Argo Greensmith
Nakangiti kong bati dito.
"Oh, Natalia, ikaw pala 'yan. Medyo ginabi na nga ako sa dami ng trabaho sa opisina," aniya na maluwang ang ngiti sa'kin.
"Huwag ho kayong masyadong magpakapagod sa trabaho. Hindi na ho kayo pabata." Biro ko dito bago ngumiti.
"Salamat, hija. Halika sabayan mo na ako?" aniya.
"Naku hindi na ho, sa katunayan pauwi na rin ako. Nag over time lang ako kasi dagsa ang customer ngayong araw." Sunod-sunod kong iling.