ログインMarahan siyang umiling at natawa. Ayaw niyang isipin na seryoso si Aeros sa sinabi nito, kahit na mukhang hindi naman talaga ito nagbibiro. “Ang sabi mo, "you can just touch me and I'd probably give you whatever you want"...” sinubukan niyang gayahin ang pagkakasabi nito, ngunit masyadong malalim ang baritono nitong boses kaya nahirapan siya. Hindi rin nakakatulong na nagsusugat ang ngiti sa kaniyang labi kaya hirap siyang magsalita ng seryoso kagaya kung paano iyon seryosong sinabi ni Aeros. Ngumiti na siya nang tuluyan. Natatawa pa dahil hindi niya maseryoso ang sinabi nito. Hindi niya kailanman naisip na may ganitong side rin pala si Aeros. Ngunit ano’ng alam niya? Si Aeros na mismo ang nagsabi na kahit hindi ito nag nag-gi-girlfriend ay nakikipagfling naman ito noong college, kaya siguradong marami ang karanasan nito sa babae. Alam nito kung paano magpakilig. “So, that only means you needed just a touch and you would easily surrender.” Pang-aasar niya. Nagtiim baga
Sa alaala ni Rory, hindi siya sinusuyo ni Dale kapag nag-aaway sila o kung mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila. Ma-pride rin kasi ang lalaki kaya hindi ito humihingi ng tawad o kusang-loob na nagpupunta sa kaniya para pag–usapan nila ang naging problema. Madalas, hinihintay lang nito na lumamig ang kaniyang ulo, saka sila mag–uusap na parang walang nangyari.Para bang awtomatikong magpapatawad na lang siya kahit na hindi ito humihingi ng tawad sa kaniya. Alam niyang hindi dapat gano’n. Ang paghingi ng tawad ay maliit lang na bagay para sa isang relasyon kung gusto ng isang tao na ayosin iyon. Ngunit marahil nasanay na siyang hindi ito humihingi ng tawad kaya hinahayaan na lang din niya. Ginagamit na lamang niya ang kaniyang pang-unawa at pinapahaba na lamang ang kaniyang pasensya. Ngunit dahil sa nangyari sa club, napagtanto niya na may hangganan din pala ang kaniyang pang-unawa at pasensya. Kaya ngayon na sigurado na siyang ayaw na niyang makipagbalikan, sana maunawa
Nakabalik sila sa kanilang mesa, ngunit natutulala pa rin siya sa kawalan. Ni hindi niya napansin na pinaupo na siya ng kaniyang ina sa tabi ni Aeros.Nasabi na sa kaniya ni Lavender na lumuwas nga raw ng Manila si Dale dahil hindi siya mahanap sa Cagayan de Oro. Nabanggit din ng kaniyang ina sa mga text messages nito na nagpunta si Dale sa bahay nila at tinanong kung nasaan siya.Naniwala siyang nasa Manila si Dale dahil kayang-kaya naman talaga nitong tumira sa Manila ng ilang araw. Ngunit wala sa isip niya na posibleng magkita ulit sila habang nananatili ito rito.“Are you okay?” Mahinang bulong ni Aeros sa kaniyang tabi.Napakurap siya ng mabilis at napalingon dito. Ang malamig nitong mga mata ang agad na bumati sa kaniya.Kanina pa pala nito pinagmamasdan ang namumutla niyang mukha.Sinubukan niyang ngumiti ngunit nanginginig ang kaniyang mga labi.Marahan na lamang siyang tumango.“I’m fine…”Kumunot ang noo nito. Parang hindi ito naniniwala, ngunit hindi na muling nagtanong.“Y
Sino ang gugustuhing magpabuntis sa lalaking pakakasalan naman ng ibang babae? Sumisigaw ang kaniyang isip, ngunit walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. “I don’t need this—” “You need it!” Giit nito, pinutol siya. Gusto niyang ipaliwanag na hindi naman siya ginagalaw ni Aeros at ramdam niyang wala pa itong balak na galawin siya. Ilang beses na silang naghalikan ni Aeros. Ilang beses na siyang muntik na madarang ng apoy, ngunit si Aeros, malakas ang kontrol nito sa sarili. Hindi sila kailanman lumagpas sa halikan. “Please, Rory, take these. I want you to be safe—” “This is how you’re keeping me safe?” Sarkastiko niyang tanong. Natigilan si Lorna. Pumiksi siya sa hawak nito at muli namang umatras, hindi na ngayon sumunod si Lorna, hinayaan na nito ang distansya sa pagitan nila. Tiningnan niya ito ay hindi na itinago ang sakit at kabiguan sa kaniyang mga mata. Gusto niyang makita nito ang nararamdaman niya. “I don’t understand why you're doing this... Kung gusto m
Nagmamadali nitong binuksan ang dalang clutch bag at inilabas ang tatlong kulay pink na karton. Tiningnan niya iyon at nang mabasa ang nakasulat sa packaging ay napaatras na lamang siya. Pills nga ang dala ng kaniyang ina. Para siyang nae-eskandalo habang lumalayo rito. Wala pang nangyayari sa kanila ni Aeros. Sa ilang araw nila sa Casa Verde, hindi pa sila nagtatalik. Hindi siya nito pinagsamantalahan o pinilit man. Kahit na noon una’y iyon din ang iniisip niya kay Aeros, na pagsasamantalahan siya nito, napatunayan sa kaniya ng lalaki na hindi iyon ang habol nito sa kaniya. Aeros is not that worldly. “I bought these pills for you. Bumili na ako ng marami para makasigurado na palagi kang may-stock.” Umiling siya at naeeskandalong tiningnan ang kaniyang ina. Seryoso ba ito na bibigyan siya ng pills? Parang may sumipa sa kaniyang tiyan. Kailanman, hindi siya nakapagsabi sa kaniyang Mommy tungkol sa mga lalaki. Kahit ang tungkol sa kaniyang mga crush noong hayskul siya ay inii
Dahil sa sinabi ng kaniyang ina, kinailangan na palitan ang kaniyang dessert ng plant-based milk kaysa sa dairy milk. Iyon nga lang, nang iserve sa kaniya ang panibagong dessert ay hindi niya rin nagawang kainin dahil ang toppings nito’y pistachios.May severe allergy siya sa mani at halos lahat ng klase ng nuts. Nahihirapan siyang huminga at agad na mumula ang kaniyang balat kapag nakakakain siya maski kaunti lang no’n.Ngunit mukhang hindi alam ng kaniyang ina ang bagay na ’yon, kaya nang ilapag sa kaniyang harap ang pistachio tiramisu ay hindi na ito nagreact kagaya kanina.See, the difference now, Rory. Mapait na bulong ng kaniyang isip.Alam ng kaniyang ina na lactose intolerant si Wenona, ngunit hindi nito alam na may allergies siya sa nuts. Kahit na siya ang anak, mas kilala pa rin nito si Wenona kumpara sa kaniya.Sa ilang taon na magkakasama sila sa iisang bubong, napapansin niya kung paano alagaan ng kaniyang Mommy ang mga anak ni Christian. Palagi itong maingat at mapili sa
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg
“Aeros?” Napalingon sila sa may hagdan nang marinig na may tumawag sa pangalan ni Aeros. Isang matandang kasambahay ang umaakyat sa hagdan. Nakasuot ito ng unipormeng pangkasambahay. Puno na ng puti ang buhok nito, ngunit kahit na mukhang lagpas sesenta na ito ay malakas pa rin. “Ngayon ko lang
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan







