Share

Chapter 5

Author: Real Silient
last update publish date: 2025-10-28 20:09:29

Isabela’s POV

Tinitigan ko siya nang maigi.

Habang nagsasalita si Mommy, parang may pader sa pagitan namin, makintab, maganda sa labas, pero sobrang lamig sa loob.

Lumunok ako, pinipigilang magtanong ng mga bagay na matagal ko nang gustong itanong.

Akala ko ba iniwan mo ako kasi kailangan mo magtrabaho para sa amin?

Ngayon ko napagtanto na mas mahal mo ang buhay na meron ka kaysa sa anak mong naiwan?. Ngunit di ko iyon mabulalas.

Nilingon ko siya muli. Nakangiti pa rin siya, parang walang mabigat na bagay sa mundo. Ang mga daliri niya ay may suot na mamahaling singsing, kumikislap tuwing tatama ang liwanag mula sa windshield.

Naalala ko tuloy ang mga gabing mag-isa ako sa bahay ni Lola, ang mga panahong tinititigan ko ang lumang litrato ni Mommy habang tinatanong ang sarili kung naaalala pa ba niya ako. Bakit di pa rin siya dumadalaw.

Hanggang tumatagal, parang unti-unti nawala na rin ang pag-asam kong makita siya.

“Anak, okay ka lang?” tanong niya bigla nang mapansin niyang tahimik ako.

Ngumiti ako, pilit. 

“Opo.”

Pero sa loob-loob ko, gusto kong isigaw, Hindi ako okay, Ma. Hindi mo ako kilala. Hindi mo nga kayang ipagmalaki na anak mo ako.

Bumaling ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw sa daan na mabilis na dumadaan sa salamin. Para silang mga alaala, dumadaan, kumikislap sandali, tapos nawawala rin. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kame sa mansyon dahil sa lalim ng aking iniisip.

Pagkapasok namin sa mansyon, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng aircon na bumungad sa akin, pero mas malamig ang presensyang naroon.

Si Liam, nakatayo sa may foyer. Ang mga kamay niya ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon, ang postura niya ay tuwid, mahinahon, pero may kakaibang bigat sa paligid kapag nandiyan siya. 

“Baby! You are home. Akala ko mamaya ka pa uuwi” malambing at excited na bati ni Mommy dito, sabay lapit at halik sa pisngi nito.

Liam barely moved. Tumango lang siya, saka marahang tumingin sa akin.

“ Maaga natapos ang trabaho namin ni Adrian kaya nakauwi ako agad.” sagot niya pero ang mata ay nasa akin.

Napahigpit ako ng hawak sa paper bag na bitbit ko. Hindi ko maipaliwanag, pero bawat sulyap niya ay parang nakakabasa ng mga lihim na pilit kong itinatago. Yung titig niya, hindi bastos, hindi rin malambing. Pero may kung anong lalim.

“Magandang gabi po. “ awkward na bati ko. Halos di lumabas sa bibig ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang malapad  na balikat niya. At dahil nakabukas pa ang unang dalawang butones ng polo niya, kita ko ang guhit ng leeg niya at ang dibdib na kay tigas at tila sarap haplusin. 

Natigilan ako sa aking iniisip at ipinilig ang aking ulo.

“ Akyat na po ako” sabi ko agad, halos hindi na naghihintay ng sagot.

Pero bago ako makalakad, natigilan ako nung marinig ko ang boses ni mommy.

“Liam baby, tulungan mo naman ako na dalhin ito sa kwarto ni Isabela, pleaseeee… ” utos ni Mommy habang tinatanggal ang suot niyang heels.

“Napagod ako sa buong araw na kakaikot namin ni Isa.” dagdag nito. Hinimas himas pa niya ang braso ni Liam at dinikit pa ang dibdib niya dito. 

Umasim ang mukha ko ang kinabahan. Ayokong pumasok siya sa aking kwarto. Hindi ko alam, ngunit naiilang ako.

“H–hindi na po kailangan, Mommy! Kaya ko na.. Akin na po lahat ng yan” mabilis kong tanggi, pero huli na.

Bago ko pa mapigilan, mabilis niyang kinuha ang dala dala ni mommy at naglakad na siya papunta sa hagdan. Napilitan akong sumunod.

Habang paakyat kami, tahimik lang. Tanging tunog ng hakbang at mahinang paglangitngit ng kahoy sa ilalim ng paa namin ang maririnig.

Pero sa bawat hakbang, parang mas bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pagdating sa tapat ng kwarto ko, tumigil siya at tumingin sa akin. Eto na namang kaba, walang tigil.

Pinanlaki ko ang aking mata tila nagtatanong bakit siya nakatitig. Dahil sa totoo lang sa bawat titig niya ay parang tambol lagi ang aking dibdib. 

