LOGINMattias AvilaNapapailing na lamang ako sa tinuran ni Naya kanina. Hindi ko lubos maisip na bukod sa pamilya ko, isa rin siya sa walang tiwala sa akin. Pero kung tutuusin, hindi na ako nabigla sa inasta niyang iyon. Sanay na ako. Noon pa man ay ganoon na ako kung tratuhin ng mga taong malapit sa akin. Minsan pa nga akong napaghinalaan na magnanakaw at kriminal. Karamihan sa kanila ay dahil daw sa kung paano ako manamit at kung minsan pa nga ay dahil na rin sa kung paano ko sila titigan. Nag-usap na kami ni Xavier tungkol sa bagay na iyon at imbes na bigyan niya ako ng advice na baguhin ko ang sarili ko, mas gusto niyang ipagpatuloy ko ang ginagawa ko. Kung magiging kahina-hinala ako para sa mga inosenteng tao, mapupunta sa iba ang atensyon ng mga kalaban sa paligid namin. Mas mapapadali ang pagkilos ko.Matapos kong maligo ay agad na rin akong lumabas ng banyo. Ilang saglit pa ay natigil ako sa pagpupunas ng buhok ko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Xyla. "Kailan ba ako titi
Naya DiazHalos sabay na umangat ang kilay nina Yven at Jasmine sa mga sandaling iyon. Pareho silang hindi nakaimik sa sinabi ko at ilang saglit pa ay agad silang nagkatinginan.Napailing na lamang ako sa inasta nilang iyon ay maya-maya ay tinapunan ko ng tingin si Xavier.He was still in the ICU—unconscious and had no idea what was going on around him.Ikinuyom ko ang mga kamao ko habang nakatuon ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong kalagayan niya. Sinabi sa akin ni Mom Celine na kailangan kong magpakatatag at huwag masyadong mag-isip, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang huminahon.I want to see him fully awake.Gusto kong makita ang mga ngiti niya habang hindi niya maalis ang tingin niya sa akin. Gusto kong maramdaman ang pag-aalaga niya habang ipinagbubuntis ko ang anak namin. Kung tutuusin, hindi pa namin ipinapaalam sa kahit na sino ang pagbubuntis ko.Ipinangako namin sa isa't isa na sasabihin namin ang tungkol di
Mattias AvilaIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang nasa kalagitnaan ako ng almusal na iyon. Matagal na panahon na rin nang huli kong maranasan ang ganitong klaseng eksena. Halos sampung taon na rin yata ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko at sa mga panahong iyon ay masasabi kong nakalimutan ko na kung paano ang umasta sa harap ng mga taong malapit sa akin.Hindi kalaunan ay nabasag ang pananahimik ko nang tapikin ako ni Tita Nicole."Kamusta nga pala ang buhay probinsya, iho?" nakangiti niyang tanong. "Yven told me, na marami ka raw inaasikaso roon. Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito at iwanan pansamantala ang trabaho mo."Nagsalita si Jasmine. "Medyo pumayat nga siya, hindi tulad nang huli natin siyang nakita. Baka naman sa dami ng inaasikaso mo ay hindi mo na nahaharap ang sarili mo? Hindi mo ba natandaan ang sinabi sa 'tin ni Kuya Xavier about work?"Bago ko pa man sagutin si Jasmine ay agad na sumabat si Tito Rodolfo."Mattias is perfectly fi
Naya DiazMatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Habang abala akong nagpupunas ng buhok ko ay natigil ako nang mapukol ang tingin ko sa puwesto ni Xavier sa kama namin.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Pakiwari ko ay may sumaksak sa akin ng matalim na kutsilyo sa likuran ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala rito si Xavier sa tabi ko at nandoon siya, nakahiga pa rin sa ICU.Tuluyan ko nang inihinto ang ginagawa ko at hindi kalaunan ay umupo sa gilid ng kama.Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko na hindi ko alam kung kailan nagsimula. Sinusubukan kong magpakatatag at umahon mula sa pagsubok na ito, ngunit tila ba lalong sinusubukan ang tatag ng loob ko.Ilang saglit pa ay agad kong pinunasan ang mga luha ko nang bumukas ang pinto.Iniluwa niyon si Mom Nicole.Right before she spoke, natigil siya nang mapukol ang tingin niya sa akin. Dali-dali siyang
