Dumungaw ang liwanag ng umaga sa pagitan ng mga kurtina, ngunit walang dalang init ang bagong araw. Maaga akong nagising at hindi ko alam kung paano at kailan ako nakatulog. Marahil sa paghihina. Marahil din sa sobrang pag-iisip.Sa tabi ko, dahan-dahang gumalaw si Carter. Hawak ang kanyang ulo na tila ba binabayo ng matinding hangover, dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama.Napabaling ang kanyang tingin sa akin. Hinintay ko ang pagsusumamo, ang emosyon, o ang mga salitang binitawan niya kagabi tungkol sa kanyang nararamdaman. Subalit, blangko ang kanyang mukha. Ang mga mata niya ay bumalik sa dati nitong estado—malamig, madilim, at walang pakialam.“Ipagtimpla mo ako ng kape, Adelina. Sumasakit ang ulo ko,” malamig niyang utos bago tumayo at dumiretso sa banyo nang hindi man lang ako muling nililingon.Nakahinga ako nang maluwag kasabay ng isang mapait na ngiti.Nakalimutan niya.Lasing lang siya kagabi.Dahil sa tindi ng alak kagabi, tila ba naglaho na parang bula ang lahat ng k
Read more