“Dad! Hindi ganyan ang gusto kong isipin niyo!Nagaalala lang ako sainyo, Iniisip ko lang ang kalagayan mo, Papa. Pakiramdam ko kasi inaakit ka ng babaeng ’yon!” madiing saad ni Draven habang pilit pinapakalma ang sarili. Nanatiling tahimik si Sir.Brooklyn habang dahan-dahang iniikot ang baso ng alak sa kaniyang kamay. “Draven… mali ang iniisip mo,” malamig ngunit kalmadong sagot niya. “At isa pa…wala ka namang dapat iakabahala, wala na ang mama mo.” Bahagyang natigilan si Draven. “Matagal nang wala ang mama mo,” dugtong pa ni Sir.Brooklyn habang diretso ang tingin sa anak. “Panahon na rin siguro para palitan ko siya sa puso ko.” Nanigas ang ekspresyon ni Draven matapos marinig iyon. “Dad…” mahinang saad niya. Ngunit bahagyang ngumisi si Sir.Brooklyn, iyong tipong kalmado ngunit mapanganib tingnan—isang ngiti ng amang nagmamahal at sanay makuha ang anumang gusto niya. “Don’t look at me like that,” malamig niyang dagdag. “Lalaki rin ako, Draven. At hindi habang-buhay ako
Magbasa pa