Mattias AvilaDalawang oras na ang nakakaraan simula nang makausap ko si Naya ngunit hanggang ngayon ay tila ba sariwa pa rin ang mga sinabi niya sa akin."Pwede bang humingi ng pabor?""Pwede naman. Depende lang kung kakayanin ko 'yan."Natawa siya ngunit agad din namang nagseryoso. "Can you take care of Xavier? Alam kong kayang gawin 'yon ni Yven. Alam ko rin na hindi siya hahayaan ni Ares at nang iba pa niyang mga tauhan. Pero sa dinami-rami ng mga kalaban niya na nakapaligid sa kanya, gusto ko, sobra pa sa sobra ang mga taong magbabantay sa kanya at sisiguraduhin ang kaligtasan niya."Kung tutuusin, hindi na kailangan ng proteksiyon ni Xavier. Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya sa kahit na sinumang mangahas na magbalak ng masama sa kanya.Pero tama rin naman si Naya.May limitasyon at hangganan din ang lahat ng bagay. Lalo na sa nangyari ngayon sa kanya, paniguradong hindi magdadalawang-isip na magbalak ng masama sa kanya ang mga kalaban niya. Ngunit bukod doon, nasisi
Naya DiazPilitin ko mang matulog at ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Sa puntong iyon ay nananatiling gising ang diwa ko sa kadahilanang gusto kong manatili sa tabi ni Xavier.Kung hindi lang ako pinilit nina Yven at Mom Celine, hinding-hindi ako uuwi. Ayaw kong iwan ang asawa ko dahil baka mapano siya. Baka balikan siya ng mga taong naging dahilan ng nangyari sa kanya.I can't stand to lose him.Bagama't kinakailangan kong magpalakas, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa anak namin na ipinagbubuntis ko, para bang wala akong lakas na gawin iyon.I must do it no matter what, but why is it so hard?Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Bumangon ako sa pagkakahiga at hindi kalaunan ay sumandal sa headboard. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari kanina, lalo na ang naging kalagayan niya nang ilabas siya mula sa building ng kanilang kumpanya.Punit ang kanyang damit dahil sa nangyaring p
Third Person's POVHindi mabali ang ngiti sa mga labi ni Ellisa habang palabas ng eroplano. Hindi niya akalain na sa wakas ay nakauwi na rin siyang muli sa Pilipinas. Sa katunayan ay ilang beses niyang pinag-isipan ang tungkol sa bagay na ito. Ilang beses siyang nagdesisyon at ilang beses siyang um
Xavier IglesiasRight after we enter the lounge room, agad ko na ring ibinaba si Naya mula sa pagkakabuhat ko sa kanya. Matapos kong isara ang pinto niyon ay tinapunan ko siya ng tingin kung saan ay agad niyang tinungo ang kama at doon ay pabagsak na umupo.Napahalukipkip siya kasunod niyon ay ang
Naya Diaz"Xavier!" Sebastian exclaimed. "Anong-""Anong ginagawa ko rito?" malamig na tugon ni Xavier at naglakad patungo sa pwesto namin. "This is my office. Ano pa bang rason kung bakit ako nandito? How about you? What are you doing here when everyone else is outside?"Pagak na natawa si Sebasti
Naya DiazLabinlimang minuto na ang nakalipas simula nang huli kaming mag-usap ni Xavier. Matapos niya akong iwanan at talikuran sa kanyang opisina, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Nakailang text at tawag na ako sa kanya ngunit hindi niya sinasagot ang mga iyon.Nilibot ko na ri







