LOGINAyan, lantaran na si Bradley. At teka- sino ang kausap ni Tita Mildred?
JenelynNasa BGC na kami ngayon para sa grand opening ng pinakaunang flagship store ng Salazar Jewelry.Pagpasok pa lamang namin sa boutique ay agad nang bumungad ang elegante at marangyang interior nito. Malinis ang disenyo ng buong store, habang ang mga warm lights na nakapuwesto sa kisame ay nagbibigay ng mas matingkad na kinang sa bawat alahas na nasa loob ng mga glass display cases.Diamond necklaces, emerald rings, sapphire earrings, at iba't ibang luxury jewelry pieces ang maayos na nakaayos sa bawat seksyon. Kitang-kita ang pagiging metikuloso sa bawat detalye, na para bang hindi lamang basta mga alahas ang mga iyon kundi maliliit na obra maestrang ginawa ng mahuhusay na alagad ng sining.Hindi ko maiwasang humanga. Alam kong malaking bahagi ng tagumpay ng store na ito ay dahil kay Bradley. Mula sa konsepto ng brand hanggang sa pagpili ng mga designers na gagawa ng collections, alam kong personal niya iyong tinutukan.Hindi siya iyong tipong umaasa lang sa mga empleyado. Kapag
Jenelyn"I think you're crazy," hindi ko napigilang sabihin habang nakatitig nang diretso sa kanya. Halos hindi ako makapaniwalang seryoso siyang binabanggit ang mga bagay na iyon.Nanatili siyang kalmado, parang wala lang sa kanya ang mabigat na usapan."Iniisip mo bang hindi ka tunay na anak ni Tita Mildred?" dagdag ko, pilit hinahanap sa mukha niya ang kahit katiting na senyales na biro lang ang lahat.Ngunit sa halip na sumagot agad, bahagya lamang siyang ngumiti."Ano sa tingin mo?" balik niyang tanong.Napairap ako sa inis."Seriously? Ako pa talaga ang tatanungin mo?" Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "Magkakamukha kayong magkakapatid. Halos pare-pareho pa nga kayo ng mga mata at facial features. Kitang-kita ring marami kayong namana kay Tito Alfonso. May mga pagkakataon na nakikita ko rin ang ilagn feature ni Tita Mildred sayo. So, anong dahilan para isipin mong hindi ka nila tunay na anak?"Tahimik lang siyang nakatingin sa akin sa loob ng ilang segundo, na para
JenelynTahimik kaming naglakad ni Bradley palabas ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa unit niya.Karaniwan ay agad kong napapansin ang komportableng ambiance ng lugar na iyon. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa pagpunta roon. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari sa ospital.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Mildred.Pakiramdam ko ay may isang malaking piyesa ng palaisipan ang nawawala, at kahit anong pilit kong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng nalalaman ko, hindi pa rin mabuo ang kabuuang larawan.Balak ko sanang dumiretso sa sala, ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Bradley sa likuran ko."Kanina ka pa tahimik."Marahan akong lumingon sa kanya.Nakatayo lamang siya roon habang tahimik akong pinagmamasdan. Wala siyang ngiti sa labi, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Ano'ng iniisip mo?"Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanya."Don't you think it's
JenelynHindi ako makapaniwala sa narinig ko.Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.Ngunit hindi.Malinaw na malinaw ang sinabi niya.Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.Kung ibang tao ang nagsabi niyon, marahil ay iisipin kong isa lamang iyong padalos-dalos na salita na bunga ng matinding galit. Ngunit iba si Tita Mildred. Ina siya nila Bradley.At iyon ang lalong nakapagpalito sa akin.Hindi ba niya naiisip ang ibig sabihin ng salita niya?Alam naman niyang anak niya si Christine!Tahimik kong pinagmasdan ang reaksiyon ng bawat isa.Halos pare-pareho silang natigilan.Maging si Lolo ay bahagyang nanlaki ang mga mata, habang si Tito Alfonso ay tila nawalan din ng masa
BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila
Bradley“Bakit ganyan mo na lang kung ipagtanggol ang babaeng 'yan?”Halos manginig na sa galit ang boses ni Mommy habang nakatingin nang masama kay Jenelyn. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Kung wala lang kami sa loob ng ospital at hindi siya napapalibutan ng mga doktor, nurse, at iba pang pasyente, sigurado akong matagal na siyang nagsisigaw.Simula pa lamang nang dumating siya rito ay hindi na niya itinago ang disgusto niya kay Jenelyn, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lalo lamang umiinit ang dugo ko.Diretso kong sinalubong ang tingin niya. Wala akong balak umatras o iwasan ang usaping ito.“She’s my fiancée,” kalmado ngunit matatag kong sagot. “So naturally, ipagtatanggol ko talaga siya.”Ramdam kong biglang may marahang humila sa laylayan ng coat ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Jenelyn. Hindi siya mukhang kinakabahan o natatakot.Sa halip ay para bang pinapagalitan niya ako gamit lamang ang kanya
BradleyHindi ko agad napansin kung gaano katagal na akong nakatingin sa iisang direksyon.Sa dami ng taong nakapaligid sa akin—mga negosyanteng gustong makipagkamay, mga miyembro ng club na gustong makipag-usap, at mga pamilyar na mukha na sanay na akong harapin—unti-unting naglaho ang lahat sa pa
JenelynHindi ako umatras nang tuluyan silang lumapit.Sa halip, nanatili lang ako sa harap ng buffet, hawak ang plato, habang hinahayaan silang punuin ang espasyo sa paligid ko, parang sinasadyang sakupin ang hangin na dapat ay tahimik lang para sa sarili ko. Sa paraan pa lang ng pagtayo nila, mal
JenelynTahimik lang akong nanatili sa gilid ng ballroom, ang mga mata ko ay abala sa pag-oobserba sa bawat galaw ng mga tao sa paligid. Hindi ako nagmamadali, hindi rin ako naiinip. Para sa akin, mas interesante pa minsan ang pagmamasid kaysa sa pakikisali lalo na sa ganitong klase ng pagtitipon ku
JenelynPagdating ng sasakyan sa harap ng venue, agad kong naramdaman ang pamilyar na bigat ng lugar, yung uri ng ambiance na hindi mo kailangang makita para malaman kung anong klaseng mga tao ang naroon. Kahit nasa loob pa lang ako ng sasakyan, ramdam ko na ang presensya ng kapangyarihan, ng implu







