Compartir

Chapter 2

Autor: Khollen
last update Fecha de publicación: 2026-06-12 22:52:58

Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.

Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.

Unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha, humalo sa bula ng sabon. Tahimik siyang humikbi, nanginginig ang balikat sa bigat ng ultimatum: tatlong buwan para magdalang-tao.

Biglang may marahang haplos sa kanyang likod. Nagulat si Bella at mabilis na pinunasan ang luha gamit ang braso.

“Miss Bella…” malumanay na sambit ni Karen, ang kasambahay ng pamilya, habang hinahaplos ang kanyang braso.

“Tama na, Miss. Huwag ka nang umiyak. Sobrang mahalaga ng luha mo para sayangin sa mga salita nila, kahit pa kay Ma’am Luwee,” bulong niya, sabay agaw sa plato mula sa kamay ni Bella.

“Hayaan mo na ako ang magtapos nito.”

Ngunit mabilis na kinuha ni Bella ang plato. “Hindi, Karen. Ako na ang tatapos.”

“Pakiusap, Miss. Ako na. Magpahinga ka muna, siguradong pagod ka na,” malambing na sabi ni Karen.

Sa huli, ibinaba ni Bella ang mga pinggan at hinugasan ang kanyang mga kamay sa lababo. Lumapit si Karen, pinunasan ang kanyang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya, saka siya niyakap na parang sariling anak.

Ngumiti si Bella, pilit na tinatago ang sakit. Ngunit alam ni Karen ang nangyari sa hapag-kainan.

“Huwag mong dibdibin ang mga salita nila” bulong niya.

Pinilit ni Bella ang sarili na magpakita ng tapang, pinilit na ngumiti. “Ayos lang ako, Karen. Huwag kang mag-alala.”

Hindi iyon ang unang beses na nakita ni Karen na insultuhin, saktan, at tratuhin si Bella na parang utusan sa loob ng marangyang bahay na ito.

Ngunit kahit ano pa man, manugang pa rin siya ng pamilya Reynolds kahit hindi siya kailanman itinuring na kapantay ng dalawa pang manugang.

“Matalas ang dila ni Ma’am Luwee, Miss Bella. Darating ang araw na babalik sa kanya ‘yon,” bulong ni Karen. “Huwag mong isipin na nag-iisa ka. Nandito ako.”

Bahagyang tumango si Bella, hinigpitan ni Karen ang hawak sa kanyang kamay, nagbibigay ng lakas para tiisin ang buhay sa bahay na ito.

“Magtiis ka, Miss,” dagdag pa niya. “Naniniwala akong darating ang araw na kapag nagkaroon ka ng anak na lalaki para sa pamilyang ito, makikita ka ni Maam Luwee bilang mas karapat-dapat na manugang.”

Napangiti si Bella sa kabutihan ng katulong. Ngunit kakaiba, hindi siya nakagaanan ng loob sa ideya ng pagkakaroon ng anak na lalaki.

Alam niyang nais lang siyang pakalmahin ni Karen.

Gayunpaman, nanikip ang kanyang dibdib. Dahil hanggang ngayon, wala pa siyang ideya kung paano siya magkakaanak.

Hindi man lang siya hinahawakan ng kanyang asawa.

“Miss, ako na ang magtatapos ng mga pinggan. Magpahinga ka na,” sabi ni Karen.

Yumuko si Bella, mahina ang tinig. “Pasensya na… sa abala Karen.”

“Bakit ka ba nahingi ng pasensya?” malumanay at nakangiti na sagot ni Karen. “Trabaho ko ito. Sige na, magpahinga ka. Kung mag uusap pa tayo, kailan ka pa nyan makakapahinga?”

Ngumiti si Bella isang tunay na ngiti matapos ang buong araw ng sakit.

“Maraming salamat, sigi iwan ko na eto sayo Karen pasensya na.”

“Walang anuman, Miss. Magpahinga ka.”

Tumango si Bella at dahan-dahang lumabas ng kusina, papunta sa kanyang kwarto.

