MIKYLA POV "USO ang kabit sa pamilya nila? At ayos lang?" paglilinaw ko kay Zyra. Diyos ko, paano ba ako nahantong sa ganitong sitwasyon. Ibig palang sabihin nito, ang nakita ko kanina ay normal lang? Na wala lang sa kanila ang pagtataksil basta maitago lang nila ng maayos at malinis na apelyedo? My God..hindi ko kaya iyun! Feeling ko tuloy, ayaw ko nang magpakasal kay Arif. Pakiradamam ko, unti-unting gumuho ang lahat ng paniniwala ko tungkol sa pag-aasawa. Kung ganito naman pala ang mundo ni Arif, paano ko haharapin ang kasal na kasama siya? "Yes, normal lang sa kanila iyan. Pero, siyempre, kailangan pa rin nilang itago sa madla. Lalo na at iniingatan nila ang pangalan nila." seryosong wika niya "At ayos lang din sa iyo noong magkarelasyon pa kayo ni Arif?" seryosong tanong ko sa kanya "Siyempre, hindi..kaya nga pumatol ako sa bodyguards ko eh." sagot niya Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi. Tsk, grabe, kung ganoon, nakakahawa pala ang pagiging m*****g. Siguro dahil sa k
Read more