Lustful Nights With My Ruthless Boss (SPG)
Lustful Nights With My Ruthless Boss (SPG)
“Submit yourself to me, Ellen. Not because I'm your boss… but because you know I'll never let anything happen to what's mine.”
***
Isang mahirap na dalaga si Maria Ellen Sapungan na nangangarap lamang makapagtapos ng kolehiyo at mailigtas ang kanyang pamilya sa napakalaking utang. Nang maging katulong siya ng makapangyarihan at walang pusong billionaire na si Conrad Chase Montefalco, isang alok ang tuluyang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay.
Kapalit ng malaking halaga, pumayag si Ellen na maging parausan ni Conrad. Para sa binata, isa lamang siyang kasunduan. Isang magandang laruan na maaaring angkinin anumang oras.
Ngunit habang lumilipas ang mga gabi, unti-unting nabasag ang pader sa pagitan nila. Ang relasyong nagsimula sa isang kasunduan ay nauwi sa damdaming pareho nilang pilit itinatanggi.
Nang matuklasan ni Ellen na buntis siya sa anak ni Conrad, pinili niyang lumayo at mawala na lamang. Naniniwala siyang hindi kailanman matatanggap ng isang Montefalco ang anak ng isang hamak na katulong. Mas gugustuhin niyang palakihin ang kanyang anak nang mag-isa kaysa maranasan nitong ituring na pagkakamali.
Ngunit nang malaman ni Conrad na dinadala ni Ellen ang kanyang anak, huli na ang lahat. Ang lalaking dating walang pakialam sa pag-ibig ay handang baligtarin ang buong mundo upang mahanap ang babaeng pinakawalan niya. Handa siyang pakasalan si Ellen at buuin ang pamilyang matagal niyang hindi inakalang gugustuhin.
Ngunit paano kung ang sugat sa puso ni Ellen ay mas malalim kaysa sa pagmamahal na ngayon lang natutunang ipaglaban ni Conrad?
Kapag hinabol na ng isang ruthless billionaire ang babaeng minsang itinuring na parausan, sapat pa ba ang pag-ibig upang burahin ang sakit ng nakaraan?