MIKYLA POV '"SO, ibig sabihin, stranded pa rin ako sa bahay mo nang ilang linggo? Hyasst, ano ba naman iyan, excited pa naman akong makalabas ng mansion para makasama ang mga kaibigan ko." naiinis kong sagot kay Arif "I think, hindi muna mangyayari iyan. Lalo na at bukas ng tanghali ang flight natin patungo sa bansang Canada for our honeymoon." nakangiti niyang sagot sagot sa akin Muling nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla "Honeymoon? Hindi nga? Are you serious? Bakit kailangan may honeymoon pa?" gulat kong bigkas. "Pakana ni Lolo at alam mo na kung ano ang reason. Gusto niyang makabuo kaagad tayo. Gusto niyang magka-apo kaagad sa atin." seryosong wika ni Arif sa akin Pakiramdam ko ng sandaling ito, biglang bumigat ang puso ko. Apo? Shit, oo nga pala, iniexpect ng matanda na makita kaagad niya ang apo niya sa aming dalawa ni Arif. Pero, paano mangyayari iyun kung wala naman sexual na mamamagitan sa aming dalawa Anong apo ang pwede naming ibigay sa kanya. "Magpahing
Read more