共有

CHAPTER 33

last update 公開日: 2026-07-07 11:29:57

Tatlong buwan. Tatlong buwan mula nang matapos ang lahat. Tatlong buwan mula nang mawala ang takot. Tatlong buwan mula nang maibalik nila si Ashton. At tatlong buwan mula nang magsimulang matutunan ni Xavian ang isang bagay na matagal niyang hindi naintindihan.

Na hindi sapat ang pagmamahal lamang. Kailangan mo rin itong ipakita. Kailangan mo itong patunayan. Araw-araw. Paulit-ulit. Hanggang sa muling maniwala ang taong nasaktan mo.

Isang Sabado ng umaga. Tahimik na bumaba si Astrid sa kusina.
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Running Away With His Child   CHAPTER 37

    Lumipas ang ilang linggo nang tuluyang magpasya si Xavian na bumalik sa pamamahala ng kanyang kumpanya. Matagal na itong nakabinbin, at ngayong sigurado na siyang ligtas at maayos na ang kalagayan nina Ashton at Astrid, panahon na upang harapin muli ang kanyang mga responsibilidad.“Sigurado ka bang ayos ka lang dito?” tanong ni Xavian bago umalis ng bahay. Huminto siya sa tapat ng pinto at tinitigan si Astrid habang inaayos nito ang gamit ni Ashton. “Kung gusto mong magtrabaho ka ulit o may gusto kang gawin, sabihin mo lang. Hindi dahil pinagbabawalan kita, kundi dahil gusto kong maging komportable ka.”Lumapit si Astrid at inayos ang necktie niya. “Alam ko ‘yan. At ayos lang ako dito. Masaya akong alagaan si Ashton. At saka, gusto ko ring makita kung paano ka magtrabaho nang maayos ngayon. Walang pilitan, walang takot.”Ngumiti si Xavian at hinalikan ang noo niya. “Babalik ako nang maaga. Pangako.”Ngunit hindi inaasahan ni Xavian na sa pagbabalik niya sa opisina ay may naghihintay

  • Running Away With His Child   CHAPTER 36

    Isang umaga, nagising si Astrid sa kakaibang katahimikan. Walang ingay ng kaldero, walang tawanan ni Ashton, at wala ring paggalaw sa kabilang bahagi ng kama. Agad siyang bumangon, ang dating kaba ay muling gumapang sa dibdib, takot na baka panaginip lang ang lahat ng pagbabago, takot na baka bumalik na naman sa dati ang lahat.Mabilis siyang bumaba sa sala. Doon niya narinig ang boses ng mag-ama niya mula sa kusina.“Dahan-dahan lang, Daddy! Baka matapon!” paalala ni Ashton.“Alam ko, anak. Sinusubukan ko nga eh,” sagot ni Xavian, medyo hinihingal. “Pero bakit parang ang hirap ilagay ng harina sa timbangan?”Napangiti si Astrid at dahan-dahang sumilip. Nakita niya silang dalawa, nakasuot ng parehong apron, may harina sa pisngi, at parehong nakakunot ang noo habang nakatingin sa recipe book.“Magandang umaga sa inyo,” bati niya.Mabilis na lumingon si Xavian. Agad na nagbago ang mukha niya, mula sa pag-aalala ay napalitan ng ngiti.“Gising ka na pala. Akala ko matatagalan ka pa,” sabi

  • Running Away With His Child   CHAPTER 35

    Ilang araw matapos ang gabing magkahawak-kamay sila sa balkonahe, tila gumaan ang lahat. Ngunit alam nina Xavian at Astrid na ang munting hakbang ay hindi pa katapusan ng paglalakbay. Ang tiwalang matagal na nakabaon ay hindi muling tutubo sa loob lamang ng isang gabi.Isang hapon, habang naghahanda sila para sa kaarawan ni Ashton, biglang tumunog ang telepono ni Astrid. Nanigas siya saglit nang makita ang pangalan sa screen.“Sino iyon?” tanong ni Xavian nang mapansin ang pagtigil niya.“Ang tiyahin ko,” mahina niyang sagot. “Gusto nilang dumalo sa handaan. At… kasama raw ang tito ko.”Napakunot ang noo ni Xavian. Kilala niya ang taong iyon. Ang tito ring iyon ang saksi sa maraming sigawan at pananakot na ginawa niya noon. Siya rin ang unang bumanat sa kanya noong nalaman nilang umalis si Astrid.“Kung ayaw mo, sabihin nating hindi pwede,” mabilis na sabi ni Xavian. “Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. At hindi ko rin hahayaang may mangyaring makakasakit sa inyo.”Tumingin si

