Matapos ang klase, dumeretso ako sa student canteen para bumili ng iced coffee. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa maliit na papel na may nakasulat na numero ni Roxie."O, pre, mukhang malalim ang iniisip natin, ah?" biglang akbay sa akin ni Justine, isa sa mga kabarkada ko rito sa campus. "Hulaan ko—dahil ba sa transferee natin na si Roxie?""Gago, hindi," depensa ko agad sabay bulsa sa papel. "Iniisip ko lang kung paano ko gagawin 'yung market analysis. Mukhang terror si Mr. Soriano ngayong sem.""Sus, kunwari ka pa. Pero seryoso, Kairo, balita ko galing sa isang kilalang pamilya sa Maynila 'yang si Roxie, kaso biglang lumipat dito sa Pampanga ngayong school year. Mailap talaga 'yan. Marami nang nagtangkang kumuha ng social media niyan kaninang umaga, pero ni isa walang pinansin." Umiling si Justine habang sumisipsip sa kaniyang juice. "Kaya swerte mo, naging kapartner mo sa project.""Swerte? Parang minalas nga ako, pre. Napaka-sungit," biro k
Read more