“Open the door for me so I can put these inside” mahina niyang sabi. 

“ Ow, s-sorry” taranta kong binuksan ang pinto. 

“Where should I put these?” tanong niya.

“ Sa may kama na lang po” Nilapag niya lahat ng mga paper bag sa kama. 

“Salamat po,” nahihiya kong sabi. Sabay lapag din doon ng mga dala kong bag. Tumango lang ito at naglakad palabas. Ngunit bago pa niya narating ang pinto muli akong nagsalita.

“Thank you too… for not telling Mommy about last night.”

Huminto siya sandali, humarap sa akin at bahagyang nag-angat ng tingin.

“Next time, try not to fall… on me.” diretso niyang sabi.

“ Malaki ang gate. Hindi mo kailangang magmukhang magnanakaw para lang makapasok sa loob. “

Nag-init ang pisngi ko. Gusto kong magpaliwanag, pero wala akong masabi.

Tumingin siya sa akin, diretso, pagkatapos tila natigilan. 

“ You look more beautiful without your glasses. Your mother made a great choice” pagkatapos hinila nito ang pinto at lumabas.

Tulala at namumula lalo, napahawak ako sa dibdib ko.

Ramdam ko pa rin ang tibok ng puso kong parang hinahabol ang bawat hinga. At isang tanong ang gumugulo sa utak ko. 

“ Bakit lagi akong kinakabahan tuwing nakikita ang stepfather ko, at bakit ganoon na lang ang takot ko sa kanya lalo na sa tuwing nagsasalubong ang mga mata namin?” 

“ May sakit sa puso na ba ako?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 390

    Isabela’s POVAng simoy ng hangin ay may kasamang alat at bango ng kalikasan, humahaplos sa aking mukha habang pinagmamasdan ko ang malawak at kulay-turquoise na dagat. Narito kaming lahat ngayon sa isang napakaganda, eksklusibo, at pribadong isla na isa sa mga properties na binili ni Liam at pinaganda para sa binyag ng aming bunsong anak.Matapos ang solemn na seremonya sa tapat ng dalampasigan kung saan ang mismong tunog ng mga alon ang nagsilbing background music, lumipat ang lahat sa isang marangyang open-air pavilion. Ang buong paligid ay pinalalamutian ng mga mamahaling puting bulaklak at mga baging, na perpektong bumagay sa puti at gintong tema ng selebrasyon.“Ang pogi naman ng inaanak ko, natutulog na parang anghel,” narinig kong wika ni Mutya habang nakadungaw sa duyan kung nasaan si Lisean.“Siempre mana sa ninong,” nakangiting sagot ni Casey habang marahang hinahaplos ang kaniyang sariling tiyan na ngayon ay kapansin-pansin na rin ang umbok. Sabay haplos sa pisngi ni Hudson

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 389

    Liam’s POV“Doc, baka naman po pwedeng turukan niyo pa si Isabela ng painless? Kahit ano pong pampakalma sa sakit!” Halos hindi ako makahinga habang sumisigaw sa doktor, habang ang sarili kong mga kamay ay nanginginig sa takot.Pakiramdam ko ay mas namumutla pa ako kaysa sa asawa ko. Kitang-kita ko ang naglalakihang butil ng pawis na bumabagtas sa noo ni Isabela habang pilit siyang umiiri. Ngunit hindi man lang pinansin ng doktor ang pakiusap ko, nanatili itong nakapokus sa ginagawa at patuloy na inasikaso ang panganganak ng aking asawa.Nasa loob kami ng delivery room ngayon. Buong-tapang kong pinanindigan ang pangakong sasamahan ko siya sa loob, ngunit sa totoo lang, parang madudurog ang puso ko sa bawat segundong lumilipas. Ang kamay ko na hawak-hawak niya ay halos magkapira-piraso na ang mga buto sa tindi at higpit ng kanyang kapit sa tuwing dumarating ang hilab.“Mhine... Isabela, I'm here. Nandito lang ako,” nauutal at nanginginig ang boses na pagpapakalma ko sa kanya, kahit an

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 388

    Isabela’s POVNauna kaming nagpaalam ni Liam sa reception dahil na rin sa bigat ng aking katawan. Ngayon, pagod akong naupo sa sofa na malapit sa kama ng aming hotel room. Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyang pinatutuyo ang aking basang buhok gamit ang tuwalya. Si Mommy at ang munting si Maeva ay magkasama na sa kabilang kuwarto at mahimbing nang natutulog, habang ang kapatid ko namang si Kuya Sean ay ewan ko kung nasaan at may sarili na namang mundo.Mag-aalas diyes na ng gabi. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok, lumipat ako sa harap ng vanity mirror upang magsuklay. Ngunit pagkalapag ng aking suklay, biglang napatigil ang kamay ko.May dalawang pamilyar na bagay na nakapatong sa ibabaw ng mesa.Dahan-dahan kong ibinaba ang suklay, nanginginig ang aking mga daliri habang pinupulot ang dalawang magkaibang customized bracelets. Nanlaki ang aking mga mata, at ang aking puso ay nagsimulang tumambol nang napakabilis sa halo-halong kaba at gulat.“Hindi ba’t... bracelet ko ito? At kay

