Mr. Chinito
Isinama ko rin sina kuya Pako at kuya Kiboy, mga pinsan ko, para may backup ako dahil sabi ni Fatima na huwag na ako umasa na sasama sakin ang lalaking nakabuntis sa kanya, lalo na kung ako lang mag-isa ang makikipag-usap.
Kita ko ang isa-isang pagsidatingan ng mga tao na dadalo sa kasal. Halos lahat ay nakasakay sa magagarang sasakyan. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita si Senadora Rhea Alcaraz, ang isang senador na inindorso siya ng Papa ni Gabbi noong eleksyon. Isa rin siya sa mismong namigay personal ng relief noong binagyo ang provinsya namin. Nakipag-beso si Senadora sa ilang kababaehan na nasa labas bago pumasok sa loob ng simbahan.
Bab Populer