Sa living room, naabutan niya si Kelly kasama ang panganay na anak.

“Mama…” sigaw ni Kendra, tumatakbo dala ang medyas at sapatos. “Put these on for me, Mama.”

Nakaupo si Kelly sa sofa, abala sa tablet at mga design. Saglit lang siyang tumingin sa anak.

“Isuot mo na lang mag-isa, Ken!” malamig niyang sagot.

“I can’t, Mama…” reklamo ng limang taong gulang.

Tsk,tsk.

Napairap si Kelly, saka napatingin kay Bella na kakalabas lang ng kusina.

“Bella,” tawag niya, pataray ang tono. Napatigil si Bella at lumapit.

“Ano ‘yon, Ate?” tanong niya.

“Isuot mo ang medyas at sapatos ni Kendra,” utos ni Kelly, na para bang kausap lang ang isang katulong.

Nagulat si Bella. Kanina lang sa almusal, tinawag siyang baog, at ngayon, inuutusan siyang tulungan ang anak ng hipag.

Ngunit dahil sa kanyang mababang katayuan sa bahay na iyon, ni hindi siya naglakas-loob na tumanggi.

“Oo, Ate,” sagot niya. “Halika, KenKen. Tulungan ka ni Tita.”

Ngumiti siya nang malumanay, inalalayan si Kendra sa sofa at lumuhod para isuot ang medyas at sapatos.

Palihim na nakangisi si Kelly, tuwang-tuwa na tratuhin si Bella na parang utusan.

“Ano ba Bella bilisan mo nga dyan! You’re so slow,” singhal niya.

“All done, Kenken,” malambing na sabi ni Bella, tumayo.

“Thank you so much, Tita Bella,” magalang na tugon ng bata.

Ngumiti si Bella, hinaplos ang ulo ng bata. “You’re welcome, Kenken.”

“Ang dami mo talaga talent, Bella,” pang-aasar ni Kelly. “Perfect kang katulong, perfect kang babysitter. Ano pa ba ang hindi mo kaya? Sabay tawa”

Nanahimik lang si Bella.

“At mamaya, tulungan mo si Karen bantayan si Kelcy,” dagdag ni Kelly. “Since Mahilig ka naman sa bata. Practice na rin ‘yan para sayo para pag nag kaanak ka.”

Bago pa makasagot si Bella, muling tumalim ang tono ng hipag. “Yun ay kung hindi ka baog. Pero kung baog ka nga, buong buhay mo, mag-aalaga ka ng anak ng iba, ng anak ko at ng anak ni Veronica.”

Nanatiling tahimik si Bella, nakatitig sa maliliit na paa ni Kendra, pilit na pinipigilan ang sarili.

“This afternoon, make milk for Kelcy, pakainin siya, at palitan ang lampin,” dagdag pa ni Kelly.

Si Kelcy, ang ikalawang anak nina Kelly at Ronel, ay six months old pa lang  na matagal na hinintay ng pamilya Reynolds.

Umaasa silang lahat na magiging lalaki na ang sunod na anak nina Kelly at Ronel, ngunit isa na namang babae.

Kaya ngayon, si Luwee ay lalo pang pinipilit si Bella na magdalang tao, na umaasang siya ang magbibigay ng tagapagmanang lalaki.

“Ang bilis mong matuto sa mga gawaing ganito.Normally, I hate others caring for my children. Pero para sa’yo, gagawin kong exception,” sabi ni Kelly.

Mahinang sumang ayon si Bella. “Opo, Ate.”

Ngumisi si Kelly. “Kaya gusto kita eh masunurin, parang aso”

“KELLY.”

Isang malalim at matigas na tinig ang pumutol sa kanya. Lumapit si Ronel, matalim ang tingin.

Saglit niyang tinitigan si Bella at si Kendra, bago ibinaling ang malamig na titig sa asawa. “Ano ang sinasabi mo dyan?”

Napalunok si Kelly sa bigat ng titig ng asawa

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 11

    Hindi makagalaw si Bella. Hindi makahinga.sahig ng silid-hotel, habang angbawat salita ni Ronel ay paulit-ulit na gumugulosa kanyang isip at yumayanig sakaibuturan ng kanyang pagkatao.Magdalang-tao…kay Kuya Ronel?Ang mismong pag-iisip nito ay isang kabaliwan. Parang pagpapakamatay.Paano niya gugustuhin ang ganoongbagay?Ang lalaking nakatayo sa kanyangharapan ay may asawa na, ama na ng dalawanganak na babae. Higit pa roon bayawniya ito.Nakatindig si Ronel na wari’y aninonanilalamon ang liwanag ngsilid-hotel. Hindi kumukurap ang kanyang madidilim namata, walang pag-aalinlangan, parabang ang sinabi niya’y hindi isang bagay nakayang baguhin ang takbo ng buhayni Bella magpakailanman.“Bakit ka namumutla?” malamig angkanyangtinig, mababa, tila dumadagundongsa loob ng dibdib ni Bella.“Pumunta ka rito para sundin angutos ngasawa mo di ba. Pero nang inalok kosa’yo ang mas makatuwirang at mas wais nasolusyon, tinitingnan mo ako napara bang isa akong masamang halim

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 10

    Hindi makagalaw si Bella. Hindi makahinga.Parang nakapako ang kanyang mga paa sasahig ng silid-hotel, habang ang bawat salita ni Ronel ay paulit-ulit na gumugulosa kanyang isip at yumayanig sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.Magdalang-tao…kay Kuya Ronel?Ang mismong pag-iisip nito ay isa ng kabaliwan. Parang pagpapakamatay.Paano niya gugustuhin ang ganoong bagay?Ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ay may asawa na, ama na ng dalawanganak na babae. Higit pa roon bayaw niya ito.Nakatindig si Ronel na wari’y anino nanilalamon ang liwanag ng silid-hotel. Hindi kumukurap ang kanyang madidilim namata, walang pag-aalinlangan, para bang ang sinabi niya’y hindi isang bagay nakayang baguhin ang takbo ng buhay ni Bella magpakailanman.“Bakit ka namumutla?” malamig ang kanyangtinig, mababa, tila dumadagundong sa loob ng dibdib ni Bella.“Pumunta ka rito para sundin ang utos ngasawa mo di ba. Pero nang inalok ko sa’yo ang mas makatuwirang at mas wais nasolusyon, tinitingnan mo ak

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 9

    “Ronel hon…?”Kagagaling lang ni Kelly sa banyo nang mapansin niyang wala na sa kama ang kanyang asawa.Napakunot ang kanyang noo sa inis. Lumingon siya sa paligid, nakita ang kumot na nakabalibag ngunit walang bakas ng presensya ng lalaki.“Siguro nasa opisina na naman yon,” bulong niya, nakabusangot ang labi. “Bakit hindi na lang niya kaya pakasalan ang laptop niya total un naman lagi nya kasama?”Mabigat ang buntong-hininga niyang bumagsak sa kama, nakatitig sa kisame.“Isa na namang gabing mag-isa…”Samantala, sa isang maliwanag na silid-hotel, nakatayo si Ronel ilang hakbang ang layo mula kay Bella.Nakatigil ang dalaga sa gilid ng kama, mahigpit na nakakapit sa sapin, nanlalaki ang mga mata sa lalaking biglang lumitaw kasabay ng pag-ilaw ng silid.“Simula kailan naging hotel ang hospital?” malamig ang tinig ni Ronel, may mapanuksong ngisi sa kanyang labi. Ang titig niya’y matalim, parang punyal.“Kuya Ronel…”Napatingin si Bella sa sarili nakasuot lamang ng manipis na lingerie n

