Home / Romance / Trapped with Mr. Billionaire / Chapter 107: Unknown Number

Share

Chapter 107: Unknown Number

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-07-21 08:22:00

Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan. Matapos niyang amining hindi niya alam ang isinagot sana kay Emelyn ay wala ng nagsalita sa kanilang dalawa. Hindi na rin siya nagsalita pa kasi ayaw na niyang kulitin pa siya ni Tyron at hindi niya alam kung anong isasagot niya.

Hindi na muling lumingon si Lorraine kay Tyron. Sa halip, ibinaling niya ang tingin sa bintana.

Sunod-sunod na dumaraan ang mga gusali, mga puno, at mga sasakyan sa kabilang lane. Paminsan-minsan ay sumasalamin sa salamin ng bin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 108: Another Text

    Nanatiling nakatitig si Lorraine sa screen ng kaniyang cellphone. Nasa screen pa rin niya ang text message na yon.I hope you won't misunderstand my visit today. We should talk again sometime. — EmelynIlang beses na niya iyong nabasa. Hindi na nga niya mabilang sa totoo lang. Parang hindi niya kasi ma-gets ang text na yon kahit ilang beses niyang ulit-ulitin basahin.Wala namang masamang nakasulat sana diba? Wala ring bahid ng pananakot o pang-iinsulto. Kung tutuusin, magalang pa nga ang text nito sa kaniya. Ngunit sa kung anong dahilan ay mas lalo siyang hindi mapalagay.Hindi niya alam kung magre-reply ba siya o hindi. Idagdag pa na mas na-stress siya kasi wala siyang marinig na kung anong ingay kwarto niya. Maririnig lamang ang mahinang huni ng mga kuliglig mula sa garden. Nakasindi pa rin ang maliit na bedside lamp, sapat lamang upang bigyan ng mainit na liwanag ang kuwarto.Napadako ang tingin niya sa maliit na mesa sa tabi ng bintana. Naroon pa rin ang vase ng mga sunflower. M

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 107: Unknown Number

    Nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan. Matapos niyang amining hindi niya alam ang isinagot sana kay Emelyn ay wala ng nagsalita sa kanilang dalawa. Hindi na rin siya nagsalita pa kasi ayaw na niyang kulitin pa siya ni Tyron at hindi niya alam kung anong isasagot niya.Hindi na muling lumingon si Lorraine kay Tyron. Sa halip, ibinaling niya ang tingin sa bintana.Sunod-sunod na dumaraan ang mga gusali, mga puno, at mga sasakyan sa kabilang lane. Paminsan-minsan ay sumasalamin sa salamin ng bintana ang papalubog na araw, pinapakulayan ng kahel ang buong paligid.Ngunit wala siyang tunay na nakikita. Parang hindi niya napapansin talaga kung anong nakikita ng mata niya. Abala ang isip niya sa mga salitang binitiwan niya ilang minuto lang ang nakalipas. Hindi niya alam kung magsisisi ba siya sa mga sinabi niya o hindi eh. Ewan ba punong-puno ang utak niya."Hindi ko rin alam."Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Pwede naman siyang magsinungaling siya at sabihing h

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 106: Hindi Ko Rin Alam

    Tahimik na nagsara ang pinto ng café matapos umalis ni Emelyn. Naiwan si Lorraine sa kaniyang kinauupuan. Hindi pa rin niya namamalayang hindi na niya nahawakan ang tasa ng kape mula nang umalis ang babae.Unti-unti na itong lumamig.Manipis na usok na lamang ang natitira kanina, at ngayo'y tuluyan na iyong naglaho.Nakatitig lang siya rito.Sa paligid niya ay nagpapatuloy ang normal na takbo ng hapon. May marahang kalansing ng mga kubyertos. May mahinang tawanan mula sa kabilang mesa. May baristang tumatawag ng order sa counter.Lahat ay normal lang ngunit parang malayo ang lahat ng tunog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sinabi ni Emelyn."Take care of him."Mahina siyang napabuntong-hininga.Bakit iyon ang huli niyang sinabi?Hindi ba ito galit? Hindi ba ito nasasaktan? Hindi ba nito gustong bawiin si Tyron? Kung ganoon bakit tila wala siyang naramdamang galit mula rito?Mas lalo lamang siyang nalito. Mas madali sanang unawain ang sitwasyon kung naging masama ang ug

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 105: "Do you love him?"

