LOGINHawak ang vacuum cleaner, dahan-dahan kong sinimulan ang aking misyon. Ang penthouse na ito ni Lucas ay napakalawak, ang ganda ng interior dahil ito ay modern, sleek, at halatang milyones ang halaga ng bawat muwebles. Pero habang nagtatakbo ang vacuum sa ibabaw ng mamahaling carpet, hindi maalis sa utak ko ang imahe ni Lucas na nakaupo sa kaniyang desk, seryosong nagtatrabaho. Pati na tong carpet na to ay nagpapadistract sa akin dahil dito kami gumawa ng milagro nung nakaraan. Paminsan-minsan, pasimple akong sumusulyap sa kaniya mula sa kalayuan. Lord, maawa ka naman sa kaluluwa ko. Paano ako makakapaglinis nang matino kung 'yung landlord-slash-boyfriend ko, mukhang ibinaba mula sa langit para lang mang-akit? Nakakabit pa rin sa kaniyang matangos na ilong ang kaniyang eyeglasses, at bawat pagkunot ng kaniyang noo kapag may binabasang kontrata ay parang kutsilyong tumutuhog sa marupok kong puso. Gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya, tanggalin 'yung salamin niya, at sabihing, Siir Lu
Tumayo si Lucas mula sa kaniyang upuan at dahan-dahang inunat ang kaniyang matatayog na balikat na parang isang leon na kagagaling lang sa panunubok ng mga kumpanya. Lord, bakit gano’n? Nag-stretch lang naman siya pero pakiramdam ko kailangan ko nang humawak sa gilid ng mesa para hindi ako maglaho na parang bula sa sobrang kapusukan ng aking imahinasyon. Pumuwesto siya sa tapat ng dining table, at ako naman ay umupo sa kaniyang harapan, nakatitig sa kaniya nang may halong pagmamalaki habang ipinagmamayabang ang aming masaganang tanghalian. Isang malaking plato ng golden-brown na chicken nuggets, lumpiang shanghai na medyo tusok-tusok ang balat sa reyna ng kapritso, dalawang mabilog na sunny-side-up eggs, at dalawang mangkok ng umuusok na kanin. Siyempre, hindi mawawala ang iconic na duo, banana ketchup at mayonnaise. Tinitigan ni Lucas ang hapag-kainan nang ilang segundo. May bahagyang pagtaas ng kaniyang pambihirang kilay bago tumingin pabalik sa akin. "So... this is the five-sta
Sa sobrang pagod ng katawan at isip ko sa mga nagdaang pangyayari, tila pinaantok ako ulit ng mundo at ang lambot ng kama pati ang lamig ng aircon ang tanging nagligtas sa akin. Pagkaipod ko sa malambot na unan, bagsak agad ako. Zero resistance, bagsak ang katawan. Kinaumagahan... o kung umaga man iyon. Bahagyang dumilat ang isa kong mata. Ang dilim pa rin ng paligid dahil nakasara ang makapal na blackout curtains ni Lucas. Unti-unti kong iginalaw ang aking kamay para kapain ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand. Kapagkakuha, agad kong binuksan ito. Nang mapindot ko ang screen at sumilip ang nagniningning na liwanag nito, agad kong dinilat nang buo ang dalawa kong mata. 12:15 PM. Napabangon ako nang walang kurap! Parang binagsakan ng kidlat ang buo kong pagkatao. Napahawak ako sa aking ulo habang ang mga mata ko ay halos lumuwa sa gulat. "Hala, jusko Lord!" napatili ako nang mahina habang mabilis na ibinaba ang mga paa sa sahig. "Alas-dose na?! Tanghali na!" Paanong nangyarin
Tumingin ako sa malaking ceramic na plato na nasa aking harapan. Puno ito ng iba't ibang klase ng pastry, mga croissant na ginintuan ang kulay at kitang-kita ang malutong na layers, mga pranses na tart na may makikinang na prutas sa ibabaw, at kumpol ng makukulay na macaron na tila mga mamahaling hiyas sa ilalim ng ilaw ng kusina. Napakaganda ng pagkakaayos ng mga ito, ngunit mas lalo akong nalingat sa dami nito."Lucas," panimula ko, habang nakaturo ang aking hintuturo sa gitna ng mesa. "Sigurado ka bang para sa akin lang ang lahat ng ito? Parang pambuong pamilya naman itong binili mo. O baka naman may darating kang bisita?"Natawa si Lucas nang mahina, ang kaniyang balikat ay bahagyang yumugyog habang sumasandal siya sa gilid ng marble counter. "No, Anya. That’s all for you. I wasn’t sure which ones you’d like, so I decided to buy a variety of everything that looked good. I wanted to make sure you have choices.""Napakagastos mo talaga," bulong ko, bagaman may halong pasasalamat ang
Habang tumatakbo ang sasakyan sa malawak na kahabaan ng expressway, unti-unting binalot ng katahimikan ang buong loob ng kotse. Ang marahang ugong ng makina at ang malamig na hangin mula sa air conditioner ay tila isang lullaby na unti-unting humihila sa aking mga talukap. Tumingin ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga naglalakihang puno, mga poste, at mga ilaw sa kalsada na mabilis na lumilipas sa aking paningin.Kasabay ng paglayo namin sa aming baranggay ang unti-unting pagbabalik ng mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Ang lahat ng emosyong pinagdaanan ko ngayong araw, ang takot nang harapin ako ng ina ni Lucas, ang sakit ng kaniyang mga salita, ang biglang pagkawala ng aking trabaho, at ang labis na kagalakan nang makasama ko ang aking pamilya, ay tila sabay-sabay na sumingil sa aking katawan. Naramdaman ko ang pagod, hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi ang matinding pagod ng aking isip at puso na kay tagal ding nagtiis at nagkunwaring matatag.Bahagya kong naramdaman
Habang nakatingin ako kay Nanay at kay Lola na parehong abot-langit ang ngiti sa amin ni Lucas, tila ba lumutang ang buong pagkatao ko sa labis na kaligayahan. Ang init ng tag-init na pumapasok sa aming bintana ay tila napalitan ng isang malambot at nakagiginhawang simoy ng hangin. Binalingan ko si Lucas na kasalukuyang masayang nakikipag-usap kay Lola, at kahit gaano ko kagustong patagalin ang oras na ito, alam kong oras na para magpaalam."Ah, Nay, Lola..." marahan kong pagtawag sa kanilang atensyon habang dahan-dahang tumayo mula sa aking kinauupuan. Lumapit ako sa gilid ng aming maliit na papag kung saan nakalagay ang aking lumang backpack na naglalaman ng aking mga personal na gamit at ilang piraso ng damit na dadalhin ko pabalik sa trabaho. "Kailangan ko na pong mag-ayos ng mga gamit ko. Medyo humahaba na rin po ang oras at kailangan ko na pong bumalik sa trabaho para hindi ako mahuli sa shift ko bukas."Mabilis kong inayos ang zipper ng aking bag at isinukbit ito sa aking bali
Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba k
Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan
Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para
Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang







