LOGINGiovanni’s POV Buong magdamag akong hindi nakapagpahinga. Alam kong gising din siya — naririnig ko ang bawat paghikbi at paggalaw mula sa kabilang dulo ng kama. Hindi niya ako nilapitan, hindi rin niya ako pinansin nang madaling‑araw. At nang sumikat ang araw, wala na siya sa tabi ko. Nakita ko siya mula sa bintana, nakaupo sa pinakadulong bahagi ng buhangin, nakatitig lang sa dagat. Tahimik siyang parang walang buhay, at ang bawat hampas ng alon ay parang nagdadagdag lang sa bigat na nasa pagitan namin. Bago ako lumabas, sinilip ko muna si Mikayla — masayang naglalaro ng mga laruan sa sala, binabantayan ng isa sa mga tauhan ko. Huminga ako nang malalim bago tumungo sa dalampasigan. Dahan‑dahan akong umupo sa tabi niya — hindi masyadong malapit, pero hindi rin malayo. Hahaplos ng hangin ang buhok namin, at amoy na amoy ko ang alat ng dagat. “Kanina ka pa ba dito?” panimula ko, mahina ang boses. Hindi siya lumingon agad. “Hindi ako makatulog. Ang dami kong iniisip.” “Pwede mo ako
Marielle’s POV Ilang oras na ang lumipas mula noong umalis si Ryan, pero parang nanatili ang bigat ng mga salita niya sa hangin. “May katotohanang sisira sa inyong dalawa.” Paulit‑ulit ‘yan sa isip ko, parang matalim na kutsilyong dahan‑dahang tumutusok sa dibdib ko. Kahit mahigpit akong yakap ni Giovanni, hindi ko maalis ang kaba na may mas malalim pang sikreto na itinatago pa niya. Nasa loob kami ng kwarto, nakaupo sa gilid ng kama habang mahimbing na natutulog si Mikayla sa kabilang panig. Hinawakan ni Giovanni ang mukha ko at pinag‑aralan ang bawat bahagi nito, parang sinusubukang basahin kung ano ang gumugulo sa isip ko. “Still thinking about what he said?” mahinahon niyang tanong. Tumingin ako sa kanya — halo ng pag‑aalala at pagdududa ang makikita sa mga mata ko. “Paano ko maiiwasan? Parang sigurado siya, Giovanni. Parang may hawak siyang bagay na kayang gibain ang lahat ng meron tayo ngayon.” Hinila niya ako palapit hanggang sa dumikit ang buong katawan ko sa kanya. Idina
Marielle’s POV Ilang araw na ang lumipas mula noong ibunyag ni Giovanni ang buong katotohanan. Sa bawat paggising ko, parang gumagaan ang pakiramdam ko — pero sa kabila ng kapayapaang nararamdaman ko sa piling niya, may kaba pa ring bumabalot sa isip ko. Alam kong hindi magtatagal ang ganitong katahimikan. At tama ang hinala ko… may parating na gulo. Nakaupo kami ni Giovanni sa sala habang mahimbing na natutulog si Mikayla sa itaas. Magkahawak nang mahigpit ang aming mga kamay, at ang init ng balat niya ay parang panangga sa anumang panganib. Kanina pa kami tahimik, pero puno ng di‑nasasabing pangako ang bawat tingin niya sa akin. “Feeling ko… may parating,” bulong ko habang pinaglalaruan ang mga daliri niya. Tumingin siya sa akin — seryoso pero malambing pa rin ang mga mata. “Huwag kang mag‑alala. Bantay‑sarado ang buong lugar. Pero tama ka… hindi tayo pwedeng maging kampante, lalo na ngayong alam na natin ang lahat.” Bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang radyo ni Luca mula
Giovanni’s POV Nang makasiguro kaming ligtas si Mikayla sa loob ng bahay at nakabantay si Luca sa labas, hinila ko si Marielle papunta sa pinakadulong bahagi ng balkonahe — kung saan tanging alon at hangin lang ang makakarinig sa amin. Madilim ang paligid, pero sapat ang liwanag ng buwan para makita ko ang bawat pagbabago sa mukha niya — halo ng pag‑aalinlangan, takot, at ‘yung pamilyar na init na laging nagpapaikot ng mundo ko. Humarap ako sa kanya, ipinatong ang parehong kamay sa balikat niya, dahan‑dahang dumulas pababa sa braso. “Matagal ko na ‘tong gustong sabihin… pero hindi ko alam kung paano,” panimula ko, mababa at seryoso ang boses. “Kasi kapag sinabi ko na ‘to… wala nang atrasan. At baka… hindi mo na ako tignan nang parehong paraan.” Nanatili siyang nakatingin sa akin — matigas ang tindig, pero nanginginig ang gilid ng labi. “Sabi ni Miranda alam mo raw ang lahat mula pa sa simula. Kung totoo ‘yan… magsalita ka na, Giovanni. Huwag mo na akong pag‑isipin pa.” Huminga ak
