Share

Chapter 54

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-07-08 23:54:02

Pagkatapos mag hapunan sa mall, nagpaalam na si Chriztle. Samantalang ang dalawa naman ay dumiretso na ng uwi sa Forbes. Nang makauwi sila ay agad na naghanda si Catherine ng maligamgam na tubig upang maibabad ni Arabella ang kanyang mga paa.

Habang minamasahe niya ang namamanas na paa nito, hindi niya napigilang magtanong.

"May sinabi na ba si Nathaniel kung kailan niya aayusin ang annulment niyo?"

Tuwing nakikita niya ang lalaki, lalo lang nagagalit ang ginang. Dahil malapit nang manganak an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 67

    Nang matapos na si Catherine sa pagluluto, agad itong hinanda ni Gerald sa lamesa. Tinawag na rin niya ang kanilang mga bisita,sabay-sabay silang umupo sa mesa. Isa-isang nilagyan ni Lorenzo ang alak ang kanilang mga baso, sabay itinaas niya ang kanyang baso. "Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Napakalaking biyaya para kay Arabella ang magkaroon ng mga kaibigang tulad ninyo.”Pagkatapos ay tumingin siya kay Lhanze."At lalo na po sa inyo, Professor Lhanze. Maraming salamat sa pagbibigay ninyo sa kanya ng pagkakataong ito."Agad tumayo si Professor Lhanze."Tito ano ka ba, huwag na po kayong magpasalamat. Karapat-dapat naman si Arabella dahil napakahusay naman talaga niya. Ako lang naman ang naging tulay niya pero siya naman ang nagpakita ng kanyang kakayahan."Ngumiti si Lorenzo."Kahit ganoon pa man, utang na loob pa rin namin iyon. Ipagpapatuloy ko ang pasasalamat na ito sa isang tagay."Sabay nilang ininom ang laman ng kanilang mga baso.Pagkatapos ay isa-isa ring nakipagtag

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 66

    Dahil alam ni Arabella na wala naman si Nathaniel sa bahay, sinamantala niya ang pagkakataon para matawagan si Joshua upang kamustahin si Callie. Dahil sa ngayon, si Joshua ang tulay niya para malaman ang kalagayan ng kanyang anak. Kahit abala rin ito sa trabaho ay nagagawa niya pa rin na pagbigyan ang babae sa kanyang mga munting hiling.Hindi nag tagal ay sinagot na ng lalaki ang kanyang tawag. “Hello Josh, asan ka ngayon?” bungad niyang tanong. “Nasa office ako ngayon eh may tinatapos lang, bakit may kailangan ka ba?”“Ah ganun ba, wala naman. Akala ko kasi nasa Forbes ka eh, gusto ko lang sana malaman kung kamusta na si Callie.”“Ay sige mamaya bago ko umuwi, dadaan muna ako roon para tingnan ko si Callie tapos tatawagan kita.”“Sige, maraming salamat ha. Pasensya na rin sa abala.”“Ano ka ba, never ka magiging abala noh.”Matapos ang tawag, napangiti nalang ang babae. Naisip niya na kahit papano may isa mula sa mga Monteverde ang may mabuting puso.Kinagabihan hindi nakalimuta

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 65

    Hindi inaasahan ni Arabella na mag se-send sa kanya si Joshua ng mga picture at video ng one-month celebration ni Callie. Dahil hindi naman siya nanghingi rito, hindi rin kasi siya sigurado kung handa na siya makita ang anak niya ng ganun na kalaki. Hawak niya ang cellphone niya nang bigla itong nagvibrate ulit. Isang message naman galing ulit kay Joshua.Joshua: Ara alam mo ba, laging hinahawakan ni Callie yung regalo mo. Tapos ang ganda lagi ng ngiti niya, siguro alam niyang galing iyon sa mommy niya.Habang pinapanood niya ang masayang ngiti ng kanyang anak, hindi mapigilan na babae na mapangiti rin. Unt-unti na niyang natanggap ang lahat, kahit hindi niya ito makasama araw-araw. Gusto pa rin niyang masubaybayan ang paglaki ng kanyang anak. Tinitigan niya ang mga larawan, halatang-halata na maayos na inaalagaan si Callie. Mukhang talagang mahal na mahal ito ng mga Monteverde. Matapos niyang titigan pa ng ilang minuto ang mga larawan ay muli siyang nag send ng message kay Joshua.

