Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire

The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire

Masayahin at inosenteng probinsyana na babae si Monica Celestine Alcantara. Kuntento at masaya siya sa buhay niya sa probinsya, kasama niya ang Ina at Lola na nagpalaki sa kanya at ang boyfriend niyang si Yuan na taga Manila. Ngunit sa halos limang taon relasyon nila ni Yuan ay ni-minsan ay hindi niya ito nakita sa personal, kaya ng bigyan siya ng pagkakataon makalipad pa Manila. Ngunit hindi niya akalain na ang maabutan niya doon ay si Yuan. Napanood niya kung paano ikasal si Yuan sa isang mayaman na babae. Nasaktan si Monica dahil doon. Hindi niya matanggap na ang kasintahan niya na akala niya na ito na ang lalaking papakasalan niya ay hindi pala. Doon niya nakilala si Marcus sa isang Bar, broken din ito tulad niya, nalasing sila parehas kaya may nangyari sa kanila. Nang magising siya ay tumakas siya ngunit doon niya naman nakilala si Donya Felicia ang kaibigan ng Lola niya. Nalaman niyang ipinagkasundo pala siya ng Lola niya sa apo nitong si Marcus Deniel Zapanta. The Billionaire Engineer CEO ang lalaking nakakuha ng virginity niya. Lalo na nalaman niyang matalik na magkaibigan ang mga Lola nila. She's willing to be a good wife to her cold billionaire husband, Marcus. Kahit madalas ay sinusungitan siya nito ay masaya pa din siya palagi. Ngunit hindi niya akalain na si Yuan. Ang dati niyang kasintahan ay half-brother pala ni Marcus sa Ama. Marcus hated his half-brother so much, pakiramdam niya ay kahati niya ito sa lahat lalo na pinakasalan nito ang babaeng gusto niya. Ngunit nang malaman na may nakaraan si Monica at Yuan ay gusto niyang gamitin ang inosenteng asawa laban sa kapatid. If the arranged marriage will go on good terms, can the past can affect the future to fall in love with each other?
158 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
105.6K viewsCompletedAdded to Library 224 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
4.7K viewsCompletedAdded to Library 121 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
Marry Me Instead

Marry Me Instead

Akala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya. Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador. Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula. Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal. Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF. Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya! At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman. Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti. Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston. Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat. At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya. “Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.” Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba. “You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…” Napakunot-noo si Emery. “What?” “Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.” Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?
1016.4K viewsCompletedAdded to Library 621 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
Denying Temptation with My Husband's Twin Brother

Denying Temptation with My Husband's Twin Brother

Dalawang taon nang kasal si Faye sa kaniyang asawang si Matheo, ngunit isa lamang kasunduan ang nagbubuklod sa kanilang dalawa. Mayroong lihim si Matheo sa tunay nitong pagkatao, at upang mapagtakpan iyon ay kailangan niyang magpakasal sa isang babae. Si Faye naman ay iniiwasang maipakasal sa lalaking hindi niya mahal kaya pumayag siya sa kasunduang ibinigay sa kaniya ni Matheo. Ang pangako nilang dalawa, hanggang tatlong taon lamang ang kanilang pagsasama. Pagkatapos ng tatlong taon ay maibibigay na ang mana kay Matheo na siyang paghahatian nilang dalawa at mamumuhay silang malaya at masaya. Ngunit paano pa iyon matutupad kung bigla na lamang nawala ang lalaki? Hindi malaman ni Faye kung tinangay ito o napahamak. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Matheo. Hanggang sa biglang lumitaw ang kakambal ni Matheo— si Mikhael. Ang lalaking akala niya’y hindi na niya muling makikita. Alam ni Mikhael na nawawala si Matheo at posibleng nasa kapahamakan ang buhay nito. Isang international agent si Mikhael, at nalaman nito na ang pagkawala ni Matheo ay may kinalaman sa sindikatong tinutugis nito. Upang mapalabas ang tootong may sala sa pagkawala ng kapatid, kailangan na magpanggap ni Mikhael bilang si Matheo. At kinakailangan nito ang kooperasyon ni Faye. Ngunit tila hindi lamang ang buhay ni Matheo ang nanganganib sa pagkakataong ito— maging ang puso ni Faye ay nasa panganib na rin. Gayong ang totoo niyang iniibig ang kaniya nang makakasama sa pagpapanggap. Paano niya rin maproprotektahan ang lihim nilang dalawa ni Matheo? Hanggang saan ang pagtatago at pagpapanggap nilang tatlo? Hindi kaya bumalik ang damdamin ni Faye kay Mikhael? O baka si Mikhael ang bigla na lamang mahulog sa kaniyang sister-in-law? How would they protect their heart while fulfilling their duties? How could they deny the temptations?
5.51.8K viewsOngoingAdded to Library 70 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
Kakaibang Tikim

Kakaibang Tikim

Tatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
10345.8K viewsOngoingAdded to Library 8.3K Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
His first love

His first love

Pseudonym
Si Leah ang tipo ng babae na hindi marunong mahiya at bungangera. Magkakagusto siya sa bagong kaklase nila na si Joshua... Magugustuhan rin kaya siya ni Joshua?
1.6K viewsOngoingAdded to Library 56 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
The Billionaire's Fiancee

The Billionaire's Fiancee

Mahal na mahal ni Hannah si Jared. Sampung taon na silang magkasintahan at ikakasal na, pero may ibang pakiramdam si Hannah sa kanyang fiancee. Pakiramdam niya ay m ay iba na ito kaya malamig na ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang nag-isip nang makilala niya si Jane, ang buntis na kaibigan ni Jared.
9.613.4K viewsOngoingAdded to Library 307 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
HER POISONOUS RED LIPS

HER POISONOUS RED LIPS

Si Ruby Red Mandelly ay may makamandag at kaakit-akit na gandang taglay, isa siyang spy agent na nag-ta-trabaho sa isang secret organization at kilala siya bilang si Agent Red Lips. Makilala ni Ruby Red si Stefan Solevan, ang makisig at supladong binatang panganay na anak ng lalaking malaki ang naging atraso sa pamilya niya. Maging hadlang kaya si Stefan sa misyon na matagal niya nang pinaghandaan? Paano kung ang kanyang damdamin ang umiral? Magawa pa kaya ng dalagang mapagtagumpayan ang kanyang misyon kung puso na ang mangingibabaw?
109.2K viewsCompletedAdded to Library 247 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
Mister ng Utangera ang Mafia King

Mister ng Utangera ang Mafia King

Maria Angela Gonzales
Utang ang dahilan kaya napapayag ni Dr. Storm Davis si Judith Dimaculangan na magpanggap na fiancee niya. Ang Lola Anastacia kasi niya gusto siyang mag-asawa na gayung hindi siya naniniwala sa pag-ibig kaya't para matigil na ang pangungulit sa kanya ng kanyang lola, naisipan niyang ipakilala rito si Judith bilang soon to be mapapangasawa niya. Ngunit, hindi niya goal na magustuhan ng lola niya si Judith kundi para sabihin ng lola niya ba 'ayoko sa kanya para sa'yo'. Ngunit, kabaligtaran ang nangyari. "I like you, iha," wika ng kanyang Lola Anastacia. Pero, hindi pa doon nagtapos ang pagkabigla niya. "I like you para sa apo kong si Jiwan." "No way," mariin niyang sabi nang marinig ang pangalan ng kapatid sa ina. Hinding-hindi makukuha ni Jiwan sa kanya si Judith, papakasalan na niya ito ASAP.
104.7K viewsOngoingAdded to Library 153 Times as sino si tiya isabel
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status