Putsa. Parang biglang huminto ’yung ikot ng mundo ko nung marinig ko ’yung bulong ni Roxie. Tiningnan ko siya sa passenger seat, at literal na bumalik ’yung pamumutla ng mukha niya gaya nung nasa storage room kami kanina. Nanginginig na naman ’yung mga daliri niya habang nakahawak sa strap ng bag niya."K-Kairo... anong gagawin natin? Bakit nandiyan si Papa? Sabi niya next week pa ang uwi niya," natatarantang bulong niya, halatang takot na takot.Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Huwag kang mag-alala, Ventura. Ako ang bahala. Huwag ka munang aalis sa tabi ko," seryosong sabi ko sa kaniya habang dahan-dahan kong pinapatay ang makina ng Audi ko.Sabay kaming bumaba ng kotse. Pagkatapak ko sa semento, naramdaman ko agad ’yung napakabigat na aura ng Papa ni Roxie—si Mr. Ventura. Nakatayo siya doon, nakapamulsa ’yung isang kamay, habang ’yung matatalim niyang mga mata ay seryosong nakatitig sa amin. Sa tabi niya, nakatungo lang ’yung driver at ang dalawang kasambahay
Baca selengkapnya