  • Running Away With His Child   CHAPTER 34

    May mga sugat na tinatahi. May mga sugat na ginagamot. At may mga sugat na hindi kailanman tuluyang nawawala. Natutunan iyon ni Xavian sa bawat araw na lumilipas. Dahil kahit tapos na ang lahat...Kahit wala nang mga kaaway. Kahit wala nang mga lihim. May isang bagay na kailangan pa rin niyang harapin. Ang nakaraan. At ang sakit na siya mismo ang dahilan.Isang linggo matapos ang pag-uusap nila ni Astrid sa veranda. Mas naging maingat si Xavian. Hindi dahil gusto niyang magpanggap. Kundi dahil ngayon lang niya tunay na naiintindihan ang ibig sabihin ng respeto. Dati, kapag may gusto siya...Kinukuha niya. Kapag may gusto siyang mangyari...Pinipilit niya. At kapag natatakot siyang mawalan...Lalong humihigpit ang hawak niya. Ngunit si Astrid...Hindi kailanman naging bagay na dapat hawakan nang mahigpit. Siya ay taong dapat mahalin. At matagal bago niya iyon natutunan."Mama!"Masayang sigaw ni Ashton habang tumatakbo palabas ng school. Agad nitong niyakap si Astrid. Kasunod naman ay lumap

  • Running Away With His Child   CHAPTER 33

    Tatlong buwan. Tatlong buwan mula nang matapos ang lahat. Tatlong buwan mula nang mawala ang takot. Tatlong buwan mula nang maibalik nila si Ashton. At tatlong buwan mula nang magsimulang matutunan ni Xavian ang isang bagay na matagal niyang hindi naintindihan.Na hindi sapat ang pagmamahal lamang. Kailangan mo rin itong ipakita. Kailangan mo itong patunayan. Araw-araw. Paulit-ulit. Hanggang sa muling maniwala ang taong nasaktan mo.Isang Sabado ng umaga. Tahimik na bumaba si Astrid sa kusina. Inaasahan niyang walang tao dahil maaga pa. Ngunit agad siyang napahinto. Dahil naroon si Xavian. At mukhang...Nahihirapan. Sobrang nahihirapan dahil nakakunot pa ang noo niya."Ano'ng ginagawa mo?"Halos mapatalon si Xavian nang magsalita si Astrid. Parang nahuling gumagawa ng kalokohan. May suot itong apron. May harina sa pisngi. At mukhang muntik nang sumabog ang kusina."Breakfast." Diretso nitong sagot.Tahimik si Astrid. Tumingin siya sa mesa. Sunog ang toast. Baluktot ang pancake. At mukh

  • Running Away With His Child   CHAPTER 32

    Walang nagsalita matapos maputol ang tawag. Parang huminto ang oras. Parang tumigil ang mundo. At sa gitna ng katahimikang iyon, iisa lamang ang iniisip nina Xavian at Astrid. Si Ashton.Hindi na mahalaga ang mga lihim. Hindi na mahalaga ang nakaraan. Hindi na mahalaga kung sino ang nagsinungaling o kung sino ang nagtaksil. Ang mahalaga ay maiuwi nila ang anak nila nang ligtas. At sa pagkakataong iyon, tila iyon lang ang bagay na may halaga sa buong mundo.Makalipas ang ilang minuto. Muling nagsalita si Ethan. Ngunit ibang Ethan na ito. Hindi na ang lalaking puno ng galit. Hindi na ang lalaking hinahayaang kontrolin ng paghihiganti ang buhay niya. Pagod na siya. Sobrang pagod."May alam akong lugar."Napatingin ang lahat sa kanya. Tahimik siyang tumango."May lumang rest house ang pamilya namin sa baybayin ng San Isidro."Kumunot ang noo ni Helena. At bigla itong nanlaki ang mga mata."Rafael's Cove."Tumango si Ethan."Doon kami madalas dalhin noong bata pa ako."Napahigpit ang kamao

  • Running Away With His Child   CHAPTER 7

    Mabigat ang katahimikan sa loob ng condo. Mahigpit na nakakapit si Ashton sa bewang ni Astrid habang nakatingin naman si Xavian sa kanilang dalawa. At habang tumatagal mas lalong lumalalim ang tingin nito sa bata. Parang may unti-unting nabubuo sa isip niya. Isang katotohanang pilit itinatanggi ni

  • Running Away With His Child   CHAPTER 6

    Nanigas ang buong katawan ni Astrid. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatayo si Xavian sa labas ng condo at nakatitig sa batang nasa harapan nito.Tahimik ang buong hallway. Ngunit sa loob-loob ni Astrid, parang napakalakas ng tibok ng puso niya.Hindi… Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman n

  • Running Away With His Child   CHAPTER 5

    Halos buong araw na lutang si Astrid.Kahit nasa meeting siya kasama ang ibang designers ng kumpanya ay hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Xavian.You can hide your secret from everyone else, Astrid. But not from me.Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa utak niya.Pakiramdam niya anumang o

  • Running Away With His Child   CHAPTER 4

    Tahimik ang buong executive office. Ngunit para kay Astrid, parang napakalakas ng ingay ng tibok ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa perang nakapatong sa mesa sa harapan niya.Iyong limang libong iniwan niya sa hotel. At ngayon… hawak iyon ni Xavian. Kitang-kita niya ang malamig

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status