LOGINMarahang bumukas ang elevator na sinasakyan ni Lorraine. Nang bumukas iyon ay lumabas na rin siya.Isang malamig at preskong simoy ng hangin ang agad na sumalubong kay Lorraine nang lumabas siya sa Garden Level. Hindi katulad ng katahimikan sa executive floor, mas buhay ang bahaging iyon ng resort at maraming bumabati sa mga mata niya na pinapaklama din siya.Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw ang malawak na garden na nababalutan ng iba't ibang uri ng bulaklak. May mga puting rosas na maayos na nakahanay sa magkabilang gilid ng stone pathway, habang ang makukulay na hydrangea at lavender ay marahang sumasayaw sa bawat ihip ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam na ito ang nakikita niya ngayon.Huminga siya nang malalim at napapikit pa siya nang ilang segundo.Ang sariwang amoy ng damo, mga bulaklak, at pine trees ay tila unti-unting naghuhugas sa lahat ng pagod na naipon sa kaniya nitong mga nakaraang linggo. Hindi niya namalayang napangiti siya.Matagal na rin noong huli siyang nagkaroon
Tahimik na nakatitig si Lorraine sa puting sobre na nasa kaniyang mga kamay. Nagdadalawang-isip pa siya kung bubuksan ba niya iyon o hindi. Hindi naman iyon makapal. Wala ring pangalan sa harapan. Isang simpleng puting envelope lamang na isinara gamit ang maliit na gintong sticker na may logo ng resort.Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya ay mas mabilis pa ang tibok ng puso niya kaysa noong unang beses siyang inalok ni Tyron na maging fake girlfriend nito. First niya kayang makatanggap ng letter.Parang sa panahon kasi ngayon, madalang na lang siguro ang gumagawa ng letter. Para bang nawala na sa uso ang mga ganon. Kasi ngayon, ang bilis at ang dali na lang mag-send ng message eh. Isang pindot mo lang, mapapadala na agad sa receiver mo. Hindi katulad dati na kailangan mo pa talaga mag-effort at maghintay ng matagal.Marahan siyang naupo sa sofa. Inilapag muna niya sa coffee table ang tray na may dalang tsaa at cookies bago muling binalikan ang sobre. Napakagat siya sa kan
Marahan niyang ibinaba ang key card sa ibabaw ng maliit na console table na malapit sa pintuan.Bumalot ang katahimikan sa buong kwarto. Nakakabingi pala ang katahimikan kapag wala si Tyron. Iyon agad ang napansin ni Lorraine. Ano na lang kaya ang gagawin niya dito ngayong siya na lang mag-isa. Nakakabored pala kapag wala yong taong palaging nangungulit sayo.Napabuntonghininga na lang si Lorraine at pinalibot ang mga mata sa buong kwarto. Ang laki ng kwarto at marami siyang pwedeng gawin pero parang blangko ang utak niya ngayon. Siguro dala na rin ng pagod sa byahe.Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis si Tyron, ngunit pakiramdam niya ay tila lumawak pa lalo ang Presidential Mountain Suite. Kung malaki na ang kwarto ay mas lumaki pa dahil umalis si Tyron. Napalabi na lang siya ng wala sa oras.Kanina, noong naroon pa ito, parang puno ng buhay ang silid. Ang saya ng pakiramdam niya kahit na kinakabahan siya. Iba kasi yong kaba niya talaga kanina. Yong kaba na may ha
Hindi pa tuluyang nawawala ang ngiti sa mga labi ni Lorraine. Hindi na niya kayang magpanggap pa. Alam niyang kahit anong gawin niyang pagtatakip ngayon ay halata na ang kilig na nararamdaman niya. Lalo pa’t si Tyron itong kausap niya. Na kahit pati utot niya yata ay alam na nito ang meaning.Gusto niyang matawa kanina kasi pinipilit talaga siya ni Tyron na sabihin ulit ang sinabi niya kanina kasi may narinig nga daw talaga ito. Pero hinding-hindi siya aamin. Kahit pa siguro kilitiin siya nito ay hindi siya nito mapapaamin.Quotang-quota na siya sa hiya ngayong araw ah. Ayaw na niyang dagdagan.Grabe ang umagang to sa totoo lang. Napaka roller coaster ride ang nararamdaman niya. Halo-halo na eh. Kilig, tuwa, inis, at hiya. Daig pa ang itlog na scrambled sa sobrang scrambled eh.Nakatayo pa rin siya sa may paanan ng kama, habang pilit na ikinukubli ang pamumula ng kaniyang mukha. Hindi niya maharap si Tyron at baka mabasa na naman nito ang iniisip niya. Pero kahit hindi nito mabasa ang
"Pero paano kung sabihin ko sa'yo na ayaw kong irespeto mo ang personal space ko?"Halos kasabay ng paglabas ng mga salitang iyon sa kaniyang bibig ay nanlaki rin ang sariling mga mata ni Lorraine.Napasinghap siya nang mahina. Hindi niya talaga na control ang sarili niya. Para talagang may nagtutulak sa kaniya na halikan ito sa mga labi o di kaya kagatin ang leeg nito. Pero, kung gagawin niya yon. Parang hindi na siya yon.Tinitigan na lang niya si Tyron at napakagat siya sa ibang labi. Yong pinapakita niya kanina ay parang iba talaga sa sinasabi niya ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay nahuli ng sarili niyang bibig ang isip niya.Hindi niya sinasadyang sabihin iyon. Hindi niya man lang pinag-isipan. Basta na lamang iyong kumawala sa bibig niya.At heto na naman siya ngayon, naglalakad palapit kay Tyron. Pero para siyang nagising nang magtama na naman ang kanilang mga mata.Bakit niya ba ginagawa ito? Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Unti-unti niyang itinaas ang tingin kay Tyron.
"Well..."Marahang napabuntong-hininga si Tyron habang nakatingin sa nag-iisang king-size bed sa gitna ng silid.Ipinilig nito nang bahagya ang ulo bago napangiti na tila natatawa na lamang sa sitwasyong kinasadlakan nila."I guess..." mahinahon nitong sabi habang ibinabalik ang tingin kay Lorraine. "...we really need to set some ground rules."Nanatiling nakatayo si Lorraine sa may pintuan. Hindi pa rin niya maialis ang tingin sa kama. Napakalaki nito. Sobra pa nga yata para sa apat na tao.Pero sa kung anumang dahilan ay mas lalo siyang kinakabahan dahil iisa lamang iyon. Hindi dahil natatakot siya kay Tyron. Kabaligtaran pa nga.Alam niyang hinding-hindi siya sasaktan ng lalaki at marahil iyon mismo ang problema. Habang mas nakikilala niya ito ay mas lalo siyang nahihirapang kumbinsihin ang sarili na isa lamang itong kontrata.Marahan niyang ibinaba ang tingin. Napansin niyang mahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa strap ng kaniyang handbag. Hindi niya namalayang kinakabahan na
Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mga kalsada pauwi sa mansion.Sa labas ng tinted window ay sunod-sunod na dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Madilim na talaga sa labas at hindi rin alam ni Lorraine
"Salubungin mo na ang asawa mo.""Manang!"Namula si Lorraine hanggang tainga habang malakas na tumatawa si Manang Lynn. Pakiramdam niya ay lalo lamang siyang inaasar ng matandang babae. Ngunit bago pa siya makaisip ng maisasagot ay muli nilang narinig ang pagsara ng pinto ng sasakyan mula sa labas
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