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 8

    “Tonight, inayos ko na ang pagkikita mo sa lalaking binigyan ko ng calling card.”Paulit-ulit na umuukit sa sikmura ni Bella ang mga salita ni Rain mula kagabi. Ngayong umaga, alam niyang wala na siyang takas. Sa gabing ito, inaasahan siyang makipagkita sa lalaking pinili upang maging ama ng kanyang anak.Napahawak siya sa mukha, pinipigilan ang pag-igting ng damdamin.“Paano kung malaman ni Mommy? Sigurado magagalit siya? Lalo na… kung hindi kamukha ni Rain ang bata.”Ginugulo siya ng kanyang isip. Ang magluwal ng anak na hindi mula sa dugo ni Rain ay tila isang pagtataksil. Ngunit ang tumanggi ay nangangahulugang pagkadismaya ng lahat.“Bella.”Mababa, malamig, at utos ang tinig na tumawag sa kanya. Napalingon siya, nagulat, at nakita si Ronel ang malamig at matipuno, na ang presensya’y kayang magpatuwid ng likod ng sinuman nakaharap sa laptop habang iniabot sa kanya ang isang file.“I-scan mo ito. Ipadala mo sa personal WhatsApp ko as PDF,” utos niya, matalim at walang puwang para

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 7

    Kadarating lang ni Ronel sa Reynolds Corporation ang limampung palapag na malaking company ng kanilang pamilya, na ang impluwensiya’y umaabot sa iba’t ibang bansa.Matatag ang bawat hakbang niya, puno ng utos, habang tinatahak ang magarbong lobby. Naputol ang mga usapan, tumuwid ang mga likod ng empleyado, at ang ingay ay biglang naglaho. Wala pa siyang sinasabi, ngunit ang presensya niya lamang ay sapat na upang mag-utos ng katahimikan.Diretso siyang nagtungo sa executive lift nakalaan lamang para sa pinakamataas na posisyon sa company. Isang swipe ng kanyang card, at agad siyang nakarating sa ika-49 na palapag. Sa harap ng kanyang opisina, tumama ang tingin niya sa mesa ng secretary sa labas, bago siya pumasok at agad na tumawag.“Hello, sir, how can I help?” sagot ni Arya.“Ipalipat ang mesa ng secretary sa loob. Ilagay sa kanan ng mesa ko,” malamig na utos ni Ronel, walang space para sa pagtutol.“Yes, sir.”Umupo si Ronel sa itim na leather chair ang upuan ng kapangyarihan na na

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 6

    “Rain” halos bulong ang tinig ni Bella habang sinusundan ang asawa papasok sa kanilang kwarto matapos ang dinner.Biglang lumingon si Rain, malamig ang titig na tila tumatagos sa kanya. Ang gilid ng kanyang labi ay kumurba sa isang mapanuyang ngiti.“Ang talino mo din ano Bella. Alam mong si Kuya Ronel ang kinatatakutan ng lahat dito sa pamilya, kaya tumakbo ka sa kanya para humingi ng tulong.”Napakunot ang noo ni Bella, litong-lito.“Anong… ibig mong sabihin, Rain?”“‘Dont play dumb Bella!” Sambit ni rain Habang dinuduro duro nya si Bella sa sobra nyang kainisan sa sarili nyang asawa.“I’m sure nagreklamo ka kay kuya, hindi ba? At sinabi mong sawa ka na sa pagturing sa’yo na parang servant lang dito sa bahay.”Alam ni Rain ang ugali ng kanyang kapatid. Oo, matapang si Ronel, pero hindi siya marunong tumalikod sa taong lumapit na umiiyak. Sa isip ni Rain, sure sya na ginawa iyon ni Bella.“That’s why you begged him for a job para makatakas sa gawaing bahay, tama?” Nanggigil ang pang

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 3

    “Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig an

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 1

    “Find another man to get you pregnant, Bella.”Parang martilyong tumama sa dibdib ni Bella ang mga salitang iyon ni Rain nang umagang iyon.Nanlaki ang mga mata ni Bella sa sinabi ng asawa nya. Paano nagawa ng sariling asawa na kalmado siyang utusan na magpabuntis sa ibang lalaki?“Se-seryoso ka ba

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 5

    “Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tuming

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 4

    “Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status