Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Maid is My Missing Wife

My Maid is My Missing Wife

Si Bella Monteverde, pinanganak galing sa mayaman na pamilya. Isang tagapagmana, subalit dahil sa pag-ibig, tinakwil siya ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan. Ipinaghiwalay sila ng tadhana ng kaniyang asawa na si Brent De Guzman. Tunay na pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa. Isang bulag si Brent. Ngunit, ginawa pa rin ni Bella ang lahat upang ipaglaban nito ang kaniyang asawa sa pamilya niya. Hangang sa isang araw, pumunta siya sa hospital dahil masama ang pakiramdam niya. Naging masaya naman si Bella dahil buntis pala siya. Ngunit, pagbalik niya sa kanilang bahay ay hindi na niya naabutan ang asawa niya. Tanging mapanakit na sulat na lang ang natanggap ni Bella. Pitong taon ang nakalipas. Muli siyang bumalik, ngunit hindi na siya tinaggap ng kaniyang ama base sa sinabi ng stepsister niya. At ngayon ang pamana na dapat kay Bella ay pilit na kinuha ng kaniyang step sister. Kahit nagawa man ni Bella ang lumapit sa pamilya niya para sa pagpapagamot ng anak niya. Ay naging walang saysay pa rin ito. Subalit, patuloy pa rin na lumaban si Bella. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makatagpo ang isang matanda. Ang matandang ito ay nagpanggap bilang isang pulubi. Subalit, sa likod nito siya ang lolo ni Brent. Na siya ring dahilan nang muling pagkikita ni Bella at ni Brent. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na si Bella ang kinikilalang asawa ni Brent. Dahil kinuha ng stepsister niya ang bagay na 'to at nagpanggap bilang si Bella. Gayunpaman, ay nais ng lolo ni Brent na ikasal si Brent kay Bella. Saan hahantong ang ganitong buhay? Muli kaya niyang maibabalik ang kaniyang asawa sa piling niya? Muli kaya niyang mababawi ang dapat para sa kaniya?
1043.5K viewsCompletedAdded to Library 1.6K Times as the ring ghost
Read
+Library
His Wild Mistake

His Wild Mistake

Eunwoo_bluedust
Si Isabel Herrera ay may tinatakasan na nakaraan. At sa murang edad na labing-siyam ay nagsimula na siyang magpalipat-lipat ng tirahan kasama ang kaniyang anak na lalaki at yaya Lorna na itinuring niya ng parang tunay na ina simula nang pumanaw ang kaniyang biological mom na si Elina. Pagod na pagod na siya sa ganoong routine subalit sa kagustuhang takasan ang bangungot ng kaniyang nakaraan ay wala siyang nagawa kung 'di ang gawin iyon. Nakatatak na sa isipan ni Isabel na hinding-hindi siya magpapapasok ng kahit na sinumang lalaki sa kaniyang buhay kaya lahat ng nanliligaw sa kaniya ay binabasted niya lang. Kahit nga pagkakaibigan lang ay hindi niya pinapahintulutan ang mga ito. Ayon pa nga sa kaniya ay okay lang mamatay siya na walang ibang lalaki sa buhay kung 'di ang anak niya lang . Subalit isang gabi, habang sinusubukang tumakas sa isang birthday party ng kaniyang kasamahan sa trabaho na ginanap sa isang engrandeng hotel ay bigla na lamang may humila sa kaniyang matipuno at ubod ng gwapong lalaki. Sobra-sobra ang pagpupumiglas na ginawa niya sa mga sandaling iyon pero dahil mas malakas ito ng ilang beses sa kaniya ay walang kahirap-hirap siyang nadala ng lalaki sa isang malawak at engrande ring silid. At doon isang mainit at masarap na gabi ang kanilang pinagsaluhan. Napamura pa siya sa isipan kinaumagahan nang bigyan niya ito ng huling sulyap bago umalis. Ang lintik naman kasi, hindi manlang nabawasan ng kahit kaunti ang kagwapuhan kahit tulog at gulo-gulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot niya. Hindi makapaniwala si Isabel sa pangyayaring iyon. Hindi niya akalaing ganoon na lamang siya kabilis na bumigay sa lalaking kahit pangalan ay wala siyang kaide-ideya. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaking iyon na kaniyang nakatalik ay isa pala sa dahilan kung bakit patuloy siyang tumatakas sa nakaraan.
101.5K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as the ring ghost
Read
+Library
Kidnapped By My Possessive Husband

