WINONA’S POV Monday morning. Maaga akong pinatawag sa President’s Office. Kaya ngayon, tahimik akong nakatayo sa harap ni Rafael Villarreal habang hinihintay kung bakit ako narito. Halos kasisikat lang ng araw, pero mukhang kanina pa siya gising. Nakasandal siya sa high-back chair, relaxed pero intimidating pa rin ang presensya. His sharp eyes were fixed on me, as if quietly evaluating something. Sandali akong lumunok. “Good morning, sir,” mahinang bati ko. Tumango lang siya. “Good morning.” May ilang segundo ng katahimikan bago siya muling nagsalita. “I called you here to acknowledge your work during the summit.” Napakurap ako. “Sir?” “Your team performed well,” dagdag niya, diretso ang boses. “But especially you. You were hands-on from start to finish.” Sandaling gumaan ang dibdib ko. Hindi ko inaasahan iyon na pupurihin niya ako ng ganitong kaaga. “Thank you, sir,” sagot ko, maingat pero may bahagyang ngiti na hindi ko naitago. Tumango siya ulit, pa
Read more