Pilit na napawi ang ngiti ko, pero pinilit ko pa ring ibalik iyon kahit na parang pinipiga ang puso ko. “S-Sabi ko nga...”Inayos niya ang kaniyang sweatpants at sumulyap sa kaniyang relo. “Kailangan ko nang bumalik sa Fenelleré Hotel, kaya iiwan muna kita.”Akmang tatalikuran niya na ako noong mabilis akong nagsalita, bago pa man siya tuluyang maglaho sa paningin ko.“Dito ka umuwi sa penthouse.”Napatigil siya sa paghakbang.“Pagkatapos ng Gala... dito ka matulog, Ali. Hihintayin kita pag-uwi mo rito mamaya. Kahit anong oras, mag-aabang ako,” pagsusumamo ko, halos mapaos ang boses ko dahil sa pangungulila ko sa kaniya na makatabi man lang siya sa kama pagkatapos ng dalawang linggo na hindi kami nagkita.Hinarap niya ako nang buo. Walang emosyon ang kaniyang mukha, tila ba hindi niya nakikita ang pamumula ng mga mata ko.“Hindi ako uuwi rito, kaya huwag ka nang mag-abala na hintayin ako,” walang pag-aalinlangan niyang p
Read more