    Huminto si Lorraine sa mismong tapat ng school gate. Ilang metro lamang ang layo niya sa babaeng naghihintay sa tabi ng mamahaling puting sasakyan. May ilang estudyanteng napapalingon habang dumaraan. May ilan ding palihim na sumusulyap sa sasakyan, marahil ay dahil sa mamahaling tatak nito o sa elegante nitong may-ari.Ngunit wala sa mga iyon ang napapansin ni Lorraine. Nakatitig lamang siya sa babaeng nasa harapan niya, si Emelyn. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.Hindi siya agad lumapit dito pero hindi rin siya tumalikod. Nakatayo lamang siya roon, tila hinihintay ang susunod na mangyayari.Bakit siya nandito? Hinahanap ba niya si Tyron? Saglit siyang huminga. O ako? Pero natural na ako ang hinahanap niya kasi wala naman dito si Tyron.Marahang inalis ni Emelyn ang suot nitong sunglasses. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang magtagpo ang kanilang mga mata."Miss Lorraine?"Napakurap siya at bahagya siyang tumango."Ako nga po. Hi!"Ngumiti si Emelyn pero tipid lang an

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 104: She's Waiting

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang papalayo sila sa Zaragoza Mansion. Hindi iyon ang nakakailang na katahimikan. Ngunit hindi rin iyon katulad ng mga nakasanayan nilang biyahe nitong mga nakaraang araw. Hindi siya mapakali kahit na katabi lang sana niya si Tyron. Ang utak niya kasi ay parang naiwan lang sa mansion kasama doon sa babaeng nakausap ni Tyron kanina. Pero kahit ganon ay pinipilit niyang pakalmahin ang sarili lalo na at papasok siya sa trabaho, ayaw niyang magbitbit ng kung anong problema sa skwelahan at baka madamay pa niya ang mga bata.Sa labas ng bintana, unti-unti nang nagigising ang siyudad.Hindi pa ganoon kabigat ang traffic. Iilan pa lamang ang mga sasakyang bumabaybay sa malapad na kalsada. Ang manipis na sinag ng araw ay tumatama sa windshield, dahilan upang paminsan-minsang kumislap ang liwanag sa loob ng kotse.Mahina ang tugtog mula sa radyo. Isang lumang instrumental piece ang marahang pumupuno sa katahimikan. Tahimik na nakatanaw si Lorraine sa bintana. Ng

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 103: The Third Person

    "I hope you don't mind..." Bahagyang lumawak ang ngiti ni Emelyn. "I'd like to borrow Tyron."Hindi magawang sumagot ni Lorraine. Anong sinasabi nitong gusto nitong hiramin si Tyron? Pinipilit na lang niyang huwag maitaas ang kilay niya at baka sabihing nagmamaldita siya. Parang sa isang iglap ay huminto ang buong paligid. Wala ni isa sa kanila ni Tyron ang nagsalita. Ni hindi rin naman niya alam kung anong isasagot niya. Kaya iniwas na lang niya ang tingin niya at baka kung ano pa ang masagot niya sa babaeng to. Wala talaga siyang pakialam kahit na mas maganda pa ito sa kaniya.Maliwanag ang umaga. Banayad ang sikat ng araw na tumatama sa malalawak na damuhan ng Zaragoza Mansion. May ilang maya na dumadapo sa mga palumpong, saka muling lumilipad habang naghahabulan sa himpapawid. Mas mas gusto na lang niyang maging ibon sa mga oras na ‘to para makalipad siya papalayo sa dalawang ‘to.Sa kabilang dulo ng hardin, abala ang hardinero sa pagdidilig ng mga rosas. Marahan ang tunog ng tub

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 29: Hapdi

    Isang marahang halik sa noo ang unang gumising kay Lorraine.Napakunot siya ng noo habang unti-unting bumabalik ang kaniyang kamalayan. Pakiramdam niya ay napakasarap ng tulog niya. Para bang matagal na panahon na rin s

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 5: The Negotiation

    Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 4: The Deal

    Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 3: The Viral

    Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status