LOGINIsang itim na Audi ang dahan-dahang lumabas mula sa isang mamahaling subdibisyon.Ang nakatawag ng pansin ni Anton ay ang maliit na parisukat na papel na nakadikit sa likuran ng sasakyan. Sa ilalim ng ilaw ng poste, mukha itong isang ordinaryong business card.Mabilis niyang pinaandar ang motorsiklo at nilampasan ang Audi upang tingnang mabuti ang papel.Tama nga ang hinala niya.Iyon ang maliit na papel na ibinigay sa kanya ni Steven na may nakasulat na numero ng telepono ni Maribel. Hindi niya alam kung kailan pa ito naidikit ng bata gamit ang chewing gum."Ang batang ito... hindi nasayang ang pagtuturo ni Maribel sa kanya tungkol sa pag-iingat sa panahon ng panganib."Kung hindi dahil sa maliit na papel na iyon, baka hindi niya natunton ang sasakyan.Biglang tumunog ang telepono. Si Maribel ang tumatawag. Lumabas pala na hindi lubusang nagtitiwala si Lolo ni Steven kay Anton.Natakot siyang baka magnanakaw lamang ito na nagkunwaring tutulong upang makuha ang kanyang cellphone. Kaya
"Napakatalino ng mommy mo."Muling binigyan ni Anton ng thumbs-up ang bata."Hindi lang matalino ang mommy ko, siya rin ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang sinumang mapapangasawa siya ang magiging pinakamasayang lalaki sa mundo," buong pagmamalaking sabi ng munting si Steven."Nasaan ang daddy mo?" usisang tanong ni Anton."Namatay ang daddy ko sa isang aksidente sa sasakyan noong nakaraang taon. Nagkaroon ng problema si Mommy sa masasamang tao, kaya pinagtago niya kami ni Lolo. Ngayon patay na ang masasamang tao, kaya pinababalik na niya kami. Pero hindi matawagan ni Lolo si Mommy, kaya kami na lang ang umuwi mag-isa," seryosong paliwanag ni Steven.Pinagmasdang mabuti ni Anton ang bata. Bigla siyang may naalala. Kanina pa niya iniisip na pamilyar ang mukha nito, pero hindi niya maalala kung saan niya nakita.Ngayon, nang titigan niya itong mabuti ay halos kamukha ito ni Maribel. Ang mga mata, balintataw, maliit na bibig, maging ang mahahabang pilikmata...Maliban sa mas bi
Umiling si Anton.Naitatag ang Black Dragon noong sinauna pang panahon. Bago pa man sakupin ng Espanya ang Pilipinas ay malaki ang ugnayan ng bansang China sa Pilipinas lalo na sa kalakakalan.Kaya maraming Pilipino na namumuhay ayon sa kultura ng mga Tsino. May ilan pang nagpa-convert sa Buddhism, Taoism, at Confucianism.At ang grupo ng Black Dragon ay isa na roon. Isa itong opisyal na task force sa bansa.Narinig lamang ni Anton noon na ang Cold Ink Dagger ay isang pamana ng Black Dragon, ngunit hindi pa niya ito kailanman nakita at wala siyang alam tungkol sa pinagmulan nito."Ang Cold Ink, na ang orihinal na pangalan ay Dragon Scale, ay sinasabing nilikha ng bantog na isang tsinong panday ng espada na si Master Zhi noong Panahon ng Spring and Autumn at Warring States sa China," paliwanag ni Uno."Pagkatapos itong magawa, ginamit ito sa isa sa mga palasyo sa China bilang kasangkapan sa pagpaparusa— ang parusang dahan-dahang paghiwa sa katawan hanggang sa mamatay.""Sa loob ng mara
