MIKYLA POV “Amm, I'm sorry po, Sir! Naaawa lang po ako sa inyo kasi, iniwan po kayo ng kakambal ko.” labas sa ilong kong sagot. Well, bakit ba napahirap magkunwari na naaawa ka sa isang tao na hindi naman talaga kayo closed? Pakialam ko ba dito kay Arif Fulgencio na ito? Sino ba siya? Basta ang alam ko, ekis na ang kasal niya sa kakambal ko. Ibig sabihin, hindi ko na siya magiging bayaw. Sabagay, ayaw ko din ng magiging brother-in-law na mukhang walang takot kung pumatay ng tao. Maraming kaaway at nakakatakot at baka madamay pa kami. “Tsk, hindi iyan ang nakikita ko!” yamot na sagot naman niya sa akin Sila Mommy at Daddy, parehong hilaw na napangiti. Pareho marahil nila naramdaman ang tension na namagitan sa aming dalawa ni Kuya Arif ngayun kaya naman, muli ko nang inilihis ang topic. Muli kong hinarap sila Mommy at Daddy dahil nag-aalala ako sa motor ko. Bahala na iyun si Zyra sa buhay niya, malaki na siya para magdesisyon sa mga bagay-bagay. Ang motor ko ang inaalala
Magbasa pa