Share

Chapter 124

Aвтор: Olivia Thrive
last update publish date: 2026-07-20 17:55:42

Hindi makatulog si Leila nang gabing iyon.

Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasandal sa headboard habang nakatitig sa kawalan.

Tahimik ang buong condo.

Mahimbing na marahil ang tulog ni Oliver.

Si Aling Rosa ay nasa kabilang kwarto.

At si Dylan…

Hindi niya alam kung natutulog na rin ba ito.

Pero kahit anong pilit niyang ipikit ang kanyang mga mata, hindi niya magawang makatulog.

Dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina.

Ang paraan ng paglapit ni Dylan.

Ang seryosong tingi
Продолжить чтение
Scan code to download App
Заблокированная глава

Latest chapter

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 125

    Hindi agad nakasagot si Leila.Nakatitig lamang siya kay Dylan habang pilit inuunawa ang sinabi nito.Even if I couldn’t remember, please be there to make me remember what I have forgotten, Leila.I want you to be there by my side always.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga salita nito.Hindi niya alam kung bakit parang biglang bumigat ang kanyang dibdib.Sa lahat ng bagay na maaari niyang hilingin kay Dylan…Bakit iyon?Bakit gusto nitong siya ang kasama habang hinahanap nito ang mga nawawalang bahagi ng sarili nitong buhay?Hindi ba nito alam kung gaano kahirap para sa kanya?Hindi ba nito alam na sa tuwing nagtatanong ito tungkol sa nakaraan, kailangan niyang mag-ingat sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig?Dahil alam niya ang totoo.Alam niyang may bahagi siya sa nakaraan ni Dylan na hindi pa nito natutuklasan.Alam niyang may mga alaala itong hindi pa bumabalik.At alam niyang kapag dumating ang araw na maalala nito ang lahat…Maaari nitong tuluyang mabago a

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 124

    Hindi makatulog si Leila nang gabing iyon.Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasandal sa headboard habang nakatitig sa kawalan.Tahimik ang buong condo.Mahimbing na marahil ang tulog ni Oliver.Si Aling Rosa ay nasa kabilang kwarto.At si Dylan…Hindi niya alam kung natutulog na rin ba ito.Pero kahit anong pilit niyang ipikit ang kanyang mga mata, hindi niya magawang makatulog.Dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina.Ang paraan ng paglapit ni Dylan.Ang seryosong tingin nito.Ang halos pagdikit ng kanilang mga labi.At higit sa lahat…Ang tanong nito.“If I remember everything… and I still feel the same way about you… will you let me kiss you then?”Napapikit si Leila.Bakit ba kailangang itanong iyon ni Dylan?Bakit kailangang sabihin nito ang mga salitang iyon na hanggang ngayon ay parang nakakulong sa kanyang isip?At bakit…Bakit gusto niyang sagutin iyon ng oo?Napahawak siya sa kanyang dibdib.Mabilis ang tibok ng kanyang puso.Hindi niya iyon maitatang

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 123

    Hindi nakatulog si Leila nang gabing iyon.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina.Ang halos pagdikit ng mga labi nila ni Dylan.Ang paraan ng pagtingin nito sa kanya.At ang tanong na hanggang ngayon ay parang nakakulong sa kanyang dibdib.“If I remember everything… and I still feel the same way about you… will you let me kiss you then?”Napapikit si Leila.Hindi niya alam kung bakit tila mas lalo siyang natatakot sa tanong na iyon kaysa sa lahat ng banta na natanggap niya nitong mga nakaraang araw.Dahil ang totoo…May bahagi sa kanyang gustong sumagot ng oo.Pero hindi pa maaari.Hindi hangga’t hindi naaalala ni Dylan ang lahat.Dahil may isang bahagi ng kanilang nakaraan na hindi niya kayang balewalain.Ang panahong siya lamang ang naiwan.Ang panahong wala si Dylan.At ang araw na nalaman niyang…Buntis siya.⸻Bata pa si Leila noon.Hindi pa niya alam kung paano haharapin ang isang responsibilidad na mas malaki pa sa kanyang sarili.Nakatayo siya sa loob ng ma