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 387

    Isabela’s POVMatapos ang isang napakagandang seremonya sa simbahan, lumipat ang lahat sa reception venue para sa pagpapatuloy ng selebrasyon. At ganoon na lang ang laglag-panga kong paghanga nang tuluyan kaming makapasok sa bulwagan.Napakalawak ng espasyo at tila ba dinala kami sa isang mahiwagang kagubatan sa Europa. Ang buong paligid ay nababalutan ng nakatutuwang tema nina Casey at Hudson, isang perpektong timpla ng olive green at kalikasan. Sa labas pa lang, isang eleganteng madilim na berdeng welcome signboard na pinalalamutian ng mga sariwang kulay-pish na rosas ang sumalubong sa mga bisita. Pagpasok naman sa loob, isang mahabang arko na gawa sa makakapal na berdeng dahon at maliliit na puting bulaklak ang nagsilbing daanan, na nagbibigay ng pakiramdam na naglalakad ka sa isang tagong paraiso.Ang mga mahahabang mesa para sa mga bisita ay nababalutan ng mamahaling telang olive green. Sa gitna niyon ay ang mga naglalakihang plorera na puno ng mga puting rosas, mga ligaw na dah

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 386

    Liam’s POVDumagundong ang malalim at solemn na tunog ng organ sa buong sulok ng lumang simbahan, hudyat para sa pagsisimula ng wedding march. Ang lahat ng mga bisita ay sabay-sabay na tumayo, bakas ang mga ngiti at pananabik sa kanilang mga labi habang nakatitig sa pinto ng simbahan.Bilang best man, nauna na akong nagmartsa sa unahan kasama ang iba pang abay. Habang nakatayo sa tabi ng altar at nakamasid sa wedding entourage, hindi ko mapigilan ang labis na galak sa aking dibdib, lalo na nang dumating ang pagkakataon para sa mga flower girl.Doon, naglalakad nang dahan-dahan ang aking munting prinsesa, si Maeva. Nakasuot siya ng isang napakagandang olive green na bestida na may ribbon, isang napakarikit na obrang gawa mismo ng kanyang ina. Seryosong-seryoso ang mukha ng anak ko habang maingat na kumukuha ng mga talulot ng bulaklak sa kanyang basket at isinasaboy ito sa mahabang carpet.Nang mapansin niya ako sa unahan, saglit na sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang m

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 385

    Isabela’s POVToday is the day. Narito kaming lahat ngayon sa Tagaytay para sa kasal nina Casey at Hudson.Sinalubong kami ng lungsod ng isang napakagandang panahon, malamig at presko ang simoy ng hangin na humahaplos sa balat, habang ang sikat ng araw naman ay banayad at hindi nakasisilaw, tila nakikisa sa selebrasyon ng pag-ibig ngayon. Malayo sa maingay at mausok na siyudad, ang pangkalahatang vibes dito sa resort ay napakapayapa ngunit puno ng romantikong enerhiya. Rinig mula sa labas ang banayad na tugtog ng instrumental na mga awitin na lalong nagpapaganda sa selyo ng umaga.Ngunit sa likod ng kalmadong tanawin ng Bulkang Taal, abalang-abala ang lahat ng tao. Sa labas, makikita ang mga florists at decorators na mabilis at pulidong inaayos ang mga arko ng naglalakihang puting rosas at pastel na mga bulaklak. Ang mga photographers at videographers naman ay pabalik-balik bitbit ang kanilang mabibigat na kagamitan, sinisigurong walang makakaligtaang anggulo. Maging ang mga kasama

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 359

    Liam’s POV“Adriane, kumusta ang ongoing projects diyan?”

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 354

    Liam’s POVKagagaling ko lang sa isang tensyunadong board meeting. Halos liparin ko ang daan patungo sa mansyon ni Tita Amanda dahil alam kong ito na ang huling gabi ni Isabela bago siya bumalik ng Milan.

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 352

    Isabela’s POVBukas ng gabi na ang flight ko pabalik ng Milan. Habang papalapit ang oras, tila lalong bumibigat ang bawat hakbang ko.Narito kami ng

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 351

    Isabela’s POVIlang araw na rin ang mabilis na lumipas simula nang bumalik ako sa Pilipinas. Sa kabila ng init at gulo ng Maynila, nahanap ko ang kapayapaang matagal kong hinanap sa piling ni Liam at Maev

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status