“Tita, ano bang sinasabi mo?!” gulat at bahagyang inis na saad ni Draven. “Kampi tayo rito, hindi ba? Kaya huwag n’yo akong sinasabihan ng ganyan tungkol kay Vera dahil wala akong pakialam sa kanya.” “’Wag kang mag-alala, Honey,” malambing na sabat ni Savannah habang hinahaplos ang kamay nito. “Hindi naman ako naniniwalang gusto mo ang katulong na iyon.” Nanatiling tahimik si Draven sa loob ng ilang segundo bago siya napabuntong-hininga. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa kanyang tiyahin. “Ano ba talaga ang balak mo, Tita?” seryoso niyang tanong. “Bakit kailangang magpakasal si Savannah sa ama ko?” Bahagyang ngumiti si Velma, ngunit may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. “Alam mo, iho,” mababa ngunit mariing sabi niya, “kapag natuloy na pinakasalan ng ama mo ang katulong na iyon, malaking posibilidad na mapunta sa kanya ang malaking bahagi ng kayamanan ng pamilya ninyo. Gusto mo bang mangyari iyon?” Napayuko sandali si Draven na tila nag-iisip. Hindi niya agad sinagot
Magbasa pa