MIKYLA POV "MIKYLA, nasaan ka ngayun? Sino ang may sabi sa iyo na pwede kang lumabas?" muling tanong sa akin ni Arif. HIndi ko tuloy mapigilan ang mapakagat labi. KUng ganoon, totoo pala talaga ang sinabi sa akin ni Jules. Nalaman nitong si Arif na umalis ako at heto siya, hinahanap niya ako ngayun. '"Nag rides lang...tsaka, babalik din naman ako mamaya." sagot ko sa kanya na may halong pagkayamot sa tono ng boses ko. "MIkyla-----" "Arif, minsan lang naman ito. Tsaka, pwede ba, huwag ka nang magalit. Wala ka na din namang magagawa dahil nasa labas na ako eh. Kung ako sa iyo, matulog ka na lang dahil bukas ng umaga, nandiyan na ako. Makikita mo ulit ako." putol ko sa sasabihin pa sana niya. Alam ko kasing pagagalitan niya lang ako eh. Well, manigas siya. Basta ako, heto, nag-eenjoy. "Umuwi ka ngayun din dito sa mansion." pautos na muling wika niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid. "Eh, ayaw ko...at kahit na ano ang gawin mo, hindi mo ako mapipilit." sagot ko din
Magbasa pa