Kinabukasan, pumasok ako sa school na medyo maganda ang gising. Hindi ko alam kung dahil ba masarap ang agahan na niluto ni Ate Faith, o dahil may inaabangan lang talaga akong asaran sa Business Economics class namin ngayong umaga.Pagpasok ko pa lang sa classroom, maingay na naman ang mga tropa ko sa likod."O, pre! Dumating na ang pinagpala ng linggo!" hiyaw ni Justine sabay akbay sa akin nang maupo ako sa tabi niya. "Kamusta ang pakikipag-chat kagabi kay Ms. Academic Excellence? Sinungitan ka ba o sinungitan ka nang malupit?""Gago, natural na pag-uusap lang tungkol sa project," natatawang sagot ko sabay bagsak ng bag ko sa sahig. "Masyado kayong excited. Business purposes lang, okay?""Sus, business purposes pero parang iba ’yung ngiti mo ngayon, Kairo, ah? Ano, Pre? hulog ka na ba?" asar naman ni Mark mula sa harap ko.Bago ko pa sila mabatukan, pumasok na si Roxie sa pinto. Tulad kahapon, simple lang ang suot niya—isang light blue na button-down shirt at slacks, pero lutang na lu
اقرأ المزيد