Biglang huminto ang sasakyan na may matinis na tunog ng preno. Sabay bunot ng baril ang pulis na may crew cut at ang payat na pulis, at itinutok ang mga ito kay Anton."Ano ang ginagawa mo? Ibaba mo ang kutsilyo!"Malamig na sumagot si Anton, "Sasama ako sa inyo, pero hindi ninyo ako maaaring piringan."Sinulyapan niya ang dalawang armadong pulis at malamig na sinabi, "Kung ayaw kong sumama, walang sinuman ang makakadala sa akin."Nagkatinginan ang dalawang pulis nang makita ang kanyang matigas na paninindigan. Sa huli, bumaba ang payat na pulis at tumawag sa telepono, malinaw na humihingi ng utos.Pagkaraan ng ilang sandali, bumalik ito na may dalang malapad na adhesive tape.Tinakpan nila ng tape ang lahat ng bintana ng sasakyan at nilagyan pa ng telang harang ang pagitan ng unahan at likurang upuan. Kahit hindi na siya piringan, wala pa rin siyang makikita sa labas.Doon lamang ibinaba ni Anton ang punyal, malamig na suminghot, at muling umupo.Halatang paikot-ikot lamang ang ruta
"Oo, sana matulungan mo siya.""Bakit ko naman siya ililigtas? Transaksiyon lang ang relasyon namin. Ngayong nakagawa siya ng napakalaking gulo, kung tutulungan ko pa siya, hindi ba't ako lang ang magdadala ng problema sa sarili ko?" kalmadong sagot ni Marionne."Kahit transaksiyon lang ang kasal ninyo, tinulungan ka pa rin niya. Ilang panahon din kayong nagsama sa iisang bahay, kaya maituturing na kayong magkaibigan. Sana ay matulungan mo siya at mailigtas ang buhay niya."Nang marinig na tumatanggi si Marionne, lalo pang nabalisa si Maribel. "Alam kong marami kang koneksiyon. Basta handa kang tulungan siya, kahit magkano ang kapalit ay ibibigay ko."Tahimik na nagtanong si Marionne, "Handa kang gawin ang kahit ano para sa kanya?""Oo." Walang pag-aalinlangang sagot ni Maribel.Naging bahagi na ng buhay niya si Anton. Dahil dito, muli niyang natagpuan ang sigla ng buhay.Kung mawawala ito...Hindi na niya alam kung ano pa ang mangyayari sa kanya.Biglang sinabi ni Marionne, "Gusto ko
Sa isang malawak at tahimik na kagubatan, dalawang tao ang magkaharap na nakatayo.Ang isa ay nakasuot ng itim na balabal, nababalot ng anino, at tanging pares lamang ng nakakatakot na berdeng mga mata ang nakikita.Ang isa naman ay isang dalagang punit-punit ang kasuotan sa ilang bahagi, kaya bahagyang lantad ang kanyang maputing balat.Kung naroon si Anton, tiyak na makikilala niya ang dalawa, dahil pareho na silang nakalaban noon."Ate, natupad ko na ang misyon ko. Isang bala lang ang ipinantama ko sa ulo ni Daniel," sabi ni Michelle.Tumango ang babaeng nakaitim."Maaaring ituring na kabayaran iyan sa pagkakamali mo."Nagtatakang nagtanong si Michelle, "Ate, hindi ko maintindihan. Hindi ba mas mabuti sanang si Anton na lang ang pinatay ko? Bakit si Daniel pa?"Malamig na ipinaliwanag ng babaeng nakaitim, "Ang isang dalubhasa sa antas niya ay napakasensitibo sa hangaring pumatay. Kung si Anton ang tinarget mo, malamang ay agad niya itong mararamdaman."Lalo pang lumamig ang kanyang
"Talagang gusto mo ba akong mamatay sa galit? Doon ka lang ba sasaya?" galit na sabi ni Marionne habang namumula ang mukha."Hindi ko naman sinasadya..." mahinang sagot ni Abigaile habang nakayuko."Tawagan mo ang lalake na 'yon at ipaliwanag mo ang nangyari," utos ni Marionne."H-Hindi ko kaya.""
"Ano po ang gusto ninyong orderin, sir?" magalang na tanong ng waitress habang bahagyang yumuyuko."Dalawang inihaw na kamote.""Paumanhin po, sir, wala po kaming inihaw na kamote," mahina nitong sagot."Wala kayong inihaw na kamote? Anong klaseng hotel ba ang pinapatakbo ninyo?" malakas na hinampa
"Bayaw, sabihin mo nga, saan mo ginastos ang 80,000?" hindi napigilang tanong ni Anton nang makasakay na sila sa kotse."80,000 lang iyon, ang bilis ngang naubos." Ngumuso si Abigaile habang nagbibilang sa kanyang mga daliri. "Noong isang araw gumastos ako ng 32,000, kahapon naman 21,000, tapos ida
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito







