LOGIN
CHAPTER 1
Sa loob ng isang 5 star hotel sa Cebu ay nabalot ng matangkad, malapad at malakas na katawan ng isang lalaki si Janella Caballero, habang ang maganda at malambot niyang mga binti ay marahang hinahaplos saka marahang pinipisil ng mainit nitong mga palad. Ang bawat dampi at paghamplos nito ay tila kuryenteng dumadaloy sa buong sistema niya.
Ramdam nila ang bawat tibok ng kanilang mga puso at mga paghinga ay sumasalamin ng kanilang pag-iisa.
Ramdam niya ang pananabik nito na akala mo'y leon na handang lumapa ng sariwang laman.
“May I?” mahina ngunit buong wika nito.
Yumuko ang lalaki kay Janella, ramdam niya ang paggalaw ng buhok sa likod ng kaniyang tainga habang nagsasalita ito, at ang mabangong hininga nito’y tumatama sa ilong niya.
Ang labi nitong unti-unting lumalandas patungo sa bibig niya hanggang sa magtama iyon. Nagdikit pa ang kanilang malalambot at mainit na labi na mas lalong nagbigay ng kakaibang sensasyon na nagpabilis ng kanilang paghinga at pagtibok ng kanilang mga puso.
Halos mawala si Janella sa kaniyang sarili. Pakiramdam niya'y liliyab siya sa mga oras na iyon sa hindi malamang dahilan. Bagay na naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata, at mabilis na ipinulupot ang kaniyang malambot at mapuputing mga braso sa leeg ng lalaki.
Hindi alintana ng dalawa ang magulo at nagkalat na mga damit sasahig.
“First time?”
Sa wakas ay napansin ng lalaki ang tensyonadong si Janella, bagay na mapatigil siya.
“Just tell me kung hindi ka kumportable.” Pilit niya itong pinakalma sa malalim ngunit paos niyang boses.
Ang mainit na hininga ng lalaki na dumampi sa kaniyang tainga ay nagpakiliti sa kaniya. Dahilan upang ibuka ni Janella ang kaniyang bibig at kinagat ang balikat ng lalaki sabay sabi, “Continue . . .basta mag-iingat ka”
Napangiti at agad na inabot ng lalaki ang isang kahon sa ibabaw ng mesa na katabi lang ng kama.
“Good.”
Walang kaabag-abag ay itong isinuot sa kaniyang kaibigan. She's his first pero hindi siya inosente sa ganoong bagay. Maamo oo, pero naging mabangis din siya pagdating sa kama sa mga oras na iyon.
Tanging mga ungol ng dalawang hayok sa laman ang namayani sa buong silid. Hindi lang isa, kundi maraming beses nilang dinala sa langit ang isa't isa. Pawisan, habol ang hininga at walang lakas silang nahiga sa kama pagkatapos ng kanilang pagniniig.
*****
ALAS otso na nang gabi kinabukasan nagising si Janella. Pagod ang katawang lupa niya; hindi na niya mabilang kung ilang beses siyanh dinala ng lalaki sa langit.
Halos hindi na maramdaman ni Janella ibabang parte ng katawan niya. Pakiramdam niya'y namanhid ito at halos hindi niya maigalaw.
Gulong-gulo ang utak niya, at pakiramdam niya ay para siyang lumulutang sa hangin at hindi alam kung anong oras at saang lugar siya naroroon.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kumot at naghahanda s'yang bumangon sa kama, nang bigla s'yang napangiwi sa bigat na naramdaman niya sa ibabang parte ng kaniyang katawan.
Dahan-dahan niyang idinako ang paningin sa ibaba, at nakita niya ang braso ng isang lalaki sa kanyang baywang na nakayakap roon
Agad na pumasok sa isip niya ang nangyari sa nagdaang gabi. Bawat minuto, at oras ng mga eksenang nagdaan lahat iyong ay mainit, kapanapanabik at hindi niya mailalarawan.
Nanlambot ang puso niya at biglang namula ang pisngi niya.