Giovanni’s POV Nakadikit ang likod ko sa matibay na poste ng bakod, pero ang buong atensyon ko ay nasa dalawang babae: si Marielle sa likuran ko, at si Miranda sa kabilang panig ng gate. Ramdam ko ang bawat paghinga ni Marielle — mabilis, nanginginig, pero hindi umatras. Kahit nasa gitna kami ng banta, ang init ng katawan niya ay dumadaloy sa akin, parang tahimik na paalala kung ano talaga ang ipinaglalaban ko. Nakataas ang kamay ko kay Luca — senyales na huwag munang magpaputok. Gusto ko munang marinig kung anong kalokohan ang ilalabas ni Miranda ngayon. “Bakit ba ang higpit niyo? Dati, nakakapasok naman ako dito kahit kailan,” panimula ni Miranda habang nakasandal sa kotseng itim, nakangisi nang mapanghamon. Suot niya ang pulang bestida — ganyan‑ganyan pa rin ang ugali niya, akala niya siguro ay laging umiikot ang mundo sa kanya. “Dati pa ‘yun,” sagot ko nang malamig. “Ngayon, bawal ka na rito. State your business and leave.” Napatawa siya nang mahina, tapos matalas na dumapo a
Marielle’s POV Nanginginig pa ang mga balikat ko sa kakatawa habang pinupunasan ang tubig sa mukha. Hinahabol ko ang hininga, nakatayo sa mababaw na bahagi ng dagat, habang si Giovanni ay buhat‑buhat pa rin si Mikayla na parang walang bigat. Basa rin ang buhok niya, dumidikit sa noo, at mas lalong lumitaw ang matitigas na linya ng mukha—nakakaakit, matapang, at sa sandaling ito, tila ganap na akin. Nang humakbang siya palapit, saglit akong napahinto sa paghinga. Kahit nasa harap pa namin ang anak namin, hindi nawawala ang kuryenteng dumadaloy sa bawat tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang pulso ko nang dahan‑dahan, hinila nang kaunti palapit hanggang magkadikit ang aming mga braso. Humahampas ang alon sa ating mga binti—malamig ang tubig, pero mainit ang bawat dampi ng balat niya. “Talo ka na ba?” bulong niya, sadyang ibinaba ang boses para hindi marinig ni Mikayla na nakasandal sa balikat niya. “O gusto mo pa ba ng round two?” Napalunok ako, hindi makaiwas sa tingin niya. “Baka
Marielle’s POVParang huminto ang buong mundo nang suntukin ni Giovanni si Ryan sa harap ko. Napasinghap ako habang napaatras si Ryan dahil sa lakas ng tama. Dumugo agad ang gilid ng labi nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Giovanni.Ngunit mas nakakatakot ang lalaking nasa harapan k
Giovanni’s POVHindi ako sanay magkamali. Sa mundong ginagalawan ko, isang maling desisyon lang ang katumbas ay kamatayan.Kaya simula nang maupo ako bilang pinuno ng Armani Syndicate, tinuruan ko ang sarili kong huwag magpadala sa emosyon. Walang awa. Walang attachment. Walang kahinaan. Pero isang
Marielle’s POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang huling naalala ko ay ang mainit na yakap ng estrangherong lalaki, ang mabibigat niyang halik, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na tila ba kaya niyang basahin ang lahat ng sakit na pilit kong itinatago.Ngunit paggising
Basang-basa ng ulan ang buong siyudad nang gabing iyon.Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang tahimik na pagguho ng mundo ni Marielle Guzman.Mahigpit niyang hawak ang cellphone habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato sa screen—si Ryan… nakangiti ha