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 64

    Nagpadala si Joshua ng mga larawan ng fireworks kay Arabella.Joshua : Gusto mo bang makita ang bata?Kailanman ay hindi nag tanong si Arabella tungkol sa kanyang anak, alam naman ni Joshua na sinasadya ito ng babae. Takot siyang mas lalo lang siya masasaktan kapag nakita niya ang bata. Pero alam din niyang sa kaibuturan ng puso nito, araw-araw nitong gustong makita ang anak. Matagal na nakatitig ang babae sa message ng lalaki. Pagkatapos ay tahimik siyang bumalik sa kanyang kwarto bago tuluyang sumagot.Arabella: Sige.Sa huli...Hindi niya pa rin kinayang pigilan ang sarili.Ilang sandali lang ay sunod-sunod na ipinadala ni Joshua ang mga litrato ni Callie.May larawan habang mahimbing itong natutulog at ang isa naman ay nakangiti ito. Hindi maipagkakaila na maganda talaga ang kanyang anak.Malalaki ang mga mata nitong kumikislap, at kapag ngumingiti ay nagiging hugis buwan ang mga ito.Maliit ang ilong, mapupulang labi, at maputi ang munting mukha na parang isang mamahaling manika.H

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 63

    Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating ang bisperas ng Bagong Taon.Maaga pa lang ay abala na si Catherine sa paghahanda ng mga lulutuin para sa handaan. Samantala, nagtulungan sina Lorenzo at Gerald sa paglilinis ng buong bahay.Nang araw ding iyon, dumating si Joshua dala ang iba't ibang regalo.Kasama rin doon ang mga pasalubong at mga health supplements na ipinadala ni Sir Jim. Magiliw siyang sinalubong nina Lorenzo at Catherine at agad na tinanggap ang mga dala niya.“Nasa kwarto si Arabella, puntahan mo nalang siya roon.”“Sige po, salamat po.”Kumatok si Joshua bago pumasok sa kwarto.Nakasandal si Arabella sa kama habang tahimik na nagniniting ng scarf. Kulay pink iyon na may maliit na disenyo ng strawberry. Mukhang napakalambot at siguradong mainit isuot.Sa laki pa lang nito, halatang para iyon sa isang bata.Mula nang manganak siya, tuwing walang ginagawa sa bahay ay abala siya sa pagniniting.Napatingin siya kay Joshua at bahagyang ngumiti."Buti naman at dumating ka na

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 62

    Sa napakatahimik na sala, ang tanging maririnig ay ang mahihinang hikbi niya.Hanggang sa tuluyan na siyang napayakap sa sarili at humagulgol.Pagsapit ng tanghali, nakauwi na sina Lorenzo at Catherine. Mabuti nalang at napakalma na niya ang sarili niya. Tahimik na siyang nakahiga sa kwarto niya. Pumasok si Catherine dala ang hiniwang prutas at isang kahon ng bagong lutong chestnut cake, mainit-init pa iyon."Fresh from the oven pa yan, kainin mo na habang mainit pa."Ngumiti si Arabella."Sige po, salamat ma kain na rin po kayo."Nginitian lamang siya ng ginang bago lumabas upang magluto ng tanghalian.Maaga ring nagbakasyon si Chriztle.Bago umuwi sa Manila kinabukasan, dumaan muna siya sa bahay nila Arabella upang dalawin siya.Marami rin siyang dalang mga pagkain at regalo.Kasama rin niyang dumating sina Lhanze at Dominic.Tagaroon din si Lhanze kaya sabay silang uuwi.Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na silang lahat."Arabella.""Pagkatapos ng bakasyon na ulit tayo magkikita."Ngumiti

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 7

    Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 3

    Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahag

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 2

    Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 1

    Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status