Sa naalala lang niya, uminom lang siya ng juice, bago siya nakaramdam ng pagkahilo, agad naman siyang inalalayan ng kanyang kapatid sa ina na si Diana papunta sa isang silid.
At doon ay nakilala niya ang isang lalaki.
Madilim ang naturang silid. Nakapatay ang mga ilaw, kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Isabay mo pa ang pag-ikot ng paligid.
Sunod na lamang niyang naramdaman ay ang isang matitigas na braso ang humila at nagdala sa kaniya sa kama. Pinaliguan siya ng halik, sa di malamang dahilan ay kusa niya iyong tinugunan
It was her first time pero naging mapusok siya sa mga oras na iyon.
Mahusay ang lalaki sa kama. To the point na hindi siya makaarte sa sarap na idinulot nito sa buong pagkatao niya.
Sa totoo lang, gustong-gusto malaman ni Janella kung ano ang hitsura ng lalaking iyon.
Lumingon siya para tingnan ang kabuuan nito. Ngunit bigla siyang natigilan.
Sa oras na iyon, ay 5’2 lang ang height niya at may bigat na lagpas otsienta kaya bigla siyang nabahag.
Naalala niya ang isang grupo ng mga socialites, sa pangunguna ng kanyang kapatid sa ina na si Diana ang nagkutya sa kanya dahil sa pagiging mataba at tinatawag siyang baboy o di kaya'y dambuhala ng mga ito.
Kapag nakapatay ang mga ilaw, pare-pareho ang hitsura ng lahat ng babae; ngunit kapag nakabukas ang mga ilaw, nagiging malinaw ang mga pagkakaiba ng mga ito.
Nag-aalala siya na kung magising ang lalaki at makita siya, pagagalitan at pandirihan siya nito dahil para s'yang siyang bull frog na kumain ng buong daga.
“Aksidente lang naman iyon, kaya bakit mo pa pinag-aaksahan ng oras na isipin ang magiging reaksyon niya?”
Nagpasya si Janella na iangat ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang Itinaas ang braso ng lalaki, na nakadiin sa kanyang baywang, at dahan-dahang itong itinabi.
Nang sandaling dumampi ang kanyang mga talampakan sa malamig na marmol, nanghina ang kanyang mga binti na parang pansit, at muntikan pa siyang matumba.
Naupo sandali si Janella sa gilid ng kama bago muling nakabawi ng lakas ang kanyang mga binti.
Tumingin siya sa magulong sahig at nakita niyang ang dating magandang damit niya ay punit-punit na sa ilang piraso na nagkalat roon.
Hindi rin pinatawad ang kaniyang panloob, napunit ito sa kalahati.
Bagay na dinampot ni Janella ang puting kamiseta ng lalaki at isinuot ito, pagkatapos ay isinuot din ang suit jacket at pantalon ng lalaki.
Isa-isa niyang pinagdadampot lahat ng damit at gamit niya.
Pagdating niya sa pinto, lumingon si Janella at sumulyap sa lalaking nakahiga sa kama.
Nakatalikod pa rin ito sa kanya, at ang brasong nakayakap sa kanya habang natutulog ay nasa labas na ng kumot.
Nakalabas ang likod ng lalaki, ang malapad nitong balikat ay malakas at maskulado, ang mga linya ay kumikipot pababa, at ang payat nitong baywang ay natatabunan pa ng kumot.
Dahil sa naiisip kung gaano kahusay ang paglilingkod sa kanya ng lalaki, may gusto sanang iwan si Janella para rito.
Hinalungkat niya ang kaniyang bag.
Sa panahong ito na uso na ang mga mobile payment, wala na sa ugali niya na magdala pa ng cash.
Isang barya lang ang nakita niya sa bulsa ng kaniyang bag. Ipinagpalit iyon noong minsan s'yang naglaro sa claw machine.
Inilagay ni Janella iyon sa ibabaw ng mesa. Ito ay bilog at kulay pilak-puti, bagay na kitang-kita sa ibabaw ng mesa na kulay pula.
Nakaharap pa ito pataas, kung saan ang itsura ni Rizal ang nakalimbag ay sa ilalim nito ang taong 2001 na siya ring birth year niya.
Pagkatapos ay binuksan ni Janella ang pinto at tuluyan nang lumabas.
Panay pa ang kapa niya sa kaniyang suot dahil hindi ito kasya sa kaniya. Sa halip na sumakay ng elevator, pinili niyang dumaan sa bakanteng hagdanan.
Rinig niya ang bawat lagapak ng kanyang matataas na takong sa sahig habang itinataas niya ang kanyang paa pababa ng hagdan.
Nang marating ang first floor ay may narinig s'yang isang pamilyar na boses ng babae bagay na agad s'yang tumigil at nagtago sa gilid saka tahimik na nakinig. “Ma, huwag po kayong mag-alala, hindi po makakatakas ang baboy na iyon.”
Naglakad si Diana papunta sa elevator, habang nakadikit ang telepono sa tainga, habang kausap ang kanyang inang, si Flor.
“Ma, kagabi, ako mismo ang naglagay kay Janella sa kwarto ni Mister Belton. Si mister Belton ay kasingbigat ni Janella, kaya bagay na bagay silang magsama. Sa laki nilang iyon ay halos magkamukha na sila. Baka nga nasira pa nila ang kama.”
“Bukod sa pagiging mataba, ay kalbo rin ito, mabaho ang hininga, at may tiyan na parang dugong sa sobrang laki. Kapag nagising si Janella at malaman na siya ay sinira ng isang lalaking tulad niya, tiyak na labis siyang masasaktan at aabot sa puntong gusto na lamang niyang tumalon mula sa isang gusali para magpakamatay.”
Taliwas sa inaasahan ni Diana, hindi lamang naramdaman ni Janella na siya ay inabuso, kundi naramdaman din niya na may napala siya.
Naranasan niya ito mismo at alam na alam niya na ang lalaking nakatalik niya kagabi ay mas maganda ang pangangatawan kaysa sa isang modelo. Kaysa tinutukoy ng kapatid.
May eight-pack abs ang lalaking iyon dahil hinawakan niya ang mga ito.Napakatigas ng mga muscle nito at nahawakan din niya ang mga ito.
“Kung mawawala si Janella sa mundong ito, lahat ng ari-arian ng pamilya Caballero ay magiging atin, Ma.”
Ding—, bumukas ang pinto ng elevator, at pumasok si Diana.
Habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa dingding ng elevator, sinabi niya nang may pagmamataas, “Mas maganda ako nang isang milyong beses kaysa sa matabang Janella na iyon.”
“Ang isang matabang babaeng tulad ni Janella ay nararapat lamang makasama ang isang kalbo, mabaho, at lalaking malaki ang tiyan.”
“Hindi kailanman malalaman ni Janella na tayo ang dahilan ng kaniyang dahil pinapalitan natin ng hormones ang mga bitaminang iniinom niya.”
Sumara ang pinto ng elevator, dahilan para hindi marinig ang malakas na tawa ni Diana.
Noong bata pa si Janella, normal ang kanyang timbang, balingkinitan ang mga paa't kamay, at balingkinitan ang pangangatawan.
Mula nang pamunuan ng stepmother ang pamilya, ay lalo siyang tumataba.
Ngayon, sa wakas alam na ni Janella ang dahilan. Gusto ng lahat na pumiga ng malambot na persimmon, ngunit walang sinuman ang nangangahas na humawak ng cactus.
Lahat tayo ay nagkakamali sa unang pagkakataon, kaya bakit natin dapat pahihirapan ang ating sarili para lang mapasaya ang iba
Kapag binato siya ng tinapay, hindi lang siya babato pabalik, kundi babato siya ng tumigas ng semento nang dalawang beses sa mga ito.
Samantala, sa unang palapag ng bahay, abalang gumagawa ng takdang-aralin si Jake, araw-araw iyon na lang lagi ang inaatupag niya. Minsan naglalaro siya ng online games pero alam pa rin niya ang kaniyang priority. Nang mapansin niyang dahan-dahang bumababa si Janella mula sa ikalawang palapag. At nakaalalay si Brielle.Paika-ika itong naglalakad, na para bang bawat hakbang ay may kasamang kirot."Ate, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.Hindi pa man nakakasagot si Janella ay nauna nang magsalita si Brielle. Bahagya pa itong ngumiti at pasimpleng sinulyapan ang asawa."Ikaw na lang ang magsabi sa kapatid mo kung bakit ka paika-ika."Halos mabulunan si Janella., iba ang tono ng pagkabigkas nito kaya napakunot-noo siya.Mabilis niyang binigyan ng masamang tingin ang asawa bago pilit na ngumiti kay Jake"Wala 'yon. Nalasing lang ako kagabi. Nadulas ako at bahagyang naipit ang ugat sa paa ko."Tumango naman si Jake."Ah, kaya pala." "Kaya sa susunod, mag-ingat ka na sa pagla
KINABUKASAN bandang alas-diyes na ng umaga nagising si Janella. Pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad niyang hinanap ang cellphone sa may ulunan ng kama. Ramdam niya ang pasakit ng kaniyang ulo, kaya napahawak siya rito. Ngunit nang makita ang oras sa screen, bigla siyang napabalikwas ng bangon. Ang sakit na kaniyang iniinda ay tila tinangay ng hangin. "Oh my gosh! Mala-late na ako sa trabaho!" Sa sobrang pagmamadali, naihagis niya ang kumot na nakatakip sa kanya, saka mabilis na bumaba ng kama. Tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Brielle mula sa harap ng malaking bintanang salamin. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon habang ang isa nama'y may hawak na tasa ng kape. Bahagya itong napalingon sa kanya bago kalmadong nagsalita. "Sabado ngayon." Natigilan si Janella, tila biglang nahimasmasan ang isip niya. Napakurap siya nang ilang ulit bago napahawak sa noo, napapikit saka nailing. "Ay... oo nga pala." Nahihiya siyang bumalik sa kama at muli
Hindi man sila halos magkasama, subalit kapag nagkita sila, may mga sandaling hindi napapansin ni Janella na unti-unti nang nagiging bahagi ng kanyang buhay ang maliliit na bagay na ginagawa ni Brielle para sa kanya. Mga malumanay na salita. Mga banayad na haplos. Mga gabing hindi siya iniiwang mag-isa. At mga yakap na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na ligtas siya. Kahit sa kalasingan, hinahanap ng puso ng isang tao ang katahimikan at seguridad. At sa gabing iyon, natagpuan ni Janella ang mga iyon. "Sige..." mahina niyang bulong pero halatang ang diwa na lamang niya ang nakakarinig. Sa wakas ay tumigil na rin siya sa pag-aalala tungkol sa malaking itim na "daga." Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata. Ang makakapal niyang pilikmata ay nakalaylay na parang mga pakpak ng paru-paro habang unti-unting dinadala siya ng antok patungo sa mahimbing na pagtulog. Wala na ang makulit, matigas ang ulo, at palaging palaban na si Janella. Sa sandaling iyon, para lamang si
Agad namang napalingon si Brielle. Nakatuon ang kanyang tingin sa mukha ni Janella. Namumula pa ang mga pisngi nito dahil sa mainit na paligo, habang ang mga hibla ng buhok ay bahagyang basa pa. Kumikinang ang mga mata nito sa ilalim ng ilaw, dahilan upang magmukha itong mas buhay at masigla kaysa kanina. "Halika nga rito sandali," bulong ni Janella. Lumapit si Brielle sa pintuan ng banyo. "Ano 'yon?" "Kunin mo naman ang pantulog ko," pakiusap pa nito. "Sige." Tumalikod siya at naglakad papunta sa aparador. Matapos maghalungkat ng ilang sandali, kumuha siya ng isang burgundy na pantulog at ibinalik iyon sa may pintuan ng banyo. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Janella. "Ayaw ko niyan." Napataas ang kilay ni Brielle. "Bakit?" "Masiyado iyang maganda." Napabuntong-hininga si Brielle. "At anong problema doon? Mas okay nga ito eh." "Malay mo, lalo kang mabighani sa akin." Napatawa si Brielle. "Ang taas naman ng confidence mo." Agad naman itong sumiman
“Tinitulungan lang kita para maging kumportable ka.” Naging sagit ni Brielle. “Wehh… baka palusot mo lang iyan…” nagpupungay ang mga matang saad ni Janella. “Baka naman may binabalak ka” “Well, kung meron man, wala namang masama roon dahil ako ang asawa mo." Bahagyang namumula ang mukha ni Janella habang nakatitig kay Brielle. Dahil sa kalasingan, hindi na niya maayos na napoproseso ang mga nangyayari, ngunit malinaw pa rin sa kanya ang isang bagay—ayaw niyang magpatulong. “Kaya ko naman, eh. Ako na lang.” Napabuntong-hininga si Brielle. Alam niyang wala nang saysay ang pakikipagtalo sa isang lasing. Gayunpaman, nag-aalala siya. Baka kung ano pa ang mangyari kay Janella kapag pinabayaan niya ito. "Lasing ka na. Tutulungan na lang kitang linisin ang katawan mo." "Ako na lang." "Baka madulas ka sa banyo." Agad na sumimangot si Janella. "Mas gugustuhin ko pang madulas kaysa magpalinis sa'yo." Sa isip ni Brielle, hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis. Kapag matino
Ngumisi si Janella, parang batang may bagong kalokohan na naiisip. Bahagya niyang itinulak palabas ang dibdib niya, may halong arte at panunukso sa galaw. “Sige… ako na ang mag-aalaga,” sabi niya, halos pabulong, pero malinaw ang intensyon. Maluwag ang suot niyang damit—isang simpleng tela na hindi naman talaga sinasadyang ipakita ang hubog ng katawan niya. Pero sa paraan ng pagtayo niya ngayon, tuwid at may konting diin sa postura, kusang umayon ang tela sa kanya. Umigting ito sa harap, lumapat sa natural na kurba, at sa isang iglap—naging mas kapansin-pansin ang dating ng kanyang katawan. Napahinto si Brielle. Hindi niya napigilang umabot. Pero bago pa man niya tuluyang mahawakan— Umatras si Janella, mabilis at mapaglaro. “Hindi pwede,” sabi niya, may halong tawa sa dulo. “Hindi kita papayagang makalapit.” Natigilan sa ere ang kamay ni Brielle. Parang may hangin na biglang dumaan sa pagitan nila—hindi malamig, pero sapat para gawing awkward ang sandali. Dahan-dahan niy
MAGTATANGHALIAN na nang sa wakas ay matapos ang lahat ng paperworks na binigay ng supervisor ni Janella sa kaniya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya habang inuunat ang kaniyang mga braso sabay ikot ng ulo. Masigla namang lumapit si Adrian sa kaniyang cubicle habang hawak-hawa
KINAUMAGAHAN, maaga pa lang ay naghanda na si Janella para sa unang araw niya sa Sebastian Group. Naantala ng isang araw ang kaniyang pagpasok dahil sa malakas na bagyo noong nakaraang gabi, ngunit sa ikagagaan ng lahat, maayos na ang panahon kinabukasan.Ngayon, handa na siyang pumasok. Suot niya
“HEY, nandyan ka pa ba?” wika ni Lyca na nagpabalik kay Janella sa reyalidad. “Huy, umayos ka nga! Ah basta, ninang ako ng anak mo kaya bilisan n'yo na dahil pupunta na ako sa mall at magsisimulang mamili ng mga gamit ng inaanak ko. Ako na ang bibili ng new born clothes nila at diapers.” Naikunot
BIGLA na namang nakaramdam ng kaba si Janella, dahil hinaplos ng daliri nito ang kaniyang pisngi, na pumukaw ng kaniyang pagnanasa, dahandahan nitong pinadausdos pababa Sa kaniyang leeg, at idiniin ang hinlalaki sa collarbone niya. “Well, did you enjoyed what happened last night?” Diretso an







