilit kong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng nalalaman ko, hindi pa rin mabuo ang kabuuang larawan.Balak ko sanang dumiretso sa sala, ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Bradley sa likuran ko."Kanina ka pa tahimik."Marahan akong lumingon sa kanya.Nakatayo lamang siya roon habang tahimik akong pinagmamasdan. Wala siyang ngiti sa labi, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Ano'ng iniisip mo?"Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanya."Don't you think it's

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 197

    JenelynHindi ako makapaniwala sa narinig ko.Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.Ngunit hindi.Malinaw na malinaw ang sinabi niya.Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.Kung ibang tao ang nagsabi niyon, marahil ay iisipin kong isa lamang iyong padalos-dalos na salita na bunga ng matinding galit. Ngunit iba si Tita Mildred. Ina siya nila Bradley.At iyon ang lalong nakapagpalito sa akin.Hindi ba niya naiisip ang ibig sabihin ng salita niya?Alam naman niyang anak niya si Christine!Tahimik kong pinagmasdan ang reaksiyon ng bawat isa.Halos pare-pareho silang natigilan.Maging si Lolo ay bahagyang nanlaki ang mga mata, habang si Tito Alfonso ay tila nawalan din ng masa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 196

    BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 195

    Bradley“Bakit ganyan mo na lang kung ipagtanggol ang babaeng 'yan?”Halos manginig na sa galit ang boses ni Mommy habang nakatingin nang masama kay Jenelyn. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Kung wala lang kami sa loob ng ospital at hindi siya napapalibutan ng mga doktor, nurse, at iba pang pasyente, sigurado akong matagal na siyang nagsisigaw.Simula pa lamang nang dumating siya rito ay hindi na niya itinago ang disgusto niya kay Jenelyn, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lalo lamang umiinit ang dugo ko.Diretso kong sinalubong ang tingin niya. Wala akong balak umatras o iwasan ang usaping ito.“She’s my fiancée,” kalmado ngunit matatag kong sagot. “So naturally, ipagtatanggol ko talaga siya.”Ramdam kong biglang may marahang humila sa laylayan ng coat ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Jenelyn. Hindi siya mukhang kinakabahan o natatakot.Sa halip ay para bang pinapagalitan niya ako gamit lamang ang kanya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 105

    Bradley“These are not healthy,” saad ko habang inaayos ko ang pagkakaupo ko sa dining chair at pinagmamasdan ang nakahain sa harap namin. Halos mapangiwi ako sa dami ng mantika at tamis na bumungad sa akin—fried chicken na mukhang bagong hango sa kumukulong mantika, golden fries na may kasamang ket

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 104

    BradleyHinayaan ko na muna siya sa mga kahon niya. Sa totoo lang, mukhang mas may direksyon pa siya sa ginagawa niya kaysa sa akin sa sarili kong condo, at hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa realization na iyon.Napailing ako habang bumabalik sa aking silid, pilit inaalis sa isip ang p

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 103

    BradleyHindi sa hindi ako naniniwala. I already know who she is, at base sa tunay niyang identity ay hindi siya yung tipo ng babae na magsisinungaling sa ganitong klaseng bagay. Lalo na kung ang dahilan lang ay para makaalis siya sa mansyon o para tumigil sa part-time job niya sa company. Walang se

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 102

    JenelynLinggo ng umaga. Tahimik ang buong condo, yung tipong pati hangin parang tinatamad gumalaw.Nasa sala lang ako, nakaupo nang maayos sa sofa habang hinihintay ang package na manggagaling pa sa Boston. Hindi iyon basta-basta parcel lang. Mga materyales iyon para sa bionic arm na matagal ko nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status