Mag-log inPagkasara na pagkasara ng pinto ng penthouse, tila doon lang ako tuluyang nakahinga nang malalim. Ang marangyang sala ni Lucas na may malalaking glass windows na nakaharap sa lungsod ay nagbigay sa akin ng pamilyar na pakiramdam ng seguridad. Pero sa kabila ng karangyaan ng paligid, ang pansin ko ay nanatiling nakapako sa lalaking kasama ko. Inilapag ko ang aking sapatos sa may sapatusan, malapit sa pinto at humarap sa kaniya. Si Lucas naman ay nagsimulang magtanggal ng kaniyang mamahaling wristwatch at bahagyang niluwagan ang butones ng kaniyang polo, halatang pagod na pagod mula sa kung anong gulo ang hinarap niya sa mansyon ng mga Villamor. "Lucas..." panimula ko, maingat ang tono ng aking boses habang pinagmamasdan ang seryoso niyang mukha at ang maliit na hiwa sa kaniyang panga. "Ayos naman na ang lahat, diba? Tapos na ba talaga ang gulo sa mansyon?" Huminto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin. Ang kaniyang mga madidilim at malalalim na mata ay panandaliang lumambot
Hindi ko na nagawang sumagot sa kaniya sa pamamagitan ng salita. Bahala na kung mukha akong asong sabik na nakawala sa tali, at bahala na rin kung isipin ni Nathan na masyado akong PDA. Sa mga sandaling iyon, ang tanging alam ko lang ay kailangan kong maramdaman na totoo siya, na narito siya sa harap ko, ligtas, at hawak ko. Binitawan ko ang aking hawak na maliit na bag at agad akong tumakbo patungo sa kaniya. Parang bumagal ang ikot ng mundo habang binabaybay ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Nang makalapit ako, walang pag-aalinlangan kong isinubsob ang sarili ko sa kaniyang malapad na dibdib at ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang baywang. "Lucas!" bulalas ko, bahagyang nanginginig ang boses ko sa pinaghalong takot, pananabik, at labis na ginhawa. "Lucas... salamat sa diyos at okay ka lang. Sobrang nag-alala ako sa'yo! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo roon sa loob!" Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang katawan sa unang segundo ng bigla kong pagdamba, tila b
Sabi nila, time is gold. Pero sa mga sandaling iyon, habang nakaupo ako sa isang mamahaling swivel chair sa loob ng kwarto ni Nathan, pakiramdam ko ang oras ay gawa sa mabagal at natutunaw na semento. Isang oras. Isang buong oras kaming nagbabad sa loob ng silid na iyon habang naghihintay ng pagkakataon na lumabas ng hindi kahina-hinala. Sa bawat patak ng segundo, hindi ko mapigilang hindi mag-overthink. Nakatitig lang ako sa kisame, pero ang utak ko, gumagawa na ng buong teleserye. Ano kayang ginagawa ni Lucas ngayon? Nasaktan kaya siya ng dad niya? May pasa kaya ang napakaguwapo at napakatikas niyang mukha? Naku, kapag may galos ang panga ng lalaking iyon, handa akong mag-welga sa tapat ng mansyong ito! Ang mukhang iyon ay pambansang kayamanan, hindi dapat sinasaktan! "Anya, stop fidgeting. Lumulubog na 'yang upuan sa sobrang panginginig ng binti mo," basag ni Nathan sa katahimikan habang hindi man lang inaalis ang tingin sa cellphone niya. "Sir Nathan naman, isang oras na o! Is
Sumunod ako sa kaniya pabalik sa silid niya. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Nathan at maingat na ibinaba ang tray sa ibabaw ng side table malapit sa kaniyang kama. Kahit anong pilit kong magmukhang kalmado, naramdaman ko ang kakaibang panginginig ng mga kamay ko. Ang kaba sa dibdib ko ay daig pa ang nakalunok ng isang buong alarm clock na walang tigil sa pagtunog. Paano kung saktan siya ng ama niya? Hindi naman siguro? Edi makadadagdag pa sa eskandalo yun? Pero paano kung itakwil siya? O paano kung... paano kung bigla na lang siyang ipakasal ulit sa iba sa loob ng study room na 'yon bilang parusa?! Ay, hindi maaari! Ang lalaking iyon ay para sa akin lang! Sa sobrang halo-halong emosyon na nararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humarap ako kay Nathan na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. "Sir Nathan! Bakit ba ang tagal-tagal nilang mag-usap doon? Ilang oras ba bago matapos ang sermon ng tatay niyo? Isang buong lecture ba ng kasaysayan ng pamilya niy
Sinuri uli ako ni Manang Ruchel mula ulo hanggang paa. Napapalunok na ako, iniisip kung namali ba ako sa palusot! Pero mukhang wala naman siyang nakitang dumi o gusot sa damit ko na magpapatunay na galing ako sa kung anong gulo, at dahil na rin siguro backed-up ako ng pahayag ng mismong anak ng amo na si Nathan, dahan-dahan siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga "Sige na, magpahinga ka na. Mukha ngang napagod ka sa mga pinagawa ni Sir Nathan. Pero siguraduhin mo lang na bukas ng umaga, maaga kang gigising. Maraming lilinisin sa mansyon dahil sa nangyaring gulo ngayon," saad niya bago tumalikod at tuluyang lumabas ng quarters. Nang marinig ko ang tuluyang pagsasara ng pinto, doon lang ako nagkaripas ng takbo papunta sa kwarto ko at bumagsak sa aking higaan. Salamat sa Diyos! pakiramdam ko ay nakaligtas ako sa bitayan. Agad kong niyakap ang aking unan, ipinikit ko ang aking mga mata habang ang labi ko ay kusang gumuguhit ng isang malawak na ngiti. Lucas baby, ang dami kong pina
“Act normal, Anya. Don't look like you just came back from a romantic getaway," seryosong untag sa akin ni Nathan habang pinapatay ang makina ng sasakyan sa pribadong garahe ng mansyon. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Ang mansyon ay tahimik, tanging ang huni ng mga kuliglig at ang marahang kaluskos ng mga dahon sa malawak na hardin ang naririnig. Habang naglalakad kami papasok sa pintuan ng mansyon ay unti-unti nang bumabalik ang kaba sa dibdib ko. Kulang na lang ay maging parang spy ako sa mga action movie sa dahan-dahan kong paghakbang. Nang makapasok na kami sa loob at makarating sa may hallway, huminto ako at humarap kay Nathan. "Sir Nathan, mauna na po ako sa maid’s quarters. Baka may makakita pa sa atin dito, mahirap na," bulong ko, habang panakaw na sumisilip sa paligid. Bahagyang natawa si Nathan, isang maikling tunog na halatang nangaasar na naman. "Don't worry too much, Anya. You don't have to look like a thief in your own workplace. I already called Manang Ruchel earl
Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba k
Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan
Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ika