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 122

    Kinabukasan, mas maganda na ang pakiramdam ni Dylan.Hindi na siya nilalagnat.Bumaba na rin ang init ng kanyang katawan.Pero kung may isang bagay na hindi bumaba…Iyon ay ang nararamdaman niya tuwing naaalala niya ang buong gabing inalagaan siya ni Leila.Ang pagpunta nito sa kwarto niya bawat ilang oras.Ang pag-aayos ng kumot.Ang paglalagay ng malamig na bimpo sa noo niya.Ang walang sawang pagsasabi nitong uminom siya ng gamot.At higit sa lahat…Ang mahinang sinabi nito kagabi.“Hindi naman kita kayang pabayaan.”Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Pero hindi niya iyon kinaiinisan.Sa katunayan…Gusto niya.Sobra.⸻“Good morning.”Napalingon si Dylan nang marinig ang boses ni Leila.Nasa kusina ito.May hawak na tray ng pagkain.“Breakfast.”Lumapit siya.“I can do that.”“I know.”Sagot ni Leila.“Pero may sakit ka pa kahapon.”“Yesterday.”Ngumiti si Dylan.“Now…I’m perfectly fine.”Napataas ang kilay ni Leila.“Perfectly fine?”Tumango siya

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 121

    Alas-diyes na ng gabi m, mahinbing nang natutulog si Oliver matapos ang mahabang araw.Si Aling Rosa naman ay nagpaalam na ring magpapahinga.Habang si Leila ay nasa kusina, naghuhugas ng huling baso bago matulog.Napangiti siya nang maalala ang nangyari kanina.Kung paano nagpumilit si Dylan na ilayo ang payong sa sarili para hindi sila mabasa ni Oliver.At kung paano ito napangiwi sa bawat lagok ng ginger tea.“Para kang bata,” natatawa niyang bulong sa sarili.Pinatay niya ang ilaw sa kusina at balak na sanang dumiretso sa kanyang silid.Ngunit…“Achoo!”Napalingon siya sa sala.Isa na namang malakas na bahing ang narinig niya.Sinundan pa iyon ng mahinang pag-ubo.Kumunot ang noo niya.“Dylan?”Walang sumagot.Naglakad siya papunta sa guest room kung saan pansamantalang natutulog si Dylan.Bahagyang nakaawang ang pinto.Marahan niya iyong tinulak.Nakita niyang nakahiga si Dylan.Namumula ang mukha nito.Mahimbing ang tulog, ngunit halatang hindi komportable.Lumapit siya.“Dylan…

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 120

    Matapos ang masayang grocery trip noong Sabado ng hapon, punong-puno ng mga paper bag ang shopping cart nila.“Mommy, bili natin ’yung dinosaur nuggets next time ha?” masayang sabi ni Oliver habang itinutulak ang maliit na cart..“May chicken nuggets pa tayo sa freezer.”“Pero mas masarap ’yung dinosaur.”“Tingin mo lang mas masarap dahil dinosaur.”“Hindi ah. Mas heroic.”Napatawa si Dylan.“I agree with Oliver.”Kumunot ang noo ni Leila.“Ikaw pa talaga ang kakampi.”“Siyempre. Men’s alliance.”Nag-high five pa ang dalawa.“Yey!”Napailing na lang si Leila habang natatawa.“Dalawa talaga kayong makukulit.”Paglabas nila ng supermarket, madilim na ang kalangitan.Napansin ni Dylan ang makakapal na ulap.“Parang uulan.”Kasasabi pa lamang niya…Biglang kumislap ang langit.Kasunod noon ang malakas na kulog.At ilang segundo lang ang lumipas…Bumuhos ang malakas na ulan.“Mommy!”Napayakap si Oliver sa braso ni Leila.“Ang lakas!”Mabilis na binuksan ni Dylan ang trunk ng sasakyan.“Di

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 4

    Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 3

    Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 2

    Fine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib. “If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 5

    Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status