Humampas sa aking balat ang pamilyar na init ng Maynila pagkalabas na pagkalabas namin ng paliparan. Limang taon. Limang taon na ang nakalipas mula nang lisanin ko ang bansang ito na duguan, luhaan, at halos mamatay sa tindi ng dinalang sakit sa dibdib. Pero ngayon, nagbalik ako na iba na ang pagkatao. Naka-sunglasses ako, nakasuot ng isang eleganteng coat, at diretso ang tingin habang hila-hila ang aking maleta. Sa bawat yapak ko sa sahig ng paliparan, marami ang napapalingon—marahil ay nagtataka kung sino ang sopistikadang babaeng ito na tila may pagmamay-ari sa bawat sulok na dinadaanan niya. “Mama, look! There are many cars!” masayang turo ng apat na taong gulang kong anak na si Calista habang nakakapit siya kay Kaito. “Yes, baby. This is the Philippines. Huwag kang lumayo kay Tito Kaito mo, ha?” malambing kong sagot sa kanya, ngunit nananatiling alerto ang aking mga mata sa paligid. “Don’t worry, Adelina. Walang nakakaalam na may anak ka at bumalik ka na sa Pilipinas ka
Read more