Kidnapped By My Possessive Husband

"I'll stop running away, Jago! Promise, hindi na ako tatakas!" Pagmamakaawa ko sa asawa or soon-to-be ex-husband ko kapag nakatakas ako rito. Pinilit kong makatayo sa pagkakahiga pero hindi ko kaya dahil nakagapos ang kamay ko sa headboard. "You already told me that earlier and yet, you still tried to run away from me... Hindi na gagana sa'kin 'yan..." Madilim ang ekspresyong sagot nito. Lumapit ito kaya naman napapikit ako. Naramdaman ko ang pagsikip ng tali sa kamay ko kaya napadilat ako. "Promise, totoo na talaga 'to! Tanggalin mo na yung tali, please? Natatakot na ako sa'yo!" Kinakabahang usal ko kay Jago pero hindi ito sumagot. Pumatong ito sa'kin at malambing na sinapo ang mukha ko. Impit akong napaung*l nang marahan nitong halikan ang aking leeg. Alam nito kung paano ako kunin dahil kaagad nanghina ang katawan ko sa ginawa nito. "Uhm, Jago! Please!" Hiyaw ko sa pangalan nito nang magsimulang maglandas ang kamay nito sa katawan ko. "I'll make you love me again. You're mine, Isla. You're only f*cking mine..." *********** Matapos ang pagtatalo ng mag-asawang sina Jago River Laxamana at Allona Isla Avellino ay inihagis ni Isla ang wedding ring niya kay Jago upang mapagtanto nitong seryoso siya sa kagustuhan niyang makipaghiwalay. Matapos gawin iyon ay nanakbo ito paalis sa bahay nilang mag-asawa. Nasa bingit na talaga sila ng hiwalayan dahil sa pagkawala ng sana'y panganay nilang anak. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga ito kaya hindi maayos ang kanilang relasyon. Kinidnap ni Jago si Isla. Nang magising ito ay mahimbing ang pagkakatulog ni Jago sa tabi niya. Napagtanto nitong nasa island sila kaya nagpatuloy ang bangayan nila at nagtangkang tumakas si Isla mula kay Jago. Makakatakas kaya si Isla sa asawa niyang si Jago? O magtatagumpay itong muling kuhanin ang kaniyang puso at angkinin siya?
10987 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as the ring ghost
Read
+Library
The Ex I Could Never Forget

The Ex I Could Never Forget

Akala ni Leila, tuluyan na niyang nailibing sa nakaraan ang pagmamahalan nila ni Dylan—ang lalaking minsang naging mundo niya. Ngunit isang araw, bigla na lamang siyang iniwan nito nang walang paalam. Lingid sa kaalaman ni Dylan, nagbunga ang pagmamahalan nila. Lumipas ang ilang taon at pilit na tinanggap ni Leila na hanggang alaala na lang si Dylan. Tahimik niyang binuo ang buhay para sa sarili at sa anak na buong puso niyang minahal. Ngunit muling ginulo ng tadhana ang tahimik niyang mundo nang makapasok siya bilang intern sa isang kilalang kumpanya—ang kumpanyang pagmamay-ari mismo ni Dylan Villareal. Sa muli nilang pagkikita, agad nagtaka si Leila nang tila hindi siya makilala ni Dylan. Ang lalaking minsang naging kabahagi ng kanyang buhay ay tinrato siya na parang isang estranghero lamang. Hanggang sa unti-unti niyang makumpirma na may amnesia si Dylan at wala na itong alaala tungkol sa kanilang nakaraan. Mas lalong naging komplikado ang lahat nang mapansin ni Dylan si Leila. Dahil sa husay at dedikasyon nito sa trabaho, mabilis niya itong ginawang personal assistant mula sa pagiging intern lamang. Unti-unti ring nagsimulang makapukaw ng pansin kay Dylan ang dalagang tahimik ngunit matatag, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Habang araw-araw silang magkasama, mas lalo siyang naguguluhan sa biglaang emosyon na nararamdaman niya para kay Leila—emotions he cannot explain, yet cannot ignore. Ngunit mas lalo siyang nagulantang nang matuklasan niya na ang batang si Oliver—ang masayahin at nakakatuwang bata na labis niyang kinagigiliwan at kamukhang-kamukha niya—ay anak ni Leila, ang kanyang kasalukuyang sekretarya na unti-unting nakakapukaw ng kanyang pansin. Paano kung malaman ni Dylan na si Leila at Oliver ay bahagi ng kanyang nakaraan na matagal na niyang nawala… at ngayon lang unti-unting bumabalik?
9.92.4K viewsOngoingAdded to Library 93 Times as the ring ghost
Read
+Library
PREV
1
...